"Thank you!" Ngiti ko kay Casimir nang ihinto niya sa mismong harapan ng bahay namin ang kaniyang sasakyan.
Naabutan ko siyang seryosong sinusuri iyon. He looked at me and didn't say a word. I smiled at him more and got out of his car. Kumaway pa ako sa kaniya bago isara ang pintuan at magtungo sa gate.
He left immediately when the guard opened the gate for me. Kahit na medyo nahimasmasan na ay tinamaan pa rin ako ng hangover kinabukasan.
"Where have you been last night?" Si Daddy na kalmadong hinihiwa ang kaniyang pagkain.
"Party. Nagyaya po ang kaibigan ko," I answered politely.
Tahimik ang dalawa kong kapatid. They have been busy these past few days para sa exam nila. At malapit na rin ang birthday nila. I almost forgot. I need to buy something for them.
"You're always in your condo, Vic. Hindi ko alam kung ano ang mga pinaggagagawa mo. Kapag umuuwi ka naman dito, lasing ka."
Dinapuan ako ng kaba sa seryosong tinig ni Daddy. Napapalunok akong tumingin sa kaniya. Kumalabog ang aking puso nang magtama ang aming mga mata.
"Your mother called me. Hindi ka raw sumasagot sa mga tawag nila, hija. May problema ba?"
My lips parted. Lalo akong kinabahan at mabilis na umiling. "Wala po, Dad. Marami rin po kasi akong gawain sa school. I'll... call her later." I said and looked at my food to avert his gaze.
I gritted my teeth. As much as possible, I want Mommy to be far away from Dad. Kahit ano pa ang puwedeng rason, ayaw kong nagkakausap sila.
Mommy knows that I will be scared to death once she calls Daddy. Kahit na malayo na ako sa kanila pakiramdam ko ay malapit lang sila sa akin, nakokontrol pa rin ako.
"Nabanggit niya sa akin na may newly acquired company sila rito sa Pinas. They are also in the process of closing a deal with their business partner. She mentioned they would stay here for good," ani Dad.
It was such an effort not to glare at my father. I don't like talking about this. And hearing that they'll relocate here for good is bad news to me. I've been in a shitty mood for weeks because of them. At hanggang dito ba naman sila pa rin ang topic?
"That's good to hear, Dad. Anyways... I have to leave, baka ma-late po ako." Sabay punas ko ng bibig at tayo. I smiled at them, not showing any sign of distaste. "I'll sleep here tonight."
"Take care, Vic." Ngiti ni Mommy Liz.
I gave them a smile and left the dining room immediately. Masakit ang aking ulo at hindi man lang ako nakainom ng kape. Gusto ko pa sana dumaan sa convenience store para bumili ngunit talagang ma-l-late na ako kung gagawin ko iyon.
The sun was already up when I arrived at school. Mahilo-hilo pa ako nang magtungo sa building ng course ko. I feel like throwing up!
"Good morning, Vic!"
Pilit kong nginitian ang mga kaklaseng bumati sa akin. I wasn't shocked when I found Casimir sitting in his usual spot. Madilim agad ang titig niya sa akin, halos iritado.
"Good morning! Ang sakit ng ulo ko!" Paunang bungad ko sa kaniya at naupo.
Halos isubsob ko ang aking mukha sa lamesa at mariing pumikit. Gusto ko na lang maiyak nang pumintig ang aking sentido.
"Shit!" Napaahon ako nang dumapo sa aking mukha ang isang malamig na bagay.
I was touching my wet cheek when I turned to Casimir. Nakaangat na ang kaniyang kamay, may hawak na instant coffee.
"Take it." Simangot niya at nilapag iyon sa aking lamesa.
I smirked. "Ang bait mo naman, Escareal. Kagabi pinakain mo ako ng soba noodles, tapos ngayon may pa-kape pa." Tudyo ko at kinuha iyon upang buksan. "Iyong totoo? Nalaman mo bang may taning ka na kaya ang bait mo sa akin?" Ngiti ko pa at ininuman iyon.
YOU ARE READING
Zephyr Strings
General Fiction(SPHEROID CHAMBERS #3) Ongoing Moving on from a traumatic episode in the past is never a cakewalk. Each of us encountered a lot of crusades in the past and it's up to us how we'll deal with it to outweigh them. He was pressured. He was devastated...
Kabanata 8
Start from the beginning
