Nagising na lamang ako na masakit ang ulo. Panay ang daing ko habang gumagapang pababa ng kama. Panay ang tibok ng aking sentido at para akong mabubuwal.
Fuck. What time is it?
Pilit kong minulat ang mga mata at nilingon ang alarm. Ten A.M.! Ilang oras na ang tulog ko and it's Saturday! I'm glad.
Wait... how did I get here?
Kunot-noo akong tumayo at nilinga ang buong kuwarto ko. I'm still wearing my clothes from last night, and I feel dirty. Right! Cohen took me home. Last night was fire! They did so well.
Bawat miyembro ng banda ni Cohen ay may kaniya-kaniyang galing. I knew right from the start that they weren't giving their all when I first watched them. I like their diversity; they blend well.
Comet is a good vocalist. As expected, Cohen didn't disappoint. Even Conrad and Casimir did a great job...
Napatutop ako sa aking mga labi nang sunod-sunod na lumukob sa akin ang nangyari kagabi bago ako tuluyang mawalan ng malay. Everything was hazy, but I can recall some tidbits of it!
"Shit..." Sinapo ko ang aking ulo gamit ang dalawang kamay at namilog ang mga mata nang maalala ang iilan pang pinagsasabi kay Casimir. "I'm screwed!"
Sumigaw ako at pinaggugulo ang buhok sa pinaghalong galit sa sarili at pagsisisi. I feel like I'm going to hell as I recall what happened last night. Hindi ko maalala nang buo ang lahat ngunit sa mga katiting na naaalala ko, alam kong nilagay ko na ang sarili ko sa impyerno.
Fuck! You nosy bitch!
"Cohen!" Sigaw ko sa tapat ng bahay ni Cohen nang matapos maligo. I didn't even eat!
Panay ang doorbell ko, namamawis. Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Cohen na nakangiwi na sa akin. Nakasuot ng puting t-shirt, jogger pants, at tsinelas, nagtungo siya sa akin at pinagbuksan ako ng gate.
"What made you visit—"
"Cohen!" Nag-aalalang sabi ko at halos talunin na siya. "What did I do last night? I barely remember!"
Ginulo niya ang kaniyang buhok at sumulyap sa katabing malaking bahay bago ako hilahin patungo sa loob. Kita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Ramdam ko ang bawat kalabog ng aking puso.
Sinarado niya ang pintuan at matalim akong binalingan. "You fucking idiot, you screwed up!" halos bulyawan niya ako.
Nanginig ang aking mga labi. "A—Ano bang sinabi ko? Please, kaunti lang ang naaalala ko..."
He crossed his arms as he stared sharply at me. His eyes were so intense and almost accusing that I couldn't help but feel even more guilty.
"You have to apologize to Casimir. You told him to keep an eye on Sahri because she's doing something shady behind him."
My eyes widened. "W—What? What? No! She doesn't—"
"Then what made you say that? Do you even know how fucked up you've done? Wala nang oras iyon sa girlfriend niya dahil sa pag-aaral, trabaho, at pang-p-pressure ng tatay niya! Paano kung isipin no'n na totoo nga ang sinabi mo?"
Lalo akong na-guilty. Actually, wala naman talaga akong batayan. Bukod sa madalas na pagsasama nina Sahri at Comet, ang sinabi ni Grecia, at ang kakakaibang titigan nila kagabi, wala na. Kaya bakit ko sinabi iyon?
Hindi sapat iyon para sabihin na may ginagawang masama si Sahri. I am not close to her. Kaya paano ko naisip na may ginagawa nga siyang kababalaghan?
Shit. My shitty mind and nosy mouth.
"Matagal nang magkakilala ang dalawang iyon. Kaya kahit na walang oras si Casimir, imposibleng gawin iyon ni Sahri. They've been friends since they were younger, Vic. Magkaibigan ang pamilya no'n at pinagkasundo na bata pa lang!" dagdag pa ni Cohen.
I bit my nails out of nervousness while looking at him guiltily. "I fucked up, right?"
"Of course! You even said something's going on between Comet and Sahri! Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag may nakarinig sa'yo?" kita ko ang galit sa mga mata ni Cohen habang sinasabi iyon.
Fuck. I really fucked up.
"No... walang namamagitan sa kanila—"
"Of course! Girlfriend ni Casimir si Sahri! Matagal na kaming magkakaibigan kaya talagang wala! Hindi gago si Comet para gawin 'yon!"
Naiirita kong kinamot ang aking ulo nang matantong ang gaga ko. Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Nasobrahan ako sa alak na pati mga hinala ko lumabas na sa mismong bibig ko! At hindi lang iyon, binalaan ko pa talaga si Casimir.
"Kaya manghingi ka ng sorry kay Casimir, Vic. Paano kung nag-away iyong dalawang 'yon dahil sa'yo? Marami nang problema si Casimir dinagdagan mo pa!" Napapailing na sabi ni Cohen.
I swallowed hard and nodded. "O—Oo... mag-s-sorry ako..." halos namamaos kong sabi.
YOU ARE READING
Zephyr Strings
General Fiction(SPHEROID CHAMBERS #3) Ongoing Moving on from a traumatic episode in the past is never a cakewalk. Each of us encountered a lot of crusades in the past and it's up to us how we'll deal with it to outweigh them. He was pressured. He was devastated...
Kabanata 4
Start from the beginning
