CHAPTER 2

4 0 0
                                    

7 Years Later

Time sure do flies fast...

Fourteen years old na ako ngayon, dumating na ako sa edad na kung saan ay pwede nang mag-enroll sa Forensia Academy. Here in this school students study to become stronger and fight the demons that want to destroy the human kind and also to protect those who they hold dear.

"Eili talaga bang tutuloy ka sa pag-enroll sa paaralan na iyon? " nag-aalalang tanong ni mama.

"Syempre naman po!" I said with full confidence. "Wag po kayong mag-alala kasi sigurado po akong makakapasa ako sa entrance exam dahil sa mga turo ni papa sa combat at kaalaman na turo mo mama, Tsaka kasama ko naman po ang mga kaibigan ko at kung may magtangka man pong mambully samin... We'll know how to deal with them. " I said the last part with a smirk.

"Ahhahahha... Alam namin yun anak....Pero... Hindi yun ang ipinag-aalala namin ng mama mo" natatawang sabi ni papa bago muling sumeryoso ang kanyang expression.

Nagtaka naman ako. Anong ibigsabihin nila?

Halata kong hindi mapakali si mama na mukhang alalang alala.

Naginginig na nagsalita si mama. "Eilithyia.... H-hindi kami ang tunay mong mga m-magulang"

Halos madurog ang puso ko nang marinig ang mga salitang binitawan ni mama. Hindi ako makapaniwala.

"A-ano pong ibig niyong sabihin"

"Anak... Noong sangol ka pa lang ay ipinaalaga ka samin ng tunay mong mga magulang upang mailayo ka sa mga taong gustong pumatay sayo dahil sa taglay mong kapangyarihan" paliwanag ni papa.

"Kung ganon sino po ang tunay kong mga magulang at bakit may gustong pumatay sakin? At...sino po kayo? "

Nagkatinginan silang dalawa, bago muling humarap sa'kin.

"Ang mga magulang mo ay sina King Lawrence Lynx at Queen Vivienne Lynx ng kaharian ng Lynxville. At ikaw ang nag-iisang anak nila, ang crown princess Eilithyia Lynx. Ako ang isa sa mga personal maids ng reyna samantalang si Eos naman ang isa sa mga piling pinagkakatiwalaan ng hari sa kanyang mga royal knights"

Eh? C-crown princess ako?

"Alam kong hindi ka makapaniwala pero totoo lahat ng mga sinabi ko, satingin ko maniniwala ka kapag nakita mo sila ng personal"

Huh? Personal?

"Ibigsabihin makikipagkita ako aa kanila?"

"Oo, dahil yun ang napagdesisyonan nila at pangako namin. Bago ka pumasok sa Academy ay dadaan ka muna sa kaharian ng Lynxville. At bukas ang alis mo" pagsagot ni Eos sa tanong ko.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

"Kung ganon nagpapangap lang kayo na mag-asawa?" dagdag na tanong ko.

Kita kung medyo nagblush ang mga mukha nila.

"Tungkol diyan... Nung una oo pero nang tumagal ay nalaman namin ang tunay naming nararamdaman para sa isa't-isa... Kaya meron sana kaming pakiusap sayo... " nahihiyang sambit ni Eos habang parang kasing pula na ng hinog na kamatis ang mukha ni Ophelia.

Malugod kong tinangap ang pakiusap ng dalawa at pagkatapos ay nagpaalam na akong pupunta sa tabing ilog para makipagkita sa dalawa kong kaibigan.

Pero bago tuluyang lumabas ng pintuan ay nilingon ko sila at muling nagtanong...

"Minahal niyo po ba talaga ako na parang tunay ninyong anak o kasali lang din yun sa pagpapangap ninyo?"

Halata ang pagkagulat nilang dalawa bago agad na lumapit at niyakap ako ni Ophelia na kinilala kong ina.

"Syempre naman anak, kahit na hindi kami ang tunay mong mga magulang... Anak ka parin namin... At sobrang mahal na mahal ka namin ng papa mo" umiiyak na sabi ni mama.

Niyakap kami ng mahigpit ni papa.

"Anak tandaan mo rin na ano man ang mangyari, pagkailangan mo ng tulong... Andito lang kami ng mama mo..."

Matapos ang ilang minutong iyakan pumunta na'ko sa tabing ilog.

Nang papalapit ka ako ay nakita ko silang dalawa na nakaupo sa isang malaking bato.

"Ah! Eili... Andyan kana pala, halika na dito bilisan mo" saad ni Elliana habang kinakawayan ako.

"Hayy nako! Ba't ngayon ka lang, kanina kapa namin inaantay" nakasimangot na sambit ni Elliara.

Ngumiti na lamang ako at umupo sa tabi nila.

"Pasensya na ah... Nagkaroon lang kasi ng di-inaasahang pangyayari sa bahay... " saad ko habang hinihimas ang aking batok.

"Hmm... Bakit anong nangyari?" (Elliara)

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari.

"Ehh? Seryoso! I-isa kang prinsesa?!" sigaw ni Elliana dahil sa pagkagulat.

"Well... Wala namang pinagkaiba kung prinsesa ka o hindi dahil para sa'min ikaw ang matakaw naming kababata" kalmadong saad ni Elliara.

Gagaan na sana ang loob ko sa sinabi niya kung di lang dahil sa insulto.

"F.Y.I ! Hindi kaya ako matakaw noh"

"Yeah... Yeah... Whatever... " Elliana said while rolling her eyes.


A/N: How did you feel or think about this chapter? Please let me know in the comments.


If you liked this chapter please don't forget to vote and comment. 😊❤
Thank you so much for reading 🥰

Quote of the day:

BE THE CHANGE THAT YOU WANT TO SEE IN THE WORLD.

–Mahatma Ghandi

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 10 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Reincarnation: Living A New Life In A New WorldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