KABANATA 05

214 2 70
                                    

BLOOD

Eveiandra Estella

Pupungay pungay kong hinanap yung cellphone ko sa patuloy na pagvibrate nito sa foam.Nang mahanap at makuha na ito nakita kong tumatawag si Mama.

"Hello 'Ma?" inaantok na sagot ko sa tawag. Ang aga aga naman kasi tumawag nito.

"Anong oras ka nga ulit namin susunduin bukas?" tanong niya na nakapagpapikit pa lalo sa'kin.

Jusme naman,pwede namang mamaya nalang itawag ito pero bakit ngayon pa siya tumawag! ang aga aga pa ay.

"Ma naman,tumawag lang kayo para diyan?" naiinis na sabi ko at umupo na. Buti nalang talaga ako nalang mag-isa dito sa dorm, pano ba naman iniwan na ako ni Mery at bukas nalang daw balik niya kapag kukuhanin na yung gamit. Tapos si Lou naman umuwi narin at isabay ko nalang daw ang gamit!

Nahirapan tuloy ako makatulog kagabi dahil kakaimagine na may mumu dito sa loob grr, double deck pamo itong higaan namin what if may sumilip sa taas diba?

"Anong lang? hindi ka na namin maiistorbo mamaya kasi alam namin na mag-aayos kana ng mga gamit na iuuwi mo!" sigaw ni Mama sa kabilang linya.

Napapakamot nalang ako sa ulo ko at lalong ginulo yung magulo ko ng buhok dahil naririndi na ako sa hinanakit ng mama ko sa kabilang linya.

"So anong oras ka nga namin susunduin bukas!" sigaw nanaman niya kaya medyo nailayo ko yung cellphone ko sa tenga ko.

"Madaling araw umalis na kayo diyan sa bahay natin Ma para maaga kayo makarating dito".

1 hour din kasi ang byahe mula Dinalupihan hanggang dito sa Balanga, gusto ko rin maaga makauwi sa amin dahil binabalak kong magsimba bukas.

"O sige sige,may kakainin ka paba diyan ngayon?o wala na? magpapadala ako ng pera" nag-aalalang sabi niya.

Ayan din ang isa sa mga rason kung bakit pinauwi na kami sa bahay namin, halos hindi na kasi kami kumain dito sa dorm dahil sa sobrang busy namin sa school works lalo na nung nag midterm exam. At idagdag pa na nagtitipid kami, lalo na ako.

"Huwag na. 'ma mayroon pa naman po kahit na paano." sabi ko kay Mama. Baka mangutang nanaman kasi siya kapag naghingi pa ako ng pera e.Aabot pa naman siguro itong bigas hanggang mamayang gabi.Hindi nalang din siguro ako kakain ngayong umaga,mamaya nalang ako kakain, mga pananghalian.

"O sige sige, kumain ka jan ah! lalo kang namamayat!" bilin niya pa bago pinatay yung tawag.

I sighed at tuluyan ng tumayo. Tinali ko muna yung buhok ko bago naghilamos at nagtoothbrush.

Pagkatapos kong mag-ayos kinuha ko muna cellphone ko para tignan kung may message ba si Kulot sakin. At ganun nalang panlalaking mata ko ng makita ko yung mga message niya at yung iba ay kagabi pa.

"Naka uwi na ako"

"Kumain kana then rest"

"Nagpapahinga na ba?"

"Hey,text back please"

"I guess you're already asleep"

"Good night Baby"

Ayan message niya ng mga around 5:30 at yung sunod na message ay 12:12 na.

"Baby,I can't sleep"

"I already ate eggplant, kasi sabi ni Mama kumain lang daw nito para makatulog but not effective at all."

"I already drink a milk but still not effective"

"I already count a sheep in my head but still nothing happened"

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon