01. WHAT REALITY IS

75 3 0
                                    

"Ayoko na Trish, Let's end this."

Hindi ako makagalaw. Nakatitig lamang ako sa mga mata ni Hashin. Hindi mag sink in sa utak ko kung bakit kami umabot sa ganito. Napakasaya namin halos hindi kami mapaghiwalay. Lumabo ang paningin ko, habang ramdam ko na tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata ko. Nagkakarera sila. Hinawakan ko ang braso ni Hashin.

"Seryoso ka ba?" Parang natatawang tanong ko sa kanya.

"Sorry." tugon nito at tinanggal ang nakahawak kong kamay sa braso niya. Ang sakit. Sobrang sakit. Tumalikod siya sa'kin at nagsimulang maglakad papalayo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko. Hinabol ko siya, hinawakan ako ang braso niya para humarap siya sa akin. Lumuhod ako.

"Hashin please, ayusin natin. Please I'm begging you!" umiiyak kong sambit. Napatingala si Hashin na parang naaawa. "Ikaw na lang, ikaw na lang ang natitira sa akin please I'm begging you don't leave me."

"Trish, tama na. Ayoko na" Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kaniya at tumakbo papunta sa kotse niya.

Naiwan ako. Mag isa at wala sa sarili. Ramdam ako ang dahan dahang pagpatak ng ulan sa aking kamay. Pati ba naman ulan ay nakikisama. I was dumb founded. Hindi ko alam kung bakit. Ang dami kong bakit na hindi ko alam ang sagot. Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko.

Umasa ako sa mga pangako niya. Sa mga sinabi at pinaramdam niya. Siya na lang ang natitira sa akin. Sobrang dumipende ako sa kaniya. Binigay ko lahat na halos wala nang matira para sa'kin pero bakit?

FEW MONTHS PASSED

Stop being dependent. Woah.

"Patriciaaaa!!" rinig kong tawag pagtawag sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Lea. Best friend ko simula elementary.

Anw, I'm Patricia Olivar. 24 years old. Business Management graduate. I owned a Coffee Shop.

"What?!"

"Maldita mo naman" tinawanan ko lang siya tsaka pinagpatuloy ang ginagawa. "Ano ba 'yan, ikaw na amo ikaw pa gumagawa jan!"

"Ano ba Lea, wala rin naman akong ginagawa"

"Okay."

Ganito ako palagi. Kamusta na kaya siya? Hays. Hindi ko pa rin siya makalimutan kahit ilang buwan na ang lumipas. He's my greatest love. Nung panahong iniwan niya ako, hindi ko alam kung paano ako uusad. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko, pa'no ako uusad? Hindi ko alam. Ang dami niyang tanong na iniwan sa akin.

"Boo!" sigaw ng nasa likod ko. Si Hashin Theo. My Boyfriend. Nilingon ko siya at nginitian. Nagdesisyon kaming magkita dahil 7th monthsary namin ngayon. Nagulat ako sa hawak niya. Isang bouquet ng pink tulips. Alam niyang paborito ko iyon at matagal na akong naghahangad magkaroon ng bulaklak na iyon. "For you Mahal ko." nakangiti, napakaganda ng kaniyang ngiti. Ang kaniyang bughaw na mga mata ay nakangiti rin lalo itong gumanda dahil nasisikatan ng araw. Halatang masaya siya.

Nabuo ang mga luha sa aking mga mata, Tears of Joy. "Oh, Mahal bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong nito.

"Tears of joy lang love!" natatawa kong sambit kaha natawa rin siya. Ang saya. "Ang mahal nito mahal. Okay na naman saakin ang isang pirasong plastic na rosas."

"You deserve that mahal ko. Pinag ipunan ko iyan kasi alam kong gusto mong makatanggap niyan. Happy monthsary mahal koo!!" at niyakap niya ako. Pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya. He's my safe place. Lagi't lagi. "Let's go love, may pupuntahan tayo." nginitian niya tumango ako tsaka naman niya hinawakan ang kamay ko.

Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan para hindi makita ni Lea pero huli na. Imbis na kung ano ang sabihin niya ay niyakap niya ako na siyang ikinagulat ko. "I'm here Pat, lagi." hinaplos haplos niya ang aking ulo tsaka ako dinala sa office ko. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ako. "Bakit ka umiyak?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KAYE'S ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now