Chapter 16

93.8K 1.6K 20
                                    

=CHAPTER 16=

Yckos' POV.

"ARES APOLLO SY!" Sigaw ko pagkarating ko sa mansion. Sumilip naman ang kapatid ko na nasa kusina. Mababanatan ko talaga siya! Hindi man lang siya nagsalita?! After all these years!

"Ang ingay mo, Kuya." Aniya pagkalapit ko. Nakatutok lang siya sa laptop niya habang kumakain ng ice cream. Kumunot ang noo ko.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin, Ares?" Nakakuyom ang palad ko. Tinignan niya lang ako na nakakunot din ang noo.

"ANO ARES?! ARE YOU JUST GONNA FUCKING STARE AT ME?!" bulyaw ko pa. Napansin ko ang mga katulong na napatigil dahil sa sigaw ko. Umiling iling naman si Ares.

"If you're asking me about what happened years ago with ate Prim and kuya Roman, then fine." Sininarado niya ang laptop at tumingin sa'kin ng seryoso. He's only 26 pero parang masyado na siyang matured sa edad niya.

"Napansin ko na galit na galit ka noong bumaba ka galing sa 3rd floor noon araw na iyon. Curiosity hit me kaya pumunta ako ng third floor. And there i saw ate Prim at kuya Roman. At first naguluhan ako pero i saw ate Prim crying. Hinampas ko si kuya Roman ng kahoy at nawalan siya ng malay kaya nakatakas kami ni Ate Prim. Dinala ko siya sa kwarto ko at kuhaan ng damit kasi sira na iyong damit niya." Matapos niya sabihin lahat sa'kin iyon ay nagpatuloy na siya ulit sa ginagawa niya na para bang wala lang nangyari.

"She told you not to tell me right?" Tumango ang kapatid ko. She's right! Hindi niya ko niloko gaya ng matagal nang nakatatak sa utak ko. Damn! I shouldve trust her! Sinayang ko lahat! Sinayang ko yung relasyon namin!

"I told kuya Roman na huwag siya magpapakita sa pamilya natin, what he did is unforgivable. Gusto ko nga siya isumbong sayo pero hindi ko nagawa dahil kay ate Prim. " dagdag pa ng kapatid ko. Nagpaalam ako sa kapatid ko at mabilis na lumabas ng bahay. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pimaharurot ito. Galit na galit ako kay Roman! Damn him! Bakit si Rose pa?!

Mabilis akong nakarating sa mansion ni Tito Mateo. Hindi ko na naayos ang pag kapark ng sasakyan ko. Nakita ko pa si Tita Nikki sa Garden. Nagulat siya sa pagbalibag ko ng pinto ng sasakyan ko. Mapapatay ko talaga ang anak nila! Dahil kilala ako ng guard nila ay agad nila akong pinapaok. "Oh, Yckos. Napadalaw ka?" Mahinhin na salubong sa'kin ni Tita Nikki.

"Tita, nasan po si Roman?" Pinigilan ko ang galit ko sa harap ni Tita. May tinawag siyang katulong at agad naman ito lumapit sa'min.

"Nasa library si Roman kasama ang Tito Mateo mo. Tere, paki hatid si Yckos doon." Nagpasalamat ako at nagmano kay tita at sumunod na sa katulong niya. Nakakuyom ng mahigpit ang kamay ko. Humanda ka sa'kin Roman.

Pagkapasok ko ng library, nagdilim agad ang paningin ko nang makita si Roman. Nakangisi pa ang gago. Sinapak ko siya ng buong lakas ko. "YCKOS!" sigaw ni Tito Mateo sa'kin. Sasapakin ko pa sana si Roman pero may respeto ako kay Tito Mateo kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"What is the meaning of this Yckos?!" Buyaw ni Tito Mateo sa'kin. Inayos ko ang suite ko at huminga ng malalim. Pangisi ngisi pa si Roman habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

"Tito Mateo, why don't you ask your son." Gigil na sagot ko kay Tito. Siguradong malalaman ni Dad ang nangyari dito but i dont fucking care.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Roman, what is the meaning of this?" Galit na din si Tito Mateo. Tumayo si Roman at inayos ang suot niya. Kung wala lang si tito dito ay baka binasag ko na muka niya!

"I made out with his girlfriend. Hindi niya kasi nasasatisty yung girlfriend niya. You should be thanking me Yckos." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinagsasapak ko na siya. I even heard tito Mateo calling our names pero hindi kami tumigil. Nagsuntukan lang kami. Pakiramdam ko hindi pa rin sapat kahit ilang beses na tumama ang kamao ko sa muka niya.

Natigil lang kami nang pigilan kami ng mga guard na pinatawag ni tito Mateo. Nagpumiglas pa rin ako. Damn him! Sa tuwing naaalala ko ang nakita ko noon at mga ginawa ko dahil sa pagaakalang niloko ako ni Rose sobrang nagagalit ako. Sinira niya kami! Sinira niya ang relasyon namin!

"I want him behind bars, Tito Mateo! Or else ako mismo papatay sa kaniya! Kalimutan mo nang magkadugo tayo Roman! Hayop ka!" I release myself from the arms of the guards at dirediretsong lumabas ng mansion nila.

Lahat ng sakit at hirap na naranasan namin ni Rose ay si Roman ang dahilan. Kulang pa nga na makulong siya eh! Kulang pa iyon sa gulong ginawa niya!

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon