GA 23 THE SECRET

7 0 0
                                    

ENNEY
╰(◣﹏◢)╯


"SAAN ka galing?" Bungad na tanong ko kay Rina. "Magdadalawang linggo kang nawala after ng isang linggo na hawak natin ang larawan, akala ko pinatay ka na."



"Pinatay?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Sa pagkakaalam ko ikaw lang may kakayahan no'n."



Napakamot pa ako sa ulo dahil hindi ko rin sure. "Eh 'yong karma ba may kakayahan din?"



Tumabi siya sa akin dito sa sofa at sobrang lalim nag pagbuntong hininga niya. "Speaking of karma. Na-confirm ko na salon nga iyong nasa picture pero hindi ako makalapit o pasok dahil ang daming black karma na nagkakalat."



"So, 'yon ang kinabisihan mo?"



"Kaysa naman marinig ang bulyawan niyo ng Iajay na 'yon, mas maganda na kumilos na ako." Ipinatong naman nito ngayon ang paa sa kaharap na lamesa. "Curious ako sa building na 'yon."



"Curious din ako."



"Huh?" Lalong lumapit sa akin si Rina. "Bakit parang labas sa ilong iyon?"



Tinulak ko muna siya palayo sa akin. "Naisip ko lang kasi si Iajay, dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita. Huling araw na nakita ko siya, malakas ang pakiramdam ko na aamin ulit siya pero nakapagtataka na hindi niya tinuloy."



"Bakit ba naman kasi pinagtutulakan mo ang tao, magsisisi ka niyan sa huli. Paano kung maunahan ka ng iba?"



Nilingon ko siya saka napaatras ng ulo. "Wow, kailan ka pa naging interesado sa akin?"



"Mula no'ng maging magkaibigan tayo?" Umiwas agad siya ng tingin na para bang nagsisinungaling siya na ewan. "Oh eh, nasaan na kaya siya ngayon?"



"Dalawang lugar lang naman pinupuntahan no'n, dito at sa office niya." Tumayo ako at nagtungo sa cabinet. "May pupuntahan lang ako ha, hindi kasi matahimik utak ko."



"Sino pupuntahan mo?"



Natigilan ako sa ginagawa at pumamewang na humarap sa ghost na 'yon. "Sino agad? Hindi ba puwedeng 'saan?' ito talaga."



"Bakit parang defensive ka, nagtatanong lang eh." Inirapan niya ako at sabay kaming napatingin kay Su na lumabas ng kwarto na dumiretso sa banyo para maghilamos.



"Enney, aalis ako. Hindi ka ba lalabas?" pasigaw na tanong ni Su.



Bumalik ako sa paghahalungkat sa gamit ko. "Saan ka na naman pupunta babae?"



Lumipas na ang ilang minuto na hindi siya sumasagot kaya naman naisipan kong humarap at ikinagulat nang makita siyang nakatayo pala sa likuran ko na hawak ang notebook.



"N-nahulog ko pala, akin— Su?" Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang paglayo ng notebook ko sa kamay ko. "Diary ko 'yan, hindi mo puwedeng basahin 'yan."



No'ng una namamasa lang ang mga mata niya pero kalaunan ay may luha na ang kumawala. "Hindi si Earl ang first love mo? Kung 'di si Iajay."



Malakas kong hinablot sa kamay niya ang diary ko. "Anong pinagsasabi mo riyan, sabi kasing ibigay mo na sa akin."



"Umamin ka na, Enney! Ilang taon na tayong magkaibigan, akala ko ba walang secrets? Pero ano ito?" Nanginginig sa inis at sakit ang boses niya.



"Sorry..." panimula ko, hindi ko alam kung saan titingin hanggang sa sahig napako ang mga mata ko. "Hindi man ito ang tamang oras pero Su... May aaminin ako... Sinubukan ko namang pigilan pero hindi ko kaya–hindi ko pala kaya, sa tuwing nakikita ko kayong magkasama nagseselos ako. Lalo akong nagkakaroon ng lakas ng loob na umamin sa kaniya dahil na-realize ko hindi ko yata kaya kakayanin 'pag nawala siya sa akin."



"What?! Hindi... I mean, bakit ngayon pa?" Hindi mapakaling aniya.



"Ha?" Naguguluhan ako sa tono ng pananalita niya. "No'ng una pinagpipilitan mo siya sa akin, hindi ko maintindihan."



Kinuha niya ang mga kamay ko at nagsusumamong mukha itong humarap sa akin. "Enney, lalabas kami mamaya at itatanong ko na sana sa kaniya kung puwede naming subukan."



Kumaripas ng takbo rito si Rina at nakahalukipkip na nakaharap kay Su. "Subukan? You mean mag-boyfriend at girlfriend."



"As if naririnig ka niya but to answer your question, yes." Malamig na boses na wika ko.



Nagulat ako sa pagbitaw ni Su sa kamay ko at bumagsak ang mga balikat niya. "Ni-reject mo na siya for me, hindi mo ba kayang panindigan 'yon?"



"Su..."



Nagtangkang batukan ni Rina si Su pero tumagos lang siya. "The heck? True friend ba talaga 'to?" Napahilot na sa sentido si Rina. "Ito na nga ba ang sinasabi ko, unahin mo kasi ang sarili mo, Enney. Hindi lahat ng kaya mong ibigay o ipakita sa isang tao ay kaya rin nilang gawin sa 'yo kahit pa kaibigan."



Sinubukan kong maging makasarili pero doble kasi ang sakit na nararamdaman ko lalo pa kung mahalaga sa akin ang nasasaktan ko. Ganito ba talaga ang mundo?



Matapos ang isang minutong binalot kami ng katahimikan ay sinira iyon ng doorbell, kami lang ni Rina ang napalingon sa direksyon ng pintuan. Ako na ang nagbukas nito at nang makita kung sino ito ay sandaling kumirot ang dibdib ko at  sinuot ang pekeng ngiti.



"Oh! Sakto nandito ka."



"Enney," pagbanggit nito sa pangalan ko.



Napayuko ako dahil pinipigilan kong ilabas ang emosyong kahit kay Su ay hindi ko pa pinapakita. "Pumasok ka Iajay, may sasabihin daw sa 'yo si Su."



Narinig ko ang ingay na nagawa ni Su sa pagtakbo palapit sa akin pero sa likod ko siya tumigil. "Enney, sino kamo siya?"



Inangat ko ang ulo at nagpanggap na parang walang nangyari sa amin kanina. Lalo kong binuksan nang malaki ang pinto at humarap sa kaniya. "Si Iajay, ang laki-laking tao hindi mo nakita?" Natatawang biro ko pa.



Para bang nagsisinungaling ako kung makatingin siya sa akin. "P-ero... Enney, Wala akong makita."



"A-ano?"

Ghost AttendantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon