My Heartless Princess

0 1 0
                                    

===============

***

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents of this story are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, actual events is purely coincidental.

__________________________________

Please DO NOT plagiarize!

Remember,
        ~PLAGIARISM is a CRIME.

_________________

~ P R O L O U G E ~

***

Ang kaninang mainit na sikat ng araw at kulay asul na langit ay naglaho. Napalitan ito ng maitim na mga ulap, na siya'ng  naging dahilan kung bakit makulimlim ang langit na tila ba ay magbabadya ito'ng umulan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa akin kung kaya't napapikit ako ngunit agad ring napamulat nang maramdam ang presensya sa aking likuran.

"We shouldn't kill him." Aniya sa malumanay na boses, ramdam ang awtoridad sa bawat salitang lumalabas dito.

Napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong baril habang nagtitiim bagang nilingon ito at matalim na tiningnan ngunit hindi manlang na sindak, bagkus nanatili parin ang seryosong mukha nito. F*ck this man, kung 'di ko lang talaga ito kilala ay kanina ko pa 'to binaral nang sa gan'on ay nasa loob na ito ng kabaong, pinaglalamayan. Tsk.

"What's this, sudden change of plan?" I gritted my teeth upon saying that without breaking an eye contact with him. I saw how he hardly gulped but his serious face didn't even change a bit.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya habang mahigpit paring nakahawak sa baril. Nakita ko pa ang pagkataranta ng ibang kasamahan namin nang makita ang galit na rumehistro sa aking mukha, idagdag pa ang matatalim kong tingin na ipinukol ko sa kanila. Malalaking hakbang ang ginawa ko, at nang makalapit ay agad ko siyang kinwelyuhan sabay tutok ng baril sa ulo niya. Bigla siyang napalunok, at kita ko ang namumuong pawis sa kanyang noo. Ramdam ko'ng natigilan ang ilan at napasinghap dahil sa ginawa ko, pero wala na ko'ng pakialam.

"Don't you dare mess with my plan if you want to live and see your precious love ones. Baka pagsisihan mo, alam mong masama akong magalit." Wika ko sa malamig na boses, habang nagtitimping kabitin ang gatilyo nitong baril na hawak ko na nakatutok parin sa ulo niya. Pagkatapos ay pinakawalan ko siya, sinadya ko pang banggain ang balikat niya bago lapitan ang nakagapos na lalake na sa kaniya'ng likuran. Duguan ang mukha dahil sa mga sugat na natamo, kapansin-pansin din ang mga pasa sa kamay at paa nito. Ang kulay puting damit ay nahaluan na rin ng pulang lukido.

"Mga hayop kayo, pakawalan niyo ko!"

Nagpupumiglas pa ito habang masamang tumingin sa gawi ko ngunit tiningnan ko lang ito ng walang emosyon. Itinutok ko sa kaniya ang baril na hawak ko kaya bahagya itong natigalan. He gulped and his eyes widened, before he could utter another word I already pull the trigger and hit his head in a one swift motion. Dahan-dahang bumagsak ang katawan nya sa damuhan habang bahagyang natalsikan pa ako ng dugo sa damit kong kulay itim. Lahat nagulat dahil sa ginawa ko at hindi ko mapigilan ang mapangisi ng marinig ko ang sinasabi nila na tila isang musika sa aking pandinig.

"She really is heartless."

I just smirked and left that place.

___________________________________

waahhhh!!!!! Sorry kung ganyan ang prologue ko. Pero sana magustuhan mo parin. hehehehe... sorry sa wrong grammars and wrong typos...

Paki-vote po if you enjoyed the story, and please feel free to comment.

Thank you and God Bless.😉😉

~ m a l y n x i o u s ~

My Heartless Princess Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum