"Naku, inumaga ka na."
"Ayos lang po... salamat."
He nodded. "Mag-iingat ka, maganda ka pa namang bata. Maraming tarantado riyan sa tabi." Aniya at nagtungo na sa puwesto niya.
Naupo ito sa karton at binilang ang mga baryang nakalagay sa supot. Sinilip niya pa ang sakong naglalaman ng mga bote. He's old. Bahagya siyang tumayo at sumilip sa loob ng store bago magbaba ng tingin sa mga barya niya.
My heart hurt when he sat again and put the coins back inside the plastic. Mukhang gusto niyang bumili ngunit kulang ang kita niya. I really have a soft spot for old people and animals.
Some people truly have it rough in this world. While some people are fortunate enough to live better lives without having to do anything, others must work for the rest of their lives simply to have access to food.
I bought two cups of coffee and one pack of cheese bread when I got inside. Hilo pa ako nang makalabas. I heaved a sigh when the old man was still in his spot, watching the vehicles on the road.
"Good morning, 'Tay! Kape po." Ngisi ko at inabot sa kaniya ang isang cup.
Namilog ang kaniyang mga mata at maagap iyong tinanggap. "Naku, salamat, hija."
"Ito pa po." Ako na mismo naglapag ng cheese bread sa tabi niya.
"Salamat! Anong pangalan mo, hija?"
"Ludovica po, 'Tay. Vic naman po palayaw ko. Kayo po?" Sa magaang boses at naupo sa tabi niya.
I'm wearing trousers; that's why it was easy for me to sit. Pinanood ko siyang sumimsim sa kaniyang baso. He's dirty and very old. Ngunit mukhang mas tumanda lang siya tingnan dahil sa dumi at ayos niya.
"Noli ang pangalan ko, hija. Salamat sa kape. Kagabi ko pa gustong bumili kaso kulang ang pera ko at mukhang hindi ako papapasukin sa loob." Bahagya pa itong humalakhak.
"Nangangalakal po kayo?" Tanong ko at pinanood na rin ang mga sasakyang dumaraan sa harapan namin.
"Oo... ito ang kabuhayan ko. Wala na kasi akong pamilya, matagal nang patay ang asawa ko. Ang mga anak ko naman ay nasa ibang bansa."
Napaawang ang bibig ko at napabaling sa kaniya. Mapait ang ngiting naka-ukit sa kaniyang mga labi. I felt a slight pinch in my heart.
"Gusto niyo po ba silang mahanap?" tanong ko.
"Naku, hindi na. Ayaw ko nang makagulo pa. Tsaka hindi na ako makikilala ng mga iyon. Wala akong kuwentang magulang sa kanila noong mga bata pa sila."
"Pero magulang ka pa rin po nila. Dapat po tinulungan ka nila kahit papaano..." sambit ko at napaisip.
May mga anak pala talagang kayang tiisin ang mga magulang nila? Mommy did a lot of bad things to me, but I never thought of forgetting her or neglecting her. Maisip ko pa lang iyon ay para nang bumabaliktad ang aking sikmura.
"Marami akong pagkukulang at nagawang masama sa kanila. Kaya hindi ko sila masisisi," ani Tatay Noli.
"Hindi pa rin po iyon sapat para pabayaan ka nila sa kalye," giit ko.
Ngumiti siya at umiiling akong binalingan. Kita ko ang lungkot at sinseridad sa kaniyang mga mata. "Kahit na magulang ako, hindi obligasyon ng mga anak kong bigyan ako ng magandang buhay. Naiintindihan ko sila. Ako ang tinik sa buhay nila noon. Kaya hindi maling iniwan nila ako. Siguro pangit lang pakinggan dahil ama nila ako, pero kung iisipin ang mga kasalanan ko, tama lang ito sa akin."
Hindi ako nakapagsalita.
"Sinilang sila sa mundo nang hindi pa ako handa. Hindi ko sila nabigyan ng magandang buhay at puro pasakit ang natanggap nila sa akin. Kung ibang tao ang gumawa noon sa kanila, masasabi ng lahat na iwan na nila ako. Walang kuwenta. Pero dahil ama nila ako, parang masama, hindi ba?" Ngiti niya.
YOU ARE READING
Zephyr Strings
General Fiction(SPHEROID CHAMBERS #3) Ongoing Moving on from a traumatic episode in the past is never a cakewalk. Each of us encountered a lot of crusades in the past and it's up to us how we'll deal with it to outweigh them. He was pressured. He was devastated...
Kabanata 8
Start from the beginning
