"What?!" I turned to him.

Matalim na ang titig niya sa akin, galit. "Ano bang pinagsasabi mo? Tara na sabi!"

"I was talking about Sahri. Hindi mo ba alam? She's doing something shady behind Casimir—"

"Tama na! Hindi na maganda 'yang lumalabas sa bibig mo ah!" Mariin at may pagbabantang saway sa akin ni Cohen.

"But it's true..." nanghihina kong sabi, napapapikit na.

Inayos ako sa pagkakatayo ni Cohen. Binalingan niya si Casimir. I turned to Casimir. He's looking at us with a gloomy expression. Matalim ang tingin niya kay Cohen nang tapikin nito ang kaniyang balikat.

"I'm sorry, dude. Don't mind her. She's usually like this when she's drunk. For sure, it's nothing." Aniya at dinungaw ako. "Tama na, Vic. Makakasira ka sa ginagawa mo, e," halos nagmamakaawang sabi ni Cohen.

I pursed my lips and stared at Casimir. Halos hindi ko na maidilat ang aking mga mata kaya naman hindi ko na makita nang maayos ang kaniyang mukha.

Suminghap si Cohen nang abutin ko si Casimir at hinaplos ang kaniyang buhok.

"Eat something before drinking coffee, okay?" I smiled.

"Tss... see? Don't mind her. She talks nonsense when she's drunk. Mauuna na kami." Ani Cohen at dinarag na ako palayo.

I waved my hand at Casimir. "Bye bye!"

"Ludovica. You got some loose screws, don't you?" Si Cohen habang hila-hila ako.

"Are you saying that I'm crazy?" halos maghalo na ang mga salita ko.

Nawala ang ingay at inakap ako ng lamig. I moaned. Hindi ko na mabuksan ang aking mga mata sa sobrang antok.

"Dati ka nang baliw. Pero ano iyong sinabi mo? Kahit lasing ka, hindi mo dapat sinabi iyon kay Casimir! Paano kung seryosohin niya iyon? Hirap na 'yong tao sa pag-adjust ng oras niya at pang-p-pressure ng tatay niya sa kaniya!" pangaral niya sa akin.

"I don't know what you're talking about..." I murmured, fighting for my consciousness.

Suminghap siya at rinig ko ang mga mura niya. "That would be the last time, Asia Ludovica, alright? Don't say something stupid again! Wala nang oras iyon sa girlfriend niya at baka isipin niyang totoo nga ang sinabi mo! Makakasira ka ng relasyon sa ginagawa mo, e!"

"Ano bang sinasabi mo kasi?!" Naiirita kong tanong at halos maduling na nang dumilat.

"Umayos ka naman!" Aniya at pilit akong tinuwid. "Vic! Mag-sorry ka bukas mismo!"

"Bakit?" nanghihinang tanong ko.

"Tungkol sa mga sinabi mo kay Sahri at kay Casimir! Pinagkasundo lang sila pero matagal nang magkaibigan ang dalawang iyon! Hindi ka puwedeng magsalita ng ganoon. Mahal ni Sahri si Casimir. Makakasira ka ng relasyon!"

"Ano bang sinasabi mo?!" Sigaw ko at pilit na dumilat, hinahanap ang mukha ni Cohen. "I hate them! Sisirain nila pangarap mo, e!"

"Ano bang pinagsasabi—"

"Ugh! Bahala ka nga! Ayaw mo maniwala. That girl, Sahri... isn't it? For sure there's something going on with her and Comet..."

"H—Huh? Hoy! Vic! Baliw ka ba talaga? Huwag kang magsasalita ng ganiyan..."

Unti-unting lumabo ang mga salita ni Cohen hanggang sa tuluyan na akong kinain ng dilim. Hindi ko alam kung ano pa ang mga susunod na sinabi niya at nangyari.

Ramdam ko ang pagsuko ng sarili sa alak. Dati pa man, madalas na akong uminom. Kahit na mababa ang alcohol tolerance ko, hindi ako umaabot sa puntong nag-p-pass out. Ngayon pa lang. Siguro dahil sa mga ilang break ko sa pag-inom o talagang hindi na masiyadong sanay ang katawan ko.

Zephyr Strings Where stories live. Discover now