Chapter 50

79.6K 1K 6
                                    

=CHAPTER 50=




Hindi mo alam ang mangyayari sa future. No one knows. May mga bagay tayo kailangan tanggapin pag dumating sa buhay natin. Maganda man ito o hindi, all we can do is accept it, Move on and be strong.


Hindi ko na alam kung kamusta na si Yckos. Isang buwan na kami naghihintay ni Xyra na bumalik sila ni Lucas pero hindi pa rin sila bumabalik. Tinatawagan namin ni Xyra ang mga phone nila pero patay eh. Nakarinig nanaman ako ng ilang pagdadabog sa kabilang kwarto. Napatingin ako agad kay Tyrone, baka kasi magising ang anak ko. Dito na muna kami ni Tyrone sa mansion ng mga Sy dahil na rin sa safety sabi ni Tito Nick. Habang hindi pa nakakabalik si Yckos at Lucas dito ay hindi masisigurado ang kaligtasan namin lalo na at nakalabas na ng kulungan si Monica.



Dahan dahan ako lumabas ng kwarto at pinuntahan si Xyra. Alam ko na sa kwarto nanaman niya nanggagaling ang ingay na iyon. Ilang gabi na din siyang ganito at nagaalala na kami dahil buntis siya. Kumatok ako bago buksan at gaya ng inaasahan ko umiiyak nanaman siya. Ganito rin ako noong isang linggo na wala pa si Yckos, wala din communication at ang mas masakit pa, hindi namin alam kung nasan sila.



"Xyra, huminahon ka at ang anak mo." Niyakap ko siya ang kinuha ang phone niya na balak ibato kanina pagkapasok ko.



"Bakit hindi pa rin siya matawagan! Buntis ako tapos iiwan niya ko ng ganito katagal?! Gago ba siya?! Pano kung manganak ako??!" Pagwawala pa ni Xyra. Hinaplos haplos ko ang likod niya at pinapatahan siya. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at nakita ko si Tito Nick na pumasok.




"Daddy! Ang gago ni Lucas! Ang tagal tagal niya umuwi! Dad we have to do something!" Hinila hila ni Xyra ang damit ng ama niya matapos kumawala sa'kin.



"I wanna show you something. Buti na rin at nandito ka Primrose." Ani ni tito Nick. Lumapit ako sa kaniya at nilabas niya ang phone niya.



"Nagvoice mail sa'kin yung dalawa. Makinig kayo." Seryosong sabi pa ni Tito Nick na siyang kinabigla namin ni Xyra. Nagkatinginan pa kami. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako at sabik na rin na marinig ang boses ni Yckos.


"Dad, si Lucas po ito. We just want you all to know that we are fine. And please po paki parinig din ito kay Prim and Xyra....." natahimik kami at napahawak si Xyra sa bibig niya habang nakatitig sa phone ni Tito Nick na para bang si Lucas ang tiniginan niya. Maging ako ay hindi maiwasan mapatitig din doon. Kahit boses lang ni Yckos please...



"Xyra, mahal ko. I'm ok so stop crying please? I know you're crying. I always know when you're crying. I miss you Mahal ko, and i'll be back soon. So please take care of yourself and our baby for now. Babawi ako sayo pagbalik ko. Bibilihan kita ng fishballs. I miss you Mahal ko, I love you so much." Matapos iyon ay humagulgol na muli si Xyra.




"Dad! We have to find them! We have to find them! I need him Dad!" Hagulgol pa ni Xyra. Naiiyak na rin ako. Naiiyak ako dahil buti pa si Xyra narinig na niya si Lucas. I wanna hear Yckos' voice too.



"Shh.. Xyra mamaya na please." pakiusap ni Tito Nick. Tinuro niya ang phone at nakita namin na hindi pa tapos ang voice mail.




"Umm.. Dad it's me. I know you wont worry about me because you know i'm ok. But to Rose... Baby i'm ok. I'll be back soon. I miss you and i'm sorry for making you worry. For the tears and sleepless nights. But baby i want you to know i'm doing this for you. I want to protect you. Hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyaring masama sayo. I love you with all my heart and i promise you babalik ako. Maghintay ka lang sandali na lang ito. I miss you Baby. I miss you si damn much..."



Matapos iyon ay naiyak na rin ako. I let my tears fall hindi na ko nahiya kahit nandito si tito Nick o si Xyra. Hindi ko rin naman mapipigilan. Pero hindi ito dahil sa lungkot o pangungulila. Dahil ito sa saya na nararamdaman ko. I trust him at alam ko sandali na lang at babalik na siya. Nandito lang ako at hihintayin siya.


"Ayaw nila kayo tawagan o kahit ano dahil under protection tayo ngayon. Wag kayo mag alala. Kilala ko ang dalawang iyon at alam ko babalik sila ng buong buo satin kaya maghintay lang tayo." Tumango kami ni Xyra kay Tito Nick. Nag paalam na siya sa'min kaya naiwan ulit kami ni Xyra.




"I miss him, Prim. I miss my kuya and i miss Lucas too." Malungkot na sabi ni Xyra sa'kin. Niyakap ko siya at pinunasan ko rin ang luha ko.




"Malapit na Xyra, malapit na at babalik na sila sa'tin. Magtiwala lang tayo. They love us more than their lives kaya nila to ginagawa. Pasensya ka na at nadadamay ka. Dapat sa'min lang ni Yckos ang problemang ito pero napakawalanghiya ni Monica. Pati kayo ay nadamay." Naguguilty ako. Hindi dapat damay si Xyra o kahit sino man. Napakalaking problema ang dinulot ni Monica di lang sa'min ni Yckos pati na rin sa mga pamilya namin.




"Ok lang, Hindi mo din naman ginusto na mangyari to. Kaya natin to. I just miss them. Buntis ako dapat nandito sila!" Pagbibiro ni Xyra. Napangiti ako. Matapos niya makakalma ay bumalik na ko sa kwarto at niyakap muli si Tyrone.






Babalik na si Yckos at alam ko na pagbalik niya wala nang problema. Matatapos din ang lahat ng ito. Magiging maayos din ang lahat. I will wait for you... i promise.

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon