Chapter 39

63.9K 989 20
                                    

=CHAPTER 39=

"Hija, nasa bangko ang dalawang milyon na pinagbentahan ng lupa natin dito. Tsaka ka na magtayo ng negosyo pag bumalik ka na ng Maynila, doon ka na lang magsimula ng negosyo dahil mahirap kung dito." Tumango na lang ako sa sinasabi ni Mama. Ilang linggo na niya ko sinasabihan na wag dito sa probinsya itayo ang negosyong naiisip ko.


"Mama, school will start soon. Kelan po tayo babalik sa bahay?" Tanong ni Tyrone sa'kin habang nilalagyan ko ng powder ang likod niya.


"Go to Lolo na dali." Pagiiwas ko sa usapan. Pakamot kamot ulo naman si Tyrone habang papunta kay Tito. Bumuntong hininga ako.


"Magpapasukan na Rose. Paano na ang pagaaral ni Tyrone kung magtatago lang kayo dito?" Tanong pa ulit ni Mama. Bumuntong hininga na lang ulit ako at pinanuod si Tyrone na nagpapakain ng mga manok kasama si Tito.


"Dito ko na lang siya ieenroll, Ma." Simpleng sagot ko kay Mama. Umiling iling siya sa'kin at kinuha ang mga kamay ko.


"Anak, alam ko na si Yckos ang dahilan ng pagpunta niyo dito. Bakit hindi mo na lang siya kauspin nang magkaayos na kayo? Wag mo naman din idamay ang anak mo. Kahit anong tanggi mo ay kailangan niyo pa rin talaga umuwi ng Maynila." Tumingin ako sa mga mata ni Mama. Alam niya na tama siya. Alam ko na kailangan ko din naman umuwi ng Maynila pero hindi pa talaga sa ngayon. Hindi pa nga ako tapos kay Xyra. Kahit na Tinutulungan ako ni Roman sa pag aayos ng problema ko sa kaniya nahihirapan pa din kami.


Speaking of Roman, nag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Roman sa screen. Agad ko naman sinagot.


"Hello?"

"Primrose, you have to see this. Manood ka ng tv ngayon. Chanel 11. Now!"


Nakaramdam agad ako ng pagkataranta nang hindi na ko pasagutin ni Roman dahil bigla niya na lang pinatay ang phone niya. Nagpaalam muna ako saglit kay Mama at pumasok sa bahay. Mabilis kong sinunod ang sinabi ni Roman. Binuksan ko ang TV at nilipat sa chanel na sinasabi niya. Napaupo ako sa sofa nang makita ko ang mukha ni Yckos. He has a beard but it looks good on him. Humaba din ang buhok niya. Naging malalim ang mga mata dahil sa eyebags. Parang napabayaan niya ang sarili niya. Napatakip ako ng bibig ko at hindi ko na napigilan ang luha ko. I miss him so much.


"So Yckos. Totoo ba na nahulihan ka na may dalang drugs sa isang PUB?" Tanong ng artista na nasa harapan ni Yckos. Iniinterview siya.


"Yes it's true but it's not mine. It's obvious on the video. Hindi ko na kailangan magpaliwanag." Malamig na sagot ni Yckos. Kitang kita ko naman ang pagaalinlangan ng host.


"Nababalitaan din namin na lagi ka na lang daw nasa mga bar gabi gabi. Kasama sina Mr.Wade Sobrevega and Ms. Australia Willson. Ayos lang ba ito sa iyong fiancee na si Ms. Monica Giovanni?" Lakas loob na tanong ng host. Napalunok pa siya at halatang natetensyon kay Yckos.

"What fiancee? I don't recall proposing to someone. And Monica is just a friend. Anak siya ng dating stock holder sa kumpanya namin." Yckos gave a devious smirk. Bakit siya nagkakaganito? Hindi talaga siya ang Yckos na kilala ko.

"Wow! What a revelation! So are you saying na si Ms. Monica lang ang nagsasabi na engaged siya sayo?" Gulat na tanong pa ng host. Ngumisi lang si Yckos at tumango. Natahimik anf host at mukang hindi na alam ang susunod niyang gagawin. Bigla na lang nag commercial.

Ako may kasalanan nito eh. Ako may kasalanan kaya ganito na si Yckos ngayon. Kung sana hindi

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon