Chapter 4

106K 1.5K 35
                                    

=CHAPTER 4=

Tumayo ako at pumalakpak pagkatapos panoodin ang play na sinalihan ng anak ko. Ang galing galing niya proud na proud talaga ako sa kaniya. Mas lumaki pa ang ngiti ko nang kawayan niya ko at sumigaw ng "I Love You Mama!" Napatingin at iba pang nanood ng play sa'kin at nginitian nila ako. Pagtapos mag bow ng mga bata sa stage ay tumakbo agad palapit sa'kin si Tyrone. Ang cute cute niya sa tiger costume niya. Pinunasan ko ang pawis niya sa muka at hinalikan ang noo niya.

"Ang galing galing naman ng anak ko." Puri ko pa kay Tyrone. Nagblush siya at malaki ang ngiti sa akin.

"Mana kaya ako sayo mama. Sabi ni teacher may star daw ako bukas!" Excited na kwento niya sa'kin habang pinapalitan ko siya ng damit.

"Very good yan baby. Galingan mo lang sa school ha? Make mama proud ok?" Ngumiti siya at tumango sa'kin sabay nag thumbs up pa. Napatingin siya sa likuran ko at nagbago ang ekspresyon ng muka niya. Nacurious naman ako kaya lumingon din ako sa likuran ko.

Nakita ko ang isang pamilya. May nanay may tatay may anak. Pinaupo ng tatay ang anak niya sa balikat niya humawak naman ang bata sa kamay ng tatay niya at mukang masayang masaya sila. Bumalik ang tingin ko sa anak ko. Nakakagat siya sa thumb niya at mukang malalim ang iniisip. Naging mannerism na niya yung ganyan. Ang cute cute niya tignan pag nakaganun.

"Mama, asan po ang papa ko?" Bigla niyang tanong sa'kin. Napatulala naman ako sa kaniya. He's turning 7 at alam kong hindi naman impossible na hanapin niya ang papa niya. Ang totoo niyan hindi ko rin alam. Hindi ko rin naman nakilala ang tunay na mama ni Tyrone.

"Ang papa mo? Ano kasi anak...nagwowork si papa sa malayong lugar baby. But always remember your papa loves you so much." Nginitian ko siya at bumalik ang masayang ekspresyon niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Then i love my papa too, Mama!" Masayang sagot niya sa'kin at niyakap ako.

_________

Yckos' POV

"I Love You Mama!" Sigaw ng bata sa stage. Sinundan ko ang tingin ng bata at nakita ko si Rose na mukang proud na proud. Napangisi ako.

So nagbunga pala ang panloloko niya sa'kin noon. That bitch. Kaya pala siya hindi na lang nagparamdam kasi buntis na siya. Sobrang hiya niya sa ginawa niyang katarantaduhan hindi na niya ko nagawang kausapin. Hindi ko na rin siya kinausap. It's clear to me na totoo nga ang nangyari sa kanila ni Roman noon. Sinuot ko ang aviator ko at tumalikod na para lumabas na sa school at bumalik sa kotse ko. I can still remember how she killed me almost 7 years ago. Parang kahapon lang.

Flashback.

"Pare condolence." Tinapik ni Wade ang balikat ko bago bumalik sa kinakaupuan niya.

Nakaburol ngayon si mommy dito sa mansion namin. Namatay siya dahil sa sakit. Hindi ko na inalam kung anong sakit iyon dahil ayoko din naman malaman. I was looking at her picture while my sister caress my back and trying to calm me down. I love my sister but i need my girlfriend right now. Binalingan ko ang kapatid ko at tinanong siya.

"Xyra, nakita mo ba si Rose?" Pahikbi hikbi kong tanong sa kaniya.

"Nakita ko siya sa taas kanina kuya baka nandoon pa siya ngayon. Gusto mo tawagin ko?" Sagot ng kapatid ko sa'kin. Umiling ako at pinahawak sa kaniya ang picture frame na hawak ko.

"Ako na ang tumayo at naghanap sa kaniya." Inayos ko ang sarili ko at pumunta na sa 2nd floor ng mansion namin. Nakita ko pa si lola na kausap ang bunso kong kapatid na si Ares.

Hinanap ko siya sa buong 2nd floor ng mansion pero hindi ko siya nakita. Umakyat ako ng third floor at inisa isa ang mga kwarto pero wala pa din. Nadaanan ko ang bodega pero nagdalawang isip ako dahil pano naman mapupunta si Rose sa bodega? Paalis na ko nang may marinig akong kalabog sa bodega. Hindi na ko nag dalawang isip at bumalik ako at dahan dahan binuksan ang pintuan ng bodega. Pero nang makita ko ang nasa loob noon ay nagsisisi akong bumalik pa ko para tignan.

I saw my cousin Roman and Rose kissing hard! Madilim dito sa bodega at hindi ko sila masyado masilayan pero alam ko! Alam na alam ko na si Rose at Roman iyon. He was kissing her like theres no tomorrow. Bukas na ang puting blouse ni Rose at nakatambad na ang dibdib niya habang hawak hawak ni Roman ang mga kamay niya sa likuran niya. Napako ako sa kinatatayuan ko. Parang inapak apakan nilang dalawa ang puso ko. Bakit si Roman? Bakit si Rose? Pareho silang malapit sa'kin tapos ganito? Agad akong napatakbo palayo sa lugar na iyon.

They betrayed me! How could they do that?! hindi na sila nahiya! Sa sariling pamamahay ko pa! Sa burol pa ni mama! Mga sira ulo! Sa sobrang galit ko pinagsisipa ko ang kotse ko at nag drive palayo sa mansion. Hindi ko inakala na gagawin nila sa'kin to. Mga gago sila!

End of Flashback.

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon