I licked my lips and nodded, finally understanding his point.
"Kaya hindi ko sila masisisi. Ano ba ang dapat mong gawin sa taong nanakit at halos patayin ka? Siyempre, iwan mo, layuan mo, at huwag mo nang babalikan pa kailanman."
I sipped on my cup. Mukhang malaki ang kasalanan niya sa mga anak niya kaya naman walang pag-aalinlangan ang mga itong talikuran siya.
"Hindi obligasyon ng mga anak ang kanilang mga magulang. Lalo na't kung ang mga magulang nila ay kailanman hindi naging magulang para sa kanila," aniya.
Natigilan ako at napatitig kay Tatay. Malalim. It seemed like he already acknowledged his mistake as a father; that's why it was so easy for him to say those words.
And if I think about it deeply, he's right. Bakit mo nga ba aarugain ang taong kailanman ay hindi ka inaruga? Kung gagawin mo iyon, para ka lang nagpulot ng tao sa kalsada at napagdesisyunang alagaan ito.
I smiled. Somehow, our conversation taught me something. What you give is what you get, indeed. Mapa-anak man iyan o magulang, pantay ang lahat pagdating sa salitang respeto.
"Really? Even a dirty old man, Velarde?"
Gulat akong napatingala at agad na napatayo nang makita si Casimir na iritadong nakadungaw sa amin. He was dressed in a black dress shirt and denim pants. Maayos ang pagkakatupi ng sleeves nito sa kaniyang mga siko at nasa madalas na istilo ang buhok.
"Casimir!" Pagak akong tumawa. "Nandito ka?"
Mariin siyang nakatitig kay Tatay Noli at malamig akong binalingan. Dinapuan ako ng kaba at lamig nang umahon ang sarkasmo at paparating na insulto sa magaganda niyang mga mata.
"You've been partying like a wild animal the past few weeks. You reeked of alcohol right now, too. Ilang lalaki na ba ang nakita kong kasama mo? I even saw you with your boyfriend last week," he sounds so dangerous for some reason.
Kumunot ang aking noo at tuluyan nang kumabog nang marahas ang puso. Lalo na nang tapunan niya ng nangmamaliit na tingin si Tatay Noli na inosenteng nakatingala sa amin, nakikinig.
"What are you implying?" pigil ang inis kong tanong.
"I didn't know you were that low. You're also feeding a homeless old man? In exchange for what?" he said in an insulting tone.
Namilog ang mga mata ko at umawang ang bibig sa gulat sa mga salitang lumabas sa bibig niya. He shot an insulting glance at Tatay Noli and then at me.
"You better look at yourself. You can't just sit with a dirty old man in a noisy environment. Choose who you flirt with, woman." Malamig niyang sabi at tinalikuran ako.
I was too stunned to speak. I watched him go to his car until he finally left. Kinagat ko ang aking labi at nilingon si Tatay Noli na katatayo lang.
"Ano ang sinabi ng magandang lalaking iyon?" nakangiting tanong ni Tatay.
"Po?"
"Hindi ko kasi naintindihan." Ngiti niya.
Kinagat ko ang aking labi at umiling. "W—Wala po. Tungkol lang po sa school," nanginginig kong sabi.
Tumango si Tatay. My heart feels numb right now. I didn't know that he thought so lowly of me! And how dare he say that to Tatay Noli? Matapobre pala siyang gago siya!
At saan nanggaling ang gagong iyon at bigla na lang sumulpot sa harapan ko para insultuhin ako at mang mata ng tao?
Nagpupuyos ako sa galit nang makarating ako sa school. Hindi ko pinansin ang mga students na ngumiti at bumati sa akin sa sobrang iritasyong nararamdaman ko. I feel bad for myself and especially for Tatay Noli. He does not understand English, and I'm not sure if that's something to be grateful for.
YOU ARE READING
Zephyr Strings
General Fiction(SPHEROID CHAMBERS #3) Ongoing Moving on from a traumatic episode in the past is never a cakewalk. Each of us encountered a lot of crusades in the past and it's up to us how we'll deal with it to outweigh them. He was pressured. He was devastated...
Kabanata 8
Start from the beginning
