50: Eavesdrop

39 1 0
                                    

Angel's POV

Back to normal days as a high school student.

It's been a week noong huling kasiyahan namin ng mga kaibigan ko sa restobar.

Hindi pa rin sinasabi sa akin ni Mommy ang tungkol sa past nila nina tita Jeyanna kahit na ilang beses kong tinangkang magtanong. Para kasing ayaw niyang pag usapan kaya naman talagang naging palaisipan sakin yon. Hindi nga sumagi sa isipan ko na magkakakilala ang mga parents namin ng G-boys. Kaya naman talagang nakakagulat. May connection na pala sila dati pa.

Matapos ang klase namin ay naginvite samin si Mark na dumalo sa birthday ng mama niya. Si tita Cecil.

Sabi ni Mark ay hindi naman kalayuan ang bahay nila sa Academy kaya madali lang din kami makakarating.

Pagdating namin sa bahay nila ay doon kami dumeretso sa frontyard nila kung nasaan ang cater.

Nakangiti kaming nilapitan ng ginang nang makita kami.

"Happy birthday po tita," bati ko sa kaniya.

"Oh darling, I'm glad you came!" sabi niya at nakipag beso sa akin. "Halikayo, kumain na agad kayo at magpakabusog ha? Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita," paalam niya sa amin at hinarap ang iba pang bisita.

Natanaw ko sa loob ng bahay nila sina tita Jeyanna at tito Neon. May iba pang naroon na hindi ko na mga kilala. Mga kaibigan siguro ni tita Cecil.

Kami lang nina Rayven, Niks, Warren, Sissy at Jes ang dumalo sa paanyaya ni Mark. May mga gagawin pa raw kasi ang iba kaya hindi na sila nakasama.

Nanguna si Mark sa amin.
"Here's the buffet, kuha lang kayo ng gusto niyong kainin,"

"Mark saan cr niyo? Makikigamit," nakangiti kong sabi.

"Sure. Sa loob ng bahay, samahan na kita,"

"Ah hindi na, naroon naman si tita Cecil. Sa kaniya na lang ako magtatanong," pagtanggi ko. "Diyan mun kayo, cr lang ako," paalam ko at umalis.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay may iba pang bisita doon pero hindi ko makita si tita Cecil kaya sa kasambahay na lamang nila ako nagtanong. Itinuro naman niya ang direksyon at nagpasalamat naman ako.

Itinuro niya ako sa isang kwarto kaya naman agad akong pumasok doon at ginamit ang cr sa loob. Guest room yata ito, wala kasing masyadong gamit. Maging ang cr ay mga bago pa ang essentials kaya malamang sa malamang ay guest room nga.

Lalabas na sana ako ng cr nang may marinig akong pumasok sa kwarto. May kung ano sa aking pumigil at piniling huwag munang lumabas at magpakita.

"Nandito ulit sa Pilipinas si Elice kasama ang pamilya niya. Sa tingin niyo, is it a good thing?" tinig ni tita Jeyanna.

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto sa narinig.

Elice? Si mommy ba ang tinutukoy niya?

"Her daughter is our son's friend. What a small world. Pagkakataon nga naman, parang nananadya," boses naman ni tita Cecil.

Oh. Kami nga.

"What's with the tone Anna? Bakit parang nababahala ka? Matagal nang nangyari yon okay? Halos makalimutan ko na nga eh. We were just teens back then, puno pa tayo ng kapusukan at kalokohan," boses ng isang babae.

So they really have a past? Mukhang masama pa.

"But we can't still deny the fact na sinadya nating gawin yon just to get rid of her. Sobra akong nagsisisi kahit hanggang ngayon. Kaya naintindihan ko kung bakit galit pa rin siya sa atin. Masyadong mabigat ang nagawa natin," si tita Jeyanna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Seven Boys And IWhere stories live. Discover now