GA 13 THE CHILD GHOST

12 1 0
                                    

ENNEY
╰(◣﹏◢)╯



KASALUKUYAN akong tumatakbo, sumisiksik sa mga butas kung saan ay kasiya ako para lang maabutan ang lalaking nakasumbrero, malapit ko na siya mahawakan nang sumabit lang ang braso ko sa alambre.





Parang lumabas sandali ang kaluluwa ko sa katawan nang makaramdam ng kirot.





Ni hindi ko alam kung bakit ko siya hinahabol, is it because pumatay siya ng tao na nasaksihan ko mismo or because of his black aura? Itim na awra means hawak sila sa leeg ng karma.





Bago pa makaliko ang hinahabol ko at tuluyang mawala sa paningin ko ay hindi ko sinasadyang maibato ang nadampot kong mahabang bakal sa ulo niya, malayo na ang distansya niya sa akin kaya mismong ako ay nagulat sa sarili. Wala akong sinayang na oras lapitan ang lalaki nang bumagsak s'ya. Sumbrero ang una kong tinanggal at agad na sinilip ang pagmumukha nito, bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat nang makilala siya.





"So tinotoo mo nga? You fvck*ng st*pid killer. Talagang nag-upgrade ka pa ha? From animals killer to human killer?" Natatawang sinampal ko siya sa mukha. Sinabunutan ko siya at hindi mapigilang pagsasampal-sampalin ng free hand ko ang pagmumukha niya. "The nerve, huh?"





"Hindi ko alam kung anong meron sa 'yo pero... Nanginginig ang mga kamay ko sa kagustuhang patayin ka."  Nahawakan niya ang kamay ko it itinulak sa pader.





"Naaawa ako sa 'yo..." Inuntog ko ang noo sa ilong niya at agad akong nakakalas, pagkatayong-pagkatayo ko hinila ko ang nakitang tali sa tabi at sinakal siya gamit ito. Nasa likod niya ako habang nakaluhod na ginagawa ito at inilapit ang bibig sa tainga niya. "Dahil huli na ang lahat para iligtas ka. Sooner or later, 'yang kaluluwa mo? Nasa collection na ng kalaban."





Bago ko pa siya tuluyang mapatay ay tinali ko na ang buong katawan niya para siguradong wala na siyang kawala pa. Pagkatapos siyang iupo ay ipinagpag ko ang kamay sa ere bago tumayo at pagmasdan maigi ito, nasira pa ang mukha ko nang makitang nakangiti siya.





"Kilala ko siya," sambit niya out of the blue.





Hindi ko na siya pinansin at tinalikuran na iyon, hindi ako interesado sa kung ano man ang ilalabas ng bibig niya. Ang importante sa akin ngayon ay ang humagilap ng iba pang impormasyon tungkol sa abilidad ko.





"Ang taong 8 years mo nang hinahabol? Kilala ko siya!" Buong lakas niyang isinigaw iyon. "Ang serial killer, masayang pinanonood ka sa mga oras na 'to."





Dahil hindi pa man ako nakalalayo sa kaniya ay paikot kong sinipa ang mukha niya at tuluyang bumagsak ang katawan nito sa sementadong lupa. "Alam ko 'yang tactics mo, tigilan mo ako sa walang kabuluhang sinasabi mo kung ayaw mong itabi kita sa asong nasa cage."





Napalunok siya ng sariling laway na may halong dugo mula sa kaniyang labi nang lingunin ang tinutukoy ko, wala ng salita ang narinig ko pa sa kaniya na kahit ang pag-ubo ay walang tunog. Deserve niya 'yan, kung puwede ko lang siyang patayin, ginawa ko na.





Nilisan ko na ang lugar, kaunti na lamang ang lalakarin nang matanaw ko na ang establishimentong sadya ko pero hindi ko maintindihang napahawak ako sa dibdib at napakapit sa posteng malapit sa akin para kumuha ng suporta, maya't-maya pa'y nagsimula na ring mag-ring ang tainga ko at dahan-dahang inalog ang ulo para walain iyon.





"O-okay ka lang, hija?" boses ng matandang babae sumulpot sa gilid ko.





Kalaunan ay dumudoble na ang paningin ko pero saglit lamang nangyari iyon dahil nawala ang lahat ng nararamdaman ko sa ginawa niyang paghilot lamang sa kamay ko. "It's either tatanggapin mo nang buo o mamamatay ka."





Ghost AttendantWhere stories live. Discover now