The most important thing is to reattach those strings. Lulunukin ko ang hiya at takot ko. That guitar and those strings are important to me. I can't just let go of them easily... or this early.

Sinilid ko sa loob ng case ang gitara nang makarating ako sa aking condo. Sinuot ko iyon at nagmamadaling lumabas nang muntik ko nang mabangga si David.

Matalim agad ang kaniyang tingin sa akin. Lalo na nang makita ang gitara sa aking likuran. He clenched his jaw.

"You're still crazy over that bitch?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Matinding pagpipigil ang ginawa ko sa sarili para lang hindi siya masigawan at masuntok.

"Don't disrespect her like that, David. You've done enough damage, 'wag mo nang dagdagan."

He scoffed and shook his head. Ngumisi siya at para pang natatawa nang tingnan ako nang diretso sa mga mata. Hindi ako nagpatinag nang salukin niya ang aking panga gamit kaniyang kamay.

"Since you're obsessing over a dead girl, I'll still give you your freedom. Just make sure it'll stay that way." He smiled dangerously and walked past me after almost throwing me aside.

I shut my eyes, trying so hard to calm myself. Hindi dapat ako magpaapekto. Matagal nang gago si David at lahat nang lumalabas sa bibig niya ay walang kuwenta. I shouldn't lose my cool because of someone like him.

Halos pinanawan ako ng lakas nang makaalis ako sa tower. Wala sa sarili akong tumawid nang mag green light at tulalang tumayo kung saan humihinto ang mga taxi. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng case.

I am still not sure if Casimir will help me or if the strings can still be reattached. But nothing will happen if I don't move. I have been in a shitty mood for days because of the strings.

Dumaan pa ako sa Daily upang bumili ng fast food. Wala pa pala akong kain simula kagabi. Medyo maraming tao sa Mcdo kaya natagalan ako. I ate my late lunch inside the taxi.

Casimir's Mazda was parked properly. Kanina lang ay wala iyon diyan. He probably left earlier. It's almost five p.m. Dalawang oras din akong nawala. But I'm lucky they're still here. Though Casimir's car is the only car here.

Tinahak ko ang makipot na daan patungong studio. Now I understand. They chose this place because no one's around here. Walang mga bahay at puro sasakyan lang ang dumadaan. Kailangan pang maglakad ng ilang metro para makarating sa convenience store.

I tried to eavesdrop. Tahimik ang loob. I was expecting to hear them play. Ngunit mukhang tapos na sila. Pinihit ko ang doorknob at agad iyong bumukas. Tahimik akong pumasok.

Unang apak ko pa lang, agad na nagtama ang mga mata namin ni Casimir. Kita ko ang gulat niya sa presensya ko. He's in the middle of putting his guitar inside the case.

I looked around. There's no one here aside from him. Umuwi na ba sila?

"Why are you here?" he asked seriously.

Tuluyan na akong pumasok at sinara ang pintuan. Dinapuan ako ng kaba. May atraso ako sa kaniya pero ito ako ngayon, manghihingi ng tulong sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo nang ilang sandali ko siyang titigan. Naputol lang iyon nang ibaba ko ang case na suot at binuksan ito. He watched me take the guitar out.

Without further ado, I walked towards the stage, where he was standing. Umayos siya sa pagkakatayo. He's wearing a simple black T-shirt and trousers right now. Sinandal niya ang kaniyang gitara sa high stool chair at tinagilid ang kaniyang ulo.

"Hey... Casimir..." I almost couldn't pronounce his name properly.

His eyes widened. Inangat ko ang gitara, inaabot sa kaniya. Kunot-noo niya iyong binalingan. I swallowed hard.

Zephyr Strings Where stories live. Discover now