Chapter 6

20 0 0
                                    

#LSC6

Chapter 6: Catch-up

Medyo mahaba-haba ang semestral break namin ngayon dahil kasunod nito ang Christmas break. Susulitin ko na ang bakasyon na 'to bago uli sumabak sa napakaraming gawain.

Inayos ko ang mga pending deadlines ko sa commissions. Tinatapos ko ngayon ang invitation na ginagawa ko para sa anak ng client ko. Seven years old na ang kaniyang anak at isi-celebrate nila ito sa isang hotel resort. Iniimbitahan din ako ng client ko na pumunta pero magalang akong tumanggi dahil wala naman akong kakilala sa party na 'yon at nakakahiya.

I haven't experienced celebrating my own birthday. At ayoko rin naman itong i-celebrate. Para kasing reminder ng existence ko ang pagkawala ni Mama. Minsan, may mga pagkakataon na hiniling kong sana si Mama na lang ang nabuhay at hindi na lang ako. Siguro, may pagkakataon pang makabuo sila ni Papa ng kumpleto at masayang pamilya. Hindi rin siguro ganoon kahirap ang buhay nila dahil may trabaho naman na si Mama noon.

Mahal ako ni Papa kaya naman noong bata ako at wala pang alam sa realidad, sini-celebrate namin ang birthday ko. Pero noong Grade 5 ako, saka ko lang na-realize ang mga nangyari. Simula noon, hindi ko na gusto pang ipagdiwang ang kaarawan ko.

Nasasaktan ako para kay Papa. Wala siyang sinasabi at kini-kwento tungkol sa nanay ko dahil alam kong ayaw na nila 'yon maalala at maisip pa. Pero at the same time, gusto kong malaman kung sino at kung ano ang naging ugali niya noong buhay pa siya. Gusto ko siyang makilala... kahit sa kwento lang o kahit sa mga pananaw lang ng iba. Karapatan ko pa rin naman 'yon, 'di ba?

Ano kayang itsura ni Mama? Kamukha ko raw. Medyo malaki rin ba ang mga mata nila? Nakasalamin din ba sila katulad ko? Bagsak ba ang buhok nila tulad ng akin? Mahaba ba ito o maiksi? Anong klaseng boses ang meron sila? Malalim o matinis?

Masarap kaya silang magluto ng ulam? Kapag ba nabigyan sila ng pagkakataon na mabuhay, susuklayin niya rin ba ang buhok ko tulad ng mga nanay ng mga kaklase ko noong elementary? Lulutuan niya rin ba ako ng tanghalian ko sa school? Baka hindi ako na-bully kung nabuhay siya.

Baka mas tolerable ang buhay kung kasama siya.

Veautiful

Verity: palengke day ngayon. mamamalengke ako. kayo ba, ven at yve?

Venice: oo, sabay-sabay ba ulit?

Olivia: Sama ako! Can I join?

Verity: marami pa naman kayong stock ng groceries tsaka hindi kami sa mall bibili. sa palengke. hindi mo magugustuhan doon.

Yvonne: Sakto at mamamalengke rin ako.

                  Hindi naman mamimili si Oli, Verity. Sasama lang siya.

Venice: Sama ka, Oli!

Verity: baka kasi hindi siya sanay sa palengke. oli, baka mag-dress ka? huwag ha? kahit casual lang o pambahay. ayos na 'yon.

Olivia: Magsho-shorts lang ako and shirt hehe I can go to palengke naman kasi sinasamahan ko dati si Yaya hehe ^^

Bakit parang iba ang approach ng mga chats ni Verity ngayon? Parang kung ako si Oli, mao-offend ako. Sana hindi niya damdamin ang nasabi ng isa naming kaibigan. Samantalang si Verity naman ay pagsasabihan na lang namin.

Nilista ko muna ang mga kailangan kong bilhin ngayong araw at ni-ready ang eco bag na paglalagyan ko ng mga ipapamili ko mamaya.

Ang mga araw na gan'to ang isa sa mga araw na bihira sa amin. Kahit kasi ang mamalengke ay hindi namin magawa ni Papa dahil sakto lang ang pera sa amin at madalas ay gipit o kulang pa.

Like Saturated Clouds (Arbitrary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon