Chapter 1

171K 2K 59
                                    

=CHAPTER 1=

Pagkagising ko sa umaga, hinalikan ko ang noo ni Tyrone na mahimbing pa ang tulog. Dahan dahan akong bumangon para makapag handa na ng agahan namin. Pinakuluan ko ang tocino na favorite ni Tyrone at itinayo ang plantsahan. Kinuha ko naman ang uniform ni Tyrone. May pasok kasi siya ngayon. Kinder na agad siya dahil inilipat siya ng advicer niya sa kinder dahil masyado na siya matalino para sa nursery. I raised him well.

"Oh anak, ang aga mo gumising." Lumabas si mama sa kwarto niya at nagpainit ng tubig pang kape.

"May pasok si Tyrone eh. Mama pwede ba ikaw muna ang magbantay sakaniya ngayon sa school?" Pakiusap ko kay mama habang pinaplantsa ang polo ng anak ko.

"Osige anak. Mag lakad ka ba ngayon?" Tanong niya pa. Inilagay ko sa hanger ang uniform ni Tyrone at binalikan ang tocinong niluluto ko.

"May trabaho kasing sinasabi si Ema. Part time lang naman pero ok na din. Kaya lang gabi ang pasok. Iniisip ko sana na maghahanap ulit ako ng trabaho ngayon araw tapos didiretso na lang ako doon mamayang gabi." Paliwanag ko kay mama.

"Anak pasensya ka na talaga ah-" hindi ko na pinatapos si mama alam ko na ang sasabihin niya. Ngumiti ako sakaniya.

"Ma, hindi kayo ang may kasalanan ni Papa ok? Everything happens for a reason. Thanful pa rin ako na magkakasama tayo kahit mahirap tayo." Ngumiti rin si mama sakin.

Tapos na ko magluto at nagsangag na din ako ng kanin ng may biglang humila ng laylayan ng tshirt ko. Si Tyrone lang pala. Magulo ang buhok niya at kinukusot ang mata. Mukang bagong gising pa ang anak ko. Binuhat ko siya at yumakap naman siya sakin. Napakalambing talaga niya.

"Tyrone you behave sa school ah? Si Grandma muna magbabantay sayo ha. Hahanap kasi ulit si mama ng work." Ngumiti ako kay Tyrone at iniupo siya sa bangko sa dining table.

"Ok po mama i will behave. We have a school play tomorrow, mama. I will be the tiger! Panoodin mo ko bukas mama ah?" Excited na sabi pa niya sakin. Inayos ko ang buhok niya.

"Sige baby, mama will watch your play tomorrow. Galingan mo ha?" Tumango naman si Tyrone at ngumiti sakin. Nakakagaan talaga ng loob si Tyrone. He makes me smile. Naalala ko noong una ko siyang nakita...

Flashback..

6years ago...

Tahimik lang ako na nakatingin sa bintana ko. Pinahid ko ang luha ko. Ang sakit talaga. Hindi niya man lang ako kinausap o pinigilan. Sabagay gusto niya din naman siguro na magkahiwalay kami. Nagbago na siya. Hindi na siya si Yckos na nakilala ko noong highschool kami. He is now Yckos Riu Sy, the son of Satan. A devil.

Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Ema sa screen. Sinagot ko ito at pilit kinakalma ang sarili ko. Ayoko mag alala nanaman siya sakin.

"Hello Ema?"

"Prim. Tulungan mo naman ako. Yung kinakapatid ko kasi pumunta ng japan. Iniwan sakin yung anak niya. Hindi na daw niya babalikan eh hindi ako pwede magdala ng bata sa bahay magagalit si mama sakin eh ni hindi nga ako mahilig sa bata"

"O-osige. Pumunta ka na lang dito sa bahay."

"Ok Prim. Salamat talaga ah. On the way na ko jan dala ko na yung bata."

"Magiingat kayo"

Binaba na niya ang tawag at tumayo naman ako para maligo. Pag nakita ako ni Ema na umiiyak nanaman dahil kay Yckos baka sermonan niya nanaman ako. Matapos ko maligo inayos ko ang kwarto ko at ang sarili ko. Kinuha ko ang laptop ko at kunwari nanonood lang ng movie. Maya maya pa ay dumating na si Ema dala dala ang batang lalaki. Natutulog ito at dahan dahan itong binaba ni Ema sa kama ko.

"Prim, pwede sayo muna siya? Alam mo naman na hindi ako mahilig sa bata. Ayoko talaga sa mga bata promise!" Aniya. Nakatitig lang ako sa baby nang bigla itong gumalaw at pagbukas na pagbukas ng mga mata niya ay nagtama agad ang paningin namin.

