Prologue

32 2 0
                                    

Panyo


"Where have you been?" tanong sa akin ng isang napaka kisig na lalakeng asa harap ko, ang boyfriend ko.


"Andito lang naman ako, naghahanap ako ng mga santan na gagawin naming bracelets nina Yesha para sa mga bata na tuturuan namin mamaya sa Childrens Ministry." 


"Sorry," yumuko siya at pinagmasdan ang mga dala dala kong santan.


"Kumain na ba kayo ni Yesha?" tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong umiling dahil kanina pa rin kami nagugutom ni Yesha.


Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming nag lakad patungo sa canteen ng church dahil roon siya naka toka sa church. Hindi ganoon ka yaman ang buhay namin simula noong nag live in kaming dalawa, tumakas sa mga magulang pero hindi parin namin nakakalimutang maging mabuti sa kapwa.


Ang tutuo niyan, simula noong namuhay kami sa Floridablanca ay naging mapayapa ang aming buhay. Hindi ganoon kayaman pero sakto naman para sa pang araw araw naming dalawa.


"Che, nag aaya sila Laurence para mag swimming daw sa palakol pag tapos ng Childrens Ministry. Doon daw natin gagawin ang fellowship nating mga young people," naka ngiting sabi sa akin ni Yesha habang nag sasandok ng pagkain na niluto ng boyfriend ko.


"Sige sasama kami!" naka ngiti kong sabi sa kaniya at tumango lamang si Yesha.


Si Yesha ang una kong naging kaibigan rito simula noong dumating kami, sila ng kaniyang boyfriend na si Laurence din ang nag invite saamin para maging member ng kanilang church.


"Mukhang maraming santan ang nakuha mo ah, Che?" ani Yesha.


"Oo, tiyak na magugustuhan ng mga bata ang mga bracelets natin mamaya!" sabi ko at tumango lamang siya.


Noong natapos kaming mag lunch ay nagsimula na kaming mag turo sa mga bata para maaga ring matapos. Sina Laurence at Cyden naman ay nagluluto ng mga pagkain na memeryendahin ng mga bata.


Natapos ang pagtuturo at pinakain nanamin ang mga bata.


"Ate Che, ang ganda po ng mga santan bracelet na ito!" natuwa ako dahil sa simpleng compliment nila na ganon ay tuwang tuwa na ako.


Habang naglalakad kami ni Cyden papunta sa bahay namin para makapag ayos bago makipag fellowship ay naramdaman kong mayroon siyang isinuot sa aking daliri kaya naman tinignan ko ito.


Lakeng gulat ko noong iyon ay singsing.


"Cyden?" nauutal kong tanong sakaniya, nagulat ako noong lumuhod siya sa aking harap.


"Chelena!" nagulat ako sa sigaw kaya naman nagising ako sa mahimbing kong pag tulog.


Noong umupo ako sa aking kama ay naramdaman kong may tumulo na luha sa aking mata.


"Anak naman! Kasal mo ngayon tapos hindi ka maagang nagising, at talagang nag sara ka pa ng kuwarto mo! Imbis na limang oras ang preparation mo ay naging dalawa nalang dahil sa tulog mo," sigaw ni Mommy sa akin kaya naman umayos na ako kaagad.

Written in the Stars (La Alviera Series #1)Where stories live. Discover now