I opened my eyes and stared at the broken strings. Hinayaan ko ang mga luha habang pinapasadahan ng tingin ang bawat parte ng gitara. Though Fadia taught me how to play the guitar, I am still an amateur.

Marami pa akong kailangan matutunan dahil marami pa akong hindi nalalaman. Maybe I can still fix this. But it seems impossible.

I don't know what to do. David wasn't around when I went out. Grecia and Cohen sent me messages, but I didn't even dare to open any of them. Kahit nang nasa school na, tulala ako at wala sa sarili.

Pilit akong nag-iisip nang paraan paano iyon maaayos. I'm sure there's a way. Right? Kahit mahirap, ayos lang sa akin. Pero paano?

"Hoy! What's wrong with you? Noong nakaraan ka pa hindi nag-r-reply sa akin!" Si Grecia na hila-hila ako papasok sa studio nina Cohen.

I smiled at her. "I'm just thinking about studies."

Nanliit ang kaniyang mga mata. Maingay si Cohen, kumakanta sa stage. I couldn't even care less. Naupo ako sa sofa, hawak ang tumbler na dala. Wala akong nagawa nang dalhin ako ni Grecia rito.

I feel like losing my sanity inside my condo while thinking about how to fix the strings. Kahit na maingay at nagsasaya ang mga tao sa paligid ko, pakiramdam ko nasa dilim pa rin ako.

It's frustrating. I just want to... fix the strings. Pilit kong pinigilan ang pamumuo ng aking mga luha.

Naagaw lang ang atensyon ko nang dumating si Casimir kasama si Sahri. I watched them. For some reason, those two remind me of myself and Fadia. We also used to go together in the studio.

"Hoy! Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala." Si Cohen nang makalapit.

I smirked to conceal my depressing disposition. "I'm just thinking, alright?"

"Seryoso siguro 'yang iniisip mo." Halakhak niya at nagtungo malapit sa sink.

He opened the fridge and took a mineral bottle. Pinanood ko siyang inuman iyon. Maybe Cohen knows how? He's been in a band for years now.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. He turned to me and raised a brow. Mukhang tama nga na sumama ako kay Grecia.

"Cohen, I have a question."

"Huh? Ano 'yon?" kuryosong tanong niya.

"The strings. 'Yong strings kasi ng gitara ko—"

"Hindi nga ako marunong niyan. Drummer ako. Si Casimir tanungin mo. Tutal siya ang gitarista rito!" aniya.

Natulala ako at parang nagkaroon ng pag-asa. Dumaing si Cohen at doon ko lang natanto na nabitiwan ko pala ang tumbler ko. But I was too engrossed with my thoughts about the guitar.

Tama! Kung may makakatulong man sa akin, si Casimir iyon! Bakit hindi ko naisip ito una pa lang?

"Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo?" si Cohen na halatang nag-aalala.

"What happened?" Casimir's serious tone made me look at him.

He's looking at us grimly. Even Sahri is looking at us. I pursed my lips when I remembered that I had done something wrong to both of them. Masiyado naman atang makapal ang mukha ko?

Pero bahala na. Hinablot ko kay Cohen ang aking tumbler at mabilis na nilisan ang lugar. I need to get my guitar and come back here to ask for help!

"Ludovica!" natatarantang habol sa akin ni Grecia.

I turned to her. "May kailangan lang akong kunin. Please excuse me, Lala." Nagmamadali kong sabi at halos tumakbo bago pa siya makapagsalita.

Wala akong sasakyang dala kaya naman pumara ako ng taxi. Alam kong may atraso ako kay Casimir. Pero ngayon medyo nalinawan na ako, siya lang talaga ang makakatulong sa akin. I can also ask Comet if Casimir isn't willing to help me.

Zephyr Strings Where stories live. Discover now