★STAR-66★

1.2K 35 0
                                    

*******3RD PERSON's POV*******

Hindi makasalita si Shone sa gulat. Ngayon, mas lalo pa syang nagalit. "Jett, lamayo ka sa akin." Sabi nya, sinunod naman sya nito. Pagkatapos ay nilabas na nya ang matindi nyang sandata, ang laser sword.

Naamaze na naman si Jett sa hawak ngayon ni Shone. "Naks! Ang galing!" Mahina nyang pagkasabi.

"Lalaban ka na ngayon? Sige. Kahit mahina ka pa rin, kaya ko pa rin higupin ang kapangyarihan mo. Hahaha!!" Naglabas din ng sandata si Professor G, at parehas sila ni Shone na Laser Sword na sarili din nyang gawa.

"Hinding-hindi mo kukuha ang kapangyarihan ko!"

Sabay silang sumugod sa isa't isa at nagispadahan. Nang mapansin ni Jett na nakalayo na yung kalaban sa Ate Jini nya, ay mabilis agad nyang nilapitan ito. "Ate! Ate! Gumising ka!" Pagpapanic nya habang kinakalas na nya ang mga tali sa mga paa at kamay ng ate nya. "Ate! Please, gumising ka na." Sabi nya habang tinatapik na nya ang mukha ni Jini para magising ito.

Napangiti ng bahagya si Jett nang makita na nyang dumidilat na ang mga mata ng Ate nya. "I-Ian..." Agad niyakap ni Jett ang Ate nya.

"Oo ate, ako na to. Wag kang mag-alala, paghihiganti ka ni Kuya Shone sa pinaggagawa nila sayo."

Muling nabuhayan si Jini nang marinig nya ang pangalan ni Shone. Kaya napahiwalay sya kay Ian at tumingin kung na saan si Shone na ngayon ay nakikipaglaban pa rin kay Professor G.

Susugurin na sana nya ulit si Professor G. nang bigla harangin ni Shone ito gamit din ang espada nya bilang harang at para hindi sya mahiwa nito.

"Hindi mo na kaya. Mahina ka na. Haha! Kaya mas mabuting ibigay mo na ang kapangyarihan mo sa akin kung gusto mo pang maligtas ang Starnet, lalo na ang pinakamamahal mong babae."

Kahit hirap si Shone sa ginagawa nya dahil masyadong malakas ang kalaban nya, ay napalingon sya sa kung na saan si Jini. At nabigla sya ng makita nyang gising nato sa tabi ng kapatid nya. Muli syang nagfocus sa kalaban, pupwersahin na sana nya itong itulak nang may tumira kay Professor G na puro laser bullets. Kaya nasaktan ito saka sya tumilapon kung saan.

Agad lumapit si Lian sa magkapatid. "Halina kayo! Ilalabas ko na kayo dito!"

"M-Miss Lian..." Hinang-hina na sabi ni Jini.

Agad inalalayan ni Jett ang ate nyang makatayo. "Tayo na, Ate. Delikado na dito."

Wala ng nagawa si Jini at mabilis silang lumabas. Pero pagkalabas nila mga tumatakbong Alien Zombies ang papunta na ngayon sa kanila. Kaya mabilis ding hinanda ni Lian ang rope nya at ginawa nyang latigo ulit ito.

Si Ian naman ay hinanda ulit ang kamao nya. "Ate, dito ka lang. Kaming bahala dito."

---

Nakaya pang makatayo ni Professor G. tsaka sya na pangisi. "I didn't expect na mas lalo ka pang lumakas, Simon. Haha! Pero wala ding silbi yan." Sabay tulak nya ng malakas kay Simon gamit lang telekinesis. At malakas na pasandal sa pader si Simon tsaka sya nalaglag.

"HHHAAAAAA!!" Sumunod na ulit si Shone. Tumalon sya ng mataas, at pagbaba nya ay muntikan na nyang nasaksak si Professor G nang bigla din itong gumulong para makailag sa espada ni Shone.

Pagtayo ni Professor G ay mabilis syang sinuntok ni Simon sa mukha na hindi nya namalayan. Napahawak sya sa lower lip nya na may dugo na pala ito. "Ang tindi nun, ah!"

"Nagawa mo pang magyabang. *tingin kay Shone* totoo ang sinabi nya kanina tungkol sa Starnet, pero wag mo itataya ang kapangyarihan mo sa kanya. May tiwala sayo si Officer SIG01." Sabi ni Simon.

Nagtataka ngayon si Shone kung bakit wala syang nalalaman. Kung bakit hindi sinabi sa kanya.

"Tama na. Tapusin na natin to." Seryosong sabi ni Shone. Gumawa sya ng fireball sa isang kamay nya tsaka nya tinira kay Professor G. Nakisabay na rin si Simon sa kanya para mabilis na nilang matalo si Professor G.

Pero ang hindi nila alam na may sikreto pang kapangyarihan na tinatago itong kalaban nila. Nabigla silang dalawa nang mabilis umikot si Professor G. na para bang tornado ito.

Napaartras ang dalawa sa sobrang lakas ng hangin mula sa ginagawa ni Professor G. Sa sobrang bilis nya ay mabilis nyang sinuntok pataas si Simon kaya tumilapon sya ng malakas.

Nakaiwas si Shone ng sya na ang sinunod ni Professor G. Hinanda nya Ang laser sword nya sa muling pag-atake sa kanya nito. At habang umiikot ito, agad na nyang sinugod ito at deretsyo nyang sinaksak si Professor G. sabay sa paghinto nya sa pag-ikot.

Binawi ni Shone ang laser sword nya mula sa pagkasaksak nya kay Professor G sa tiyan nito na tagos hanggang sa likod nya. Nagawa pang matawa ni Professor G sa ginawa sa kanya ni Shone habang unti-unti na syang bumagsak.

"Let's leave here now, Gray!"

Para kay Professor G, hindi to patas para sa kanya. May dinukot syang isang matulis na kryptonite crystal mula sa kanyang bulsa tsaka nya ito mabilis na binato kay Shone na derektang....

...tumusok sa likod nito na hindi man lang nila namalayan.

--A/N: Phew~ *punas pawis sa noo*. Juice colored natapos na rin ang Last Action Scene nato! Haha!

- - - -

Dedicated to: littleDANGER_18

My BOSS from the STAR (Season1)Where stories live. Discover now