Chapter 14

105K 1.6K 8
                                    

=CHAPTER 14=






Hindi na ko nakapasok dahil nagtext din naman si Xyra na bukas na daw ako pumasok. Nahihiya man ako pero ayaw niya talaga ako papasukin ngayon kaya sumunod na lang ako. Nakaupo lang ako at pinapanood si Tyrone at Yckos na nagbubulungan. Kumunot ang noo ko nang kumindat pa si Yckos sa'kin habang binubulungan ang anak ko. Napairap na lang ako sa kaniya. Close na agad sila? eh kanina hinagisan pa siya ng sapatos ni Tyrone.





"Tyrone, anak. May assignment ka ba? Gawin mo muna iyon." Mahinahon kong utos sa kaniya. Umiling siya sa'kin bago sumagot.





"Mama, wala daw po kaming homework pag friday. Tapos Yckos, gusto ni Mama ng shshshshs..." bumalik siya ulit sa bulungan nila ni Yckos. Ano ba pinaguusapan nila? Naiinis na ko ah? Bakit kaylangan magbulungan? Ano ba iyon?!






"Mag miryenda muna kayo oh. Yckos, hijo. Pasensya ka na at hindi na cake at tea ang mahahain ko sayo ngayon ah hindi tulad dati. Pero masarap naman iyang monay." Nawala ang sandaling lungkot ni mama at ngumiti kay Yckos. Dati noong kami pa ni Yckos. Magkapantay lang ang estado ng buhay namin kaya pag dumadalaw siya sa bahay, mamahaling cake at tea ang hinahain ni mama pag miryenda sa kaniya.





"Hindi naman po ako namimili, Tita." Ngumiti si Yckos kay Mama. Tita na ulit ang tawag ni Yckos kay Mama. Parang iyong dati lang. Nag miryenda kami at wala naman reklamo si Yckos kahit monay at softdrinks lang ang ihinain sa kaniya. Subukan niya magreklamo baka sipain ko siya palabas. Teka nga. Bakit nga ba nandito pa siya? Wala ba siyang trabaho?






"Hindi ka pa ba aalis? Wala ka bang dapat asikasuhin sa opisina?" Kunot noo kong tanong sa kaniya. Tumabi naman ang anak ko sa'kin. Ano pagtapos ng bulungan session niyo sa'kin kana ulit close? Nako Tyrone.





"Wala naman. Bakit gusto mo na ba  ako paalisin?" Nakangising sagot niya. Tinignan ko siya ng masama at tumawa naman ang loko.





"Yckos! Anong trabaho mo?" Naku! Ang anak ko. Kung magsalita akala mo kaedad niya lang si Yckos. Ganon na sila kaclose?






"May ari ako ng Hotel, Meron din akong Mall, Hospital, Bar, Airport at madami pa." Pagmamalaking sagot ni Yckos. Napahanga naman niya ang anak ko. Nagningning pa ang mata ni Tyrone. Umiling iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ang yabang ng isang to ah.





"Mall? Edi ba madaming toys sa mall? Ikaw din ba may ari ng mga Toys doon? Yckos gusto ko ng mga toys sa mall kaya lang sabi ni mama pagiipunan niya pa daw. Pwede ba ko humingi ng toys sayo?" Ang daldal ng anak ko! Kumuha ako ng monay at ipinakagat iyon sa kaniya.





"Ang daldal mo Bebe. Kain ka na nga lang ha?" Natutuwa ako sa pagkabibo ni Tyrone pero minsan sumosobra na ang pagkadaldal niya. Napatingin naman ako kay Yckos na nagpipigil ng tawa.





"Walang nakakatawa, Yckos." Inirapan ko siya. Buntong hininga siya at ngumiti sa Anak ko.





"Bukas pupunta tayo sa mall. Bibili tayo ng toys gusto mo?" Mabilis na nilunok no Tyrone ang tinapay at uminom ng softdrinks. Nanlaki pa ang mga mata niya sa excitement.





"SIGE BA! Mama pupunta daw tayo ng mall bukas!" Excited na nagtatalon pa si Tyrone sa harap ko sabay yakap ng mabilis kay Yckos. Napatawa naman si Mama habang nanonood sa apo niya.





"Be, Hindi pwede. May pasok ako sa trabaho bukas." Mahinahon na sagot ko sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi niya. Mabilis na naglaho ang kasiyahan sa muka niya. Gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko pero totoo naman na may pasok ako bukas.






"Edi ngayon na lang? It's still early. We can go to the mall now." Biglang singit ni Yckos. Bumalik ang excitement ni Tyrone at nagtatalon sa tuwa sa harapan ni Yckos. Umiling na lang ako at nasapo ang noo ko. Ano bang trip ni Yckos ngayon? Bumalik ang tingin ng anak ko sa'kin.





"Mama, hindi ka naman po pumasok ngayo! Pwede po ngayon diba mama? Diba po mama? Tara na Mama! Magbibihis na po kami Yckos!" Hindi na ko binigyan ng anak ko ng chance sumagot hinila na lang niya ko sa kwarto namin.






Excited siyang naghalukay ng damit sa aparador at nagsuklay ng buhok niya. Malaki ang ngiti niya. Napabuntong hininga na lang ako. Ano man plano ni Yckos ay hindi ko alam. Pero sa ngayon, hahayaan ko na lang muna maging masaya ang anak ko. Hindi ko rin naman siya napagbibigyan sa gusto niya dahil busy ako sa pagtatrabaho o kaya pag minamalas busy ako sa paghahanap ng trabaho. Napatingin ako sa anak ko at tinawag siya. Tumingin naman siya na may ngiti pa rin sa labi.





"I Love You, Anak."



"I Love you Mama!"

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon