Crush


"Hindi po ba nawiwirdohan yung amo ko sa lasa ng mga luto ko?" tanong ko dahil one week na ako rito sa work ko as a maid.


"Wala kanang pake, and wag mo ngang sinasabing luto mo iyan. Luto ko 'yan," sabi niya kaya naman napataas ako ng kilay.


"Sige, hindi rin naman ako nasasarapan sa luto ko kaya pwede mo na kunin credit." sabi ko sa kaniya at umalis na.


Mapaitan sana yung amo niya sa pansit dahil nasunog ko yung bawang.


Habang naglalakad ako papunta sa guard house para makipag chikahan sa lady guard ay tinignan ko muna ang view ng La Alviera.


"Pang mayaman ang village na ito, dapat ata lumipat nalang ako."


"Che, andito ka na? Kamusta naman ang trabaho?" tanong sa akin ni Rhea.


"Ayon, as usual hindi ko nanaman gusto ang luto ko." sabi ko at natawa siya.


"Siguro malakas tama ng boss mo, hindi alam kung ano ang masarap sa hindi," sabi niya pa kaya tumango ako.


"Kamusta na pala yung crush mo?" tanong sa akin ni Rhea.


"Hindi ko pa nga nakikita eh, ilang weeks na rin yon." sabi ko pa at napa buntong hininga.


"Wag ka na malungkot diyan, puntahan mo nalang uli!" sabi nito kaya sumang ayon ako agad.


Buti nalang talaga ten minutes walk lang yung opisina ni Paul sa village.


Habang naglalakad ako ay nakita ko ang iilan sa mga tao ni Mommy kaya naman napa yuko ako at nag duckwalk pa papunta sa tapat ng building kung saan may puno para mag tago roon.


"Che, wag kang maingay." bulong ng aking isip habang naka takip pa ang bibig.


"I have a lot of meetings right now, Glie. Wala akong time to entertain someone." boses iyon na pamilyar sa akin kaya naman sumilip ako.


"And so? alam ko naman na busy ka and i respect that. Is it true na you are in a relationship with Shamelle?" tanong ng babae sa kaniya.


"I don't have a girlfriend, but it's not a reason to have one."


"Why not? You want fuck buddy?" 


hindi ko na kaya ang mga naririnig ko dahil medyo naiilang ako sa kanilang sagutan.


Tumayo ako para umalis na kaso sa sobrang lampa ko, naunang tumapak sa lupa ang aking mukha kaysa paa.


"Bakit ba ang lampa ko?" naiinis kong sabi.


I saw Paul and the girl looking at me.

Written in the Stars (La Alviera Series #1)Where stories live. Discover now