End of flashback

Simula noong tignan niya ko sa mata ay lagi na niga ko napapasaya. Kahit si mama at papa natuwa sakaniya. Tyrone makes us happy. Noong namatay si papa dahil inatake siya sa puso dahil nawala ang lahat samin, ngiti lang ni Tyrone ang nagpapasaya samin ni mama. Hanggang ngayon si Tyrone pa din ang nagpapagaan ng loob namin ni mama kahit naghihirap kami ngayon. Kaya hindi ko tunay na anak si Tyrone mahal na mahal ko siya. And mama loves him too.

Matapos namin kumain ay nagayos na ko para umalis at maghanap ng trabaho. Sa kasamaang palad wala pa rin ako nahanap na trabaho. Nasayang nanaman ang araw ko. 6:30 pm na nang maalala ko si Ema. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya. Agad naman niya itong sinagot.

"Ema, saan yung trabahong sinasabi mo?" Tanong ko sakaniya.

"Papunta na rin ako dun ngayon magkita na lang tayo itetext ko sayo saan tayo magkikita. Nasa jeep ako ngayon eh" sagot naman niya. Rinig ko nga na nasa jeep siya.

"Osige magkita na lang tayo." Matapos non ay binaba ko na ang tawag. Mabilis pa sa alaskwarto na natanggap ko ang text niya.

__________

"Prim!" Nakita ko si Ema na kumakaway sakin pagkababa ko ng jeep. Naka casual lang siya at may dalang bag. Nilapitan ko siya.

"Bakit ganyan lang ang suot mo?" Tanong ko agad sakaniya. Skinny jeans, tshirt at flats lang kasi ang suot niya. Samantalang ako naka blouse, pencil skirt at 3inch heels.

"Ano ka ba magpapalit din naman tayo doon. Tara na malelate na tayo." Aniya. Hinila na lang niya ko papunta sa kung saan hanggang sa makarating kami sa isang building. Dirediretso kaming pumasok doon. Sumunod na lang ako.

"Dito na tayo." Sabi pa ni Ema habang tinutulak ang puting pintuan. Pagbukas nito ay bumungad agad sakin ang limang babaeng naka fitted dress na konting tuwad na lang ay kita na ang kaluluwa. Napalunok ako.

"EMA!! bakit late ka?!" Sigaw naman ng isang babaeng nag memake up.

"Sinundo ko pa kasi to si Prim. Siya yung sinasabi ko sainyo kagabi." Tinignan nila ako at ngumiti naman ako. Muka naman silang mababait maliban sa isa.

"Tsh! Akala ko ba maganda?" Siya yung nagsalita. Aba?!

"Maganda pa nga siya sayo, Pluto!" Sabi pa ng isang babaeng maiksi ang buhok.

"Excuse me. Venus ang pangalan ko hindi pluto. Makalabas na nga." Pagtataray ni Venus tsaka binangga ang balikat ko at tuluyang lumabas.

"Nako hayaan mo siya. Halika na nga at magpalit ka na ng uniform natin" hinila ako ni Ema sa isang banda kung saan may mga nakasabit na damit tulad ng suot nila. Napanganga ako. Hindi ako nagsusuot ng ganitong damit!

Aangal pa sana ako kay Ema kaya lang busy na siya sa pagmemake up sa sarili niya. 1k isang gabi. Magsusuot ako ng ganito at magbebenta ng Marlboro sa bar? Hayy. Anything to make money. Wala na kong choice at kinuha ko na lang ang uniform at nagpalit na. Ilang na ilang ako dahil ang sikip nito para sakin. Hapit na hapit sa katawan ko. Hindi ako nagsusuot ng ganito pero ano pa ba magagawa ko.

Humarap ako sa salamin dito sa cr at pilit tinatakpan ang dibdib ko. Kita na ang cleavage ko. Yung legs ko din kitang kita na. Napabuntong hininga na lang ako habang papalabas ng cr.

"OMG!!! ANG SEXY MO NGA GIRL!!" sigaw pa ng isa sa mga babaeng kasama namin ni Ema nang makita ako. Naginit naman ang pisngi ko lumipat lang naman kasi sakin ang mga tingin nila.

"Sabi ko naman sainyo eh. Sexy, maganda, at makinis! Panis yang Pluto na yan kay Prim!" Napapalakpak pa si Ema at pinagmamalaki ako sa mga kasama namin. Kinotongan ko na.

"Gaga ka wala kang sinabi sakin na ganito suot natin, alam mo naman na hindi ako nagsusuot ng ganito" napakamot na lang si Ema sa ulo niya at ngumiti sakin.

"At least! Trabaho to diba? Tara na ako sg memake up sayo" i rolled my eyes at sumunod na lang ay Ema. Bahala na nga ano mangyari.

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon