CHAPTER 2 : Long time no see... my skateboard

0 1 0
                                    

Mataas na ang sikat ng araw at kahit hindi ko man tingnan ang saktong oras sa aking relo'y nakasisiguro akong alas otso na. Kaya naman mabilis ang ginawa kong pagmamaneho kahit lagpas man ito sa speed limit. Ngunit hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin nang lumiko ako sa one-way road. Aishhhh... naman bakit traffic. Nakabusangot kong pinagmasdan ang mga sasakyan sa aking harapan.  This is the worst day of my life. Arghhh... F*ck this life! Nahampas ko ang manibela nang wala sa oras. F*cking cars, bakit ba ako dumaan pa rito!?

Padabog akong lumabas ng kotse at pabagsak ko namang sinara ang pintuan nito. Kita ko ang pagkagulat sa mga taong naririto habang ang ilan nama'y nagtataka.

Ngunit hindi ko na lang sila pinansin, bagkus lumakad na lamang ako patungo sa likuran ng kotse habang nasa inis parin na ekspresyon. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa bawat hakbang na ginagawa ko kaya nilingon ko ito. Natanaw ko mula rito ang mga nagkukumpulang tao habang tinuturo pa ako kaya tumigil ako sa paglalakad at binigyan sila ng matalim na tingin. Napaiwas na lang ang mga ito, ang iba'y bumalik na sa kani-kanilang sasakyan at hindi na ako muling tinapunan ng tingin. Napangisi na lang ako sa nasaksihan, muli ay ipagpatuloy ang paglalakad hanggang sa marating ko ang back compartment ng sasakyan at agad din itong binuksan. Bumungad sa akin ang isang bagay na matagal ko nang hindi nagamit...  –my skateboard

"Hey! my baby, long time no see..." I can't help my self from smirking after I saw my black skateboard.  Wala paring pinagbago, it's still looks new. Actually, bigay ito sa'kin ni Mom on my 10th birthday. That day was so memorable. I can still remember mom's warm smile while handing that skateboard to me that I can't help myself smiling from ear to ear.

Sobrang saya ko nun nang makita ko ito dahil gustong-gusto ko talaga magkaroon nito. Pero ayaw ni Dad na bumili ako ng ganoon dahil hindi pa raw ito para sa akin sapagkat bata pa lang ako. Well, he became furious after he found out mom's birthday gift for me. You wouldn't believe of what he just did back then. Dad almost break it and I cried out loud of what he did . Mabuti na lang hindi talaga nasira iyon ng lubusan. At dahil kakampi ko si mom ay wala ng nagawa pa si dad.

I was very happy on that day to received a gift like this at ang maganda pa roon ay bigay pa ito ni mommy. Kaya hindi ko alam kung makailang 'thank you, mommy' ako n'on kay Mom. Tawang-tawa pa nga siya sakin noon. Nakakatawa raw kasi ang reaksyon ko.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang nakatingin sa skateboard ko ngunit agad din iyong naglaho. Naalala ko na naman...  I heaved out a deep sigh and shakes off that thought out of my mind. Huwag mo nang isipin ang nakaran Aevy , masasaktan ka lang.

Pinunasan ko ang mata ko nang maramdaman ang pagdaloy ng mainit na likido mula rito. Hindi ko man lang namalayang umiiyak na pala ako. Parang ngayon lang ata ako muling umiyak, pero teka, bakit nga ba ako umiiyak, tsk, I really hate it whenever I'm being too emotional.

Kinuha ko na lang ang skateboard ko, pagkatapos ibanaba iyon. Back when mom gave it to me, it was all plain black because mom knows how I deeply love dark colors, specifically black. And now I put a little design on the deck of the board,—it is the part that where skateboarder stand on. It has a moth-design in which its pair of wings has a skull on it. Mayroon din sa gitnang bahagi nito at ang bandang ulo ay mayroong maliit na sungay. Mayroon ding tila hugis na buwan sa unahang parte nito. Well it seems creepy to anyone but for me, it's cool.

Gamit ang kaliwang paa'y sinumulan ko itong paandarin ng paabante at paatras. My saviour... Matagal-tagal na rin nang muli kitang ginamit.  After pushing it forward I kicked the edge of it using my left foot and it flew upwards then I catched it afterwards.

Lumakad ako patungo sa backseat habang dala-dala ang skateboard ko. Binuksan ko ang pinto nito at agad ding kinuha ang bag kong nakabulagta sa upuan. Nakita ko pa ang ilang laman nito na ngayo'y nakakalat na dulot marahil ng pagkahagis ko kanina. Napabuntong hininga na lang ako habang inilagay muli ang mga ito sa bag ko, pagkatapos ay sinuot ito at kaagad ding sinara ang pinto.

My Heartless Princess Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα