Chapter 5

21 0 0
                                    

#LSC5

Chapter 5: Like Saturated Clouds

Inilapag ko ang paper bag sa mesa. Binigay ko na kanila Verity at Althea ang para sa kanila. Ang kanila Oli at Ven naman ay kukunin nila sa Sabado rito sa bahay. Itatago ko muna rito ang pasalubong ni Nathan sa kanila. Wala akong oras para pumunta sa bahay nila dahil bukod sa busy o maraming kailangang gawin, nasasayangan ako sa perang ipapamasahe ko papunta sa kanila. Pwede naman akong magpahatid kay Papa pero sayang naman 'yon sa gas kapag ganoon.

Nagbihis muna ako ng damit ko at pinalitan ito ng pambahay. Tinali ko rin ang maiksing buhok ko para hindi sagabal dahil marami akong gagawin ngayong hapon.

Walang nakaimbak na pagkain kaya minabuti ko na lang pumunta sa tindahan para bumili ng itlog at gatas na maiinom mamaya dahil sigurado akong mapupuyat na naman ako sa dami ng mga kailangan basahin at gawin sa school.

"Yve, may nakuha si Papa mo last week na dalawang sardinas, isang skinless longganisa, at tatlong gatas. Paalala mo na lang kay Papa mo, ha?" Wika ng may-ari ng tindahan na tinanguan ko na lamang.

Ang sabi ni Papa, binili niya 'yon. Nagsinungaling na naman siguro sila para hindi ako ma-stress. Isa sa mga ugali ni Papa ay yung pag-solo niya sa lahat ng mga problema. Hindi siya nagsasabi. Parang ang dami-rami niyang lihim sa akin.

Ang hirap na nga ng buhay namin pero ayaw pa nila akong payagang mag-part time. Kaya ko naman pagsabayin. Kaya ko naman i-maintain ang grades ko habang nagta-trabaho.

Maghanap muna kaya ako ng pwedeng mapapasukan? Hindi ko na lang din siguro sasabihin kay Papa dahil hindi naman nila ako papayagan. At isa pa, kung may mga nililihim sila sa akin para hindi na ako mamroblema, ganoon na lang din siguro ang gagawin ko sa kanila.

Huminga ako nang malalim at nagsaing na muna ng bigas. Nag-prito na lang din ako ng itlog na may kamatis. Mamaya ko na lang titimplahin ang gatas kapag gabi na.

Nilagay ko sa isang plato ang ulam namin mamayang hapunan at tinakpan ito. Dumiretso na rin ako sa kwarto ko para isipin kung saan maganda mag-part time. O 'di kaya tumanggap na lang ako ng mga commissions? Parang mas madali mag-manage ng oras kapag ganoon.

Sa weekend ko na lang ie-edit ang portfolio ko dahil marami pa akong kailangang gawin na academic related ngayon. Io-organize at compile ko na rin ang mga past edits ko na pwedeng sample piece para sa mga client. After no'n, magpo-post na lang ako sa isang separate na Facebook account na para lamang dito. Bukod kasi na organized ang mangyayari, kailangan ko rin itago kay Papa na tumatanggap ako ng commissions, baka kasi pagbawalan ako at sabihan na mag-aral lang ako.

Nang matapos magplano sa kung ano ang gagawin ko para kumita ng extrang pera, nagsimula na akong mag-aral.

Ginawa ko muna ang assignment sa Understanding the Self at nag-review naman ako para sa Purposive Communication at Philippine History dahil mayroon kaming quiz doon bukas.

Buong oras lang ako nag-aral, saka lang ako kumain noong nakauwi na si Papa. Nagsabay kaming kumain sa mesa at walang nagsasalita sa amin. Alam kong kapag ganito ang scenario sa bahay, ang ibig sabihin lang no'n ay pagod kami pareho.

Hinugasan ko na agad ang pinggan namin ni Papa at dumiretso ulit sa loob ng kwarto ko habang hawak ang mainit na gatas na tinimpla ko kanina.

Nagpakasubsob lang ako sa pag-aaral. Kailangan kong maging President's Lister o PL ngayong semester at pati na rin sa susunod pang sem dahil mayroong stipend kapag Academic Achiever ka ngayong college. Sayang din ang PHP 1,500. Kapag naman Dean's Lister o DL,mayroon silang ibibigay na isang libo. Hindi ko sigurado kung ang mga public state universities lang ang gumagawa nito o kung pati na rin ang ibang mga eskuwelahan kahit na private.

Like Saturated Clouds (Arbitrary Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora