PROLOGUE

1.5K 25 0
                                    

Nagising ako sa ingay ni mama at sa ingay na rin ng alarm clock ko. Damn Monday na naman at wala akong choice than tumayo at mag ready na para pumasok. I get up and go to my cabinet and get my uniform. Wala akong ganang mag agahan kaya mag aayos na lang ako para rin hindi malate.

"Thaia, anak mauna na ko" sigaw ni mama sakin na halatang nag mamadali.

"Okay ma! Ingat! Inumin mo ung gamot mo on time ha!" Sabi ko habang pinapatuyo na ang aking buhok.

"Oho ma'am! Inumin na ho!" Pabiro niyang sagot sabay agad na ring umalis.

Nag ring ang aking cellphone at agad ko naman iyong tinignan.

THUNDERBOLT is calling.....

Agad ko itong sinagot.

"Hello?" sambit ko habang sinusuklay ang aking buhok.

"Matagal ka pa ba? Nasa labas na ko ng bahay niyo. Nag bibihis na ba? Pwede bang pumasok?" Sunod sunod na tanong niya na kala mo ay nag mamadali.

"Nope tapos na kong mag bihis and yes you can come in mag aayos na lang ako ng bag ang kalat ng gamit ko eh hahahaha" sagot ko habang isinasampay naman ang nga ginamit ko kanina.

"Alright" sabi niya sabay baba sa linya.

"Thaia?" Tawag sakin ni Thunder at agad ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Miss mo ko no" biro ko sa kanya at seryoso itong naka tingin sakin.

"Yeah I do..." sagot nya pero agad din niyang nilihis ang tingin at umupo sa kama ko. "Kaya bilisan mo na mag ayos at baka pareho pa tayong mapagalitan ni Ms. Vergara" dagdag nya pa.

Mukha siyang irritable at ayon naman ang ikinatawa ko pa lalo.

"Anong meron mukhang wala ka naman ata sa mood" sabi ko habang nag papatuyo ng buhok.

"Nag away kami ni kuya" maikli nyang sagot niya. Hindi ko na rin kinulit at Iba talaga ang aura niya ngayong araw.

"Tara na tapos na ko" pag basag ko sa katahimikan at agad na ring tumayo.

"Tara na thunder yari nanaman tayo mamaya niyan" pag pilit ko sakanya sabay hatak sa braso niya upang tumayo na sa pag kakahiga sa kama ko.

Agad rin siyang tumayo at ginulo ang buhok ko. "Tara na nga mapilit ka e" sambit niya sabay tawa at kuha sa bag ko. "Ako na mag bibitbit neto magugusot pa uniform mo".

Ngumiti ako sakanya sabay labas na rin ng kwarto, Nilock ko ang bahay at siniguradong hindi ito mabubuksan dahil mukhang gagabihin rin si mama.

"It's been 2nd week since nag start ang class natin, may plan ka na ba for next sem?" Tanong niya sakin habang nag lalakad kami.

"Wala pa, hindi ko pa alam anong strand ang kukunin ko" sagot ko habang nakatingin sakanya. Nagulat ako ng hawakan niya ang bewang ko at maingat na iginilid sa pwesto niya kanina.

"Dito ka nga, marami talagang tarantadong driver tuwing umaga, madaling madali kala mo mauubusan ng pasahero" sabi niya ng may inis sa boses.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginawa niya. siniside walk rule ko ni thunderbolt??!?!?!.

"Nginingiti ngiti mo nanaman" tanong niya habang pilit na binabasa ang expression ko.

"H-huh? Wala ah hahahah, corny mo kase aga aga parang badtrip ka sa lahat" sambit ko sabay tawa ng nakakaloko sakanya.

"Well hindi lang talaga maganda ang gising ko sinabayan pang badtrip ako kay kuya kanina don't mind it I'm okay now, nandito ka na" sambit niya ng may seryoso paring expression at patuloy sa pag lalakad.

Chasing The SunsetWhere stories live. Discover now