10 2 0
                                    

Neighbor

"Dito ninyo nalang po ilagay yung mga gamit, Kuya!" sabi ko roon sa kuya na nagdadala ng mga mumurahing furnitures ko.


Masyadong mahal ang apartment dito sa La Alviera kaya dapat ang furnitures ko mura nalang, baka maubos ko agad ang pera ng kapatid ko.


Buong araw lang akong nag ayos at nag linis para kinabukasan ay makahanap ako ng trabaho.


Kung delata ang kakainin ko sa isang buwan at puro egg, sigurado akong mabubuhay pa naman ako. Kailangan konang makahanap talaga ng trabaho sa lalong madaling panahon.


"Ano ba ang mga pwede ko pong applyan sa mga trabaho rito sa village?" tanong ko roon sa pinaka manager.


"Marunong ka ba mag luto at mag linis?" tanong sa akin noon kaya tumango ako.


Madali lang naman siguro pag aralan ang pagluluto.


Hindi pa ako nakapag luto kahit kailan dahil sa bahay namin mayroon kaming taga luto, bahala nalang kung sino mang lulutuan ko.


"Diyan ka sa katabing bahay mo magluluto at maglilinis, naghahanap siya ng personal yaya." sabi noong manager kaya tumango ako.


Pumasok ako sa bahay at mukhang malinis naman kaya nag walis nalang ako ng kaunti.


"Ano kaya mga puwede ko lutuin sa mga pagkaing nasa ref nito," tanong ko sa sarili ko.


Noong naka kita ako ng baboy ay naisipan kong mag sinigang dahil mukhang meron naman siyang pang sinigang.


Ang alam ko baboy at sili na green lang yon tas sinigang mix pwede na, may kangkong din naman siya.


Nag lagay ako ng tubig sa lutuan at pinakuluan ang baboy, nilagyan ko ng maraming sampaloc ang tubig at hinayaan naiyon.


Nilagay korin ang lahat ng ingredients sabay sabay. Noong naluto ay tinikman ko pero kulang sa asim kaya naman naglagay ako ng lemon.


Siguro okay na ito, okay na siguro iwanan ang bahay at pagkain.


Umuwi na ako kaagad dahil pagod narin ako.


Namimiss ko na si Paul, kamusta na kaya siya? 1 week ko na siyang hindi nakikita.


Magkano nalang ang natira sa 100 thousand ni Callie, hindi kaya tinutulungan niya talaga ako kaya nag iwan siya ng ganoon kalakeng pera?


Sa dami kong iniisip ay hindi kona namalayang ako ay nakatulog na pala.


Papunta palang ako sa bahay noong amo ko at nakakita ako roon ng babae, siya siguro ang amo ko.


"Are you the cook of my boss?" tanong nito sa akin kaya naman tumango ako.

Written in the Stars (La Alviera Series #1)Where stories live. Discover now