KABANATA 04

294 4 74
                                    

SM Part 2

Racharry Lyle Zacchios

Hindi maalis alis ang ngiti sa aking labi simula ng pumasok kami dito sa loob. Who wouldn't be happy kung ang girlfriend mo ay nagsisimula ng maging comfortable and clingy sayo.

Napangisi ako nang muli kong maalala ang pagtanggal niya ng kamay niya sa pagkakaholding hands namin, I thought she's not comfortable to be seen like that in public but I'm wrong! hell tinanggal niya lang yun kasi pinacheck niya yung sling bag niya and after that ikinapit niya yung dalawang maliliit niyang kamay sa braso ko.

She pressed herself on me to the point na nararamdaman ko na yung boobs niya sa braso ko and I'm telling you guys that I'm not a saint para walang mafeel at walang maisip na kahalayan sa madumi kong utak. Well you can't blame me.

"Nasaan na yung mga kaibigan mo" napahinto ako sa pag-iisip at napatingin sa babaeng pinakamamahal ko na ngayon ay nakatingala na sa akin.

"Nasa food court, kain muna tayo bago tayo magikot ikot" sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nakita ko naman ang pagkalito sa mukha niya kaya huminto kami saglit para harapin siya.

"Bakit?" tanong ko.

Tumingin muna siya sa relo niya bago siya tumingin sakin pabalik.

"9:30 palang Lyle!" sabi niya ng wala sa sarili.

"And? what about that?" nalilito kong tanong.

"I mean, maaga pa kaya bakit kakain na tayo agad? wala pang lunch!" sabi niya na natataranta na.

What's wrong with that? baka akala niya yung kakainin namin doon ay pang lunch na. Hindi ba puwedeng kumain kasi nagutom? and aside from that it's also the time when we eat our snack!

"Snack time baby" nakangisi kong sabi sa kanya.

At napangisi pa ako lalo when I saw the flushed on her face and when she shut her eyes na para bang nahihiya na ewan. Cute.

"Tara na nga, baka nagugutom na mga kaibigan mo" sabi niya pagka mulat nang kanyang mga mata.

Sumakay na kami ng escalator papunta sa second floor. Nang makarating doon ay tahimik lang naming tinahak yung food court, parehas walang gustong magsalita.

Medyo natagalan din kami sa paghahanap sa mga kaibigan ko dahil sa dami ng mga tao na mukhang dayo pa, sabagay opening e.

"Ayun sila Jl oh" mahinang bulong sakin ni Eve.

Bago pumunta kina JL tinanggal ko muna yung pagkakakapit ng kamay niya sa braso ko at hinawakan nalang ang kamay niya para hindi siya mawala. Sobra kasing dami tao dito sa food court, kaya baka biglang mawala si Eve, maliit pamo siya.

"Sorry natagalan" sabi ko ng makarating kami sa lamesa ng mga kaibigan ko.

Humugot naman ako ng isang upuan na  katabi ng upuan ni Becca para doon umupo si Eve, pagkaupo niya ay yung upuan ko naman sa tabi niya ang hinugot ko.

"Malayo ba yung dorm niya?" tanong ni Becca na nakasilip kay Eve.

"Medyo" nahihiyang sagot ng gf ko.

Hmmm, hindi naman talaga malayo e, inabot lang kami ng 30 minutes dahil may halong kuwentuhan at asaran ang ginawa namin sa daan. Napareminisce pa tuloy ako ng wala sa oras.

Napakamot ako sa batok ko ng maalala yung mga pinagkukukwento ko sa kanya kanina. Parang ako tuloy yung nagmumukhang babae sa aming dalawa tsk.

"umorder na kami ng foods, pero hindi pa yata ready,  ang dami din kasing umorder at yung iba take out na dahil puno na yung mga puwesto dito" sabi ni Alex.

Hanggang Sa HuliWhere stories live. Discover now