50: Eavesdrop

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagtaka ako kung tungkol saan ang pinag uusapan nila. Ano namang ginawa nila kay Mommy dati?

Mas lalo akong binalot ng curiosity kaya naman nagpatuloy ako sa pakikinig.

"Come on guys. Like what I have said, matagal nang nangyari yon. May mga anak na tayo. We should act professional now lalo pa at may connection na ulit tayo kay Elice," sagot naman nung babaeng kausap nila.

"Kung naroon ka lang nung nagkita ulit kami, sigurado akong magiguilty ka ulit. Galit pa rin siya Bea. Hindi na siya si Elice na dati nating kaibigan. Tayo ang dahilan kung bakit siya nagbago. Kasalanan natin," si tita Cecil.

Kasalanan? Anong nagawa nilang kasalanan kay Mommy?

"Cecil, nagsisisi rin naman ako okay? Kaya lang, matagal na kasi nangyari yon. Nagkapamilya na ako kaya binaon ko na sa limot ang mga nangyari. It was a long time ago, mag move forward na kayo okay? Pare-pareho naman tayong nakinabang doon and past is past," buntong hininga ng tinawag nilang Bea.

"Are you with us Railey? Kanina ka pang tahimik diyan. Para tuloy jinajudge mo kami," biro ni tita Cecil.

"What can you say about the comeback of Elice, Railey?" tanong ni tita Jeyanna.

"Sana makabonding ko siya soon. We used to be friends. I kinda miss her honestly," balewalang sagot ng Railey.

"See? Pati si Railey naka move on na sa nangyari," yung Bea.

"Dahil labas naman ako sa naging gulo niyo dati Bea. It has nothing to deal with me. Maayos ako sa kaniya at maayos din siya sa akin kaya wala akong dapat ikailang sa kaniya," natahimik ang lahat. Pati ako kahit kanina pa naman talaga ako tahimik dito sa loob ng cr at nakikinig sa usapan nila.

"In fact, I'm proud of her dahil nakaya niyang harapin lahat. Kahit pa tinalikuran niyo siya ng panahong iyon. Sabihin mo mang mura pa ang pagiisip niyo noong nagawa niyo iyon, hindi niyo pa rin dapat ginawa nang dahil lang sa isang mababaw na dahilan," hindi pa rin makasagot ang mga babae. Mukhang nakuha naman ang punto ng Railey.

"Happy birthday ulit Cecil, mauna na ako. Salamat sa pag imbita,"

Narinig ko ang pagbukas sarado ng pinto. Umalis na ata yung Railey.

"She has a point," si tita Jeyanna.

"Woman of Rights," tita Cecil and Bea said in unison.

Hindi rin naman nagtagal at sumunod na rin silang umalis kaya nakalabas na ako ng cr. Hindi ko naman sinasadyang marinig ang pag uusap nila. Nagkataon lang.

Pagkabalik ko sa lamesa ay kumakain na sila. Naupo ako sa gitna nina Rayven at Niks. May pagkain na rin na para sa akin. Nginitian ko silang lahat para pambati.

I'm wondering about kung sinong kumuha.

Gayunpaman ay sinimulan ko na rin namang kainin.

Napalingon kaming lahat sa lumapit na babae.

"Anak Rayven," nabosesan ko siya. Siya yung babae kanina na tinawag nilang Railey.

"Ma," tumayo si Rayven at hinarap ang ina. So she's Rayven's mom.

"Good afternoon po," bati naming lahat. Ngumiti naman sa amin ang babae at saglit na napatitig sa akin. Seryoso siya kung tumingin pero hindi naman masungit. Ngingitian ka pa rin naman kahit papaano. Alam ko na kung saan nagmana si Rayven.

"So you are with your friends. Kaya pala sabi mo hindi ka sakin sasabay," isang tango ang sagot ni Rayven sa ina.

"Railey, sabay na tayo. Aalis na rin ako," isang babae ulit ang lumapit sa amin.

"Sure Bea," hindi ako nagkamali. Siya naman yung Bea kanina.

Binati din namin si tita Bea na napagalaman naming mommy pala ni Warren.

Nakakamangha na magkakaibigan din ang mga magulang nila.

"Ma, si Angel. My classmate," pakilala ni Rayven.

Tumayo ako at nakipagkamay kay tita Railey.

"And a friend din po," dagdag ko at nginitian naman ako ng babae. "Nice to meet you po,"

"Railey. I'm glad to meet you,"

Saglit silang nagpaalam bago umalis.

****
Umuwi rin kami pagkatapos naming manatili doon.

"Mom," katok ko sa pinto ng kwarto nila ni Daddy.

Bumukas ang pinto at sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Mommy.

"Yes anak? Kanina ka pa ba nakauwi?" tumango ako at pumasok sa kwarto.

Humiga ako sa kama at sandaling napatitig sa kisame. Tatanungin ko ba siya ulit? Subukan ko kaya ulit?

Tumabi siya sa akin at itinuloy ang ginagawa sa laptop niya.

Napagdesisyunan kong huwag muna siyang tanungin. Nakakunot kasi ang noo niya habang nakatingin sa laptop. She seems busy with something.

"Sweetie, you wanna go out tomorrow?" tumingin siya sa akin at ngumiti.

Napabangon naman ako sa tuwa.

"For real mom?"

"Yup. I'm meeting someone. An old friend,"

_________________________________________________
Itutuloy........


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon