🍎 CHAPTER 115🍎

318 18 0
                                    

Treat!

"CHESTER POV'S"

"Ayybusit!!"

Hindi makapaniwalang sigaw ko Ng may sumampal sa kaliwang kamay ko kaya natapon Ang sigarilyo sa labas Ng pinto.

"Tigilan mo na Ang paninigarilyo mo! Nakakasama Yan sa atay! Gusto mo bang mamatay Ng maaga? Jusko Kang Bata ka! Binibigyan mo Ako Ng sakit sa ulo!"

Napakamot Ako Ng ulo habang nakikinig sa sermon ni Lola Bunny na nakapamewang sa tabi ko, hinablot Niya sakin Ang Isang kaha Ng sigarilyo na hawak ko lang.

"Lola naman ehh, Akin na ho Yan! Iyan nalang Ang nagpapasaya sakin ehhh!"

Nakangusong sambit ko sa kaniya ngunit Sinamaan Niya lang Ako Ng tingin.

"Kailan ka ba titigil Apo? Kung kailan Patay ka na? At Ano kamo? Sigarilyo Ang nagpapasaya sayo? Ako ba'y pinagloloko mo COASTER?"

Napapikit Ako Ng marinig na naman Ang tawag Niya sakin.

Coaster? The Fuck!

"Hindi itong sigarilyo Ang magpapasaya sayo kundi ikamamatay mo lang ito! Kaya habang maaga pa itigil mo na!"

Akmang tatalikuran Niya ako Ng iharang ko Ang palad sa harap niya at nagpapahiwatig na kukunin ko yong sigarilyo.

"LA!! Aishhhhh!"

Sigaw ko Ng sadyain Niya itong bitawan at tapakan Ng madiin, nanghihinang napaupo Ako at kinuha yong nadurog na sigarilyo.

"Wag mo akong ginagalit coaster! Itigil mo na Ang paninigarilyo! Nakakasama sa kalusugan mo Ang bagay na Yan!"

"Anong nangyayari riyan? Bunny! Ano na naman Ang ginawa mo sa apo natin?"

Nagtatakbong lumapit Ako Kay Lolo na lumapit sa Amin.

"Lo! Si Lola dinurog yong nagpapasaya sakin!"

Pagsumbong ko sa kaniya habang pinapakita yong durog na sigarilyo.

"Bunny, Ano ka ba naman, Kailangan iyan Ng apo natin para mawala Ang kaniyang bigat Ng dibdib, pa minsan minsan lang naman niya iyang ginagamit, Hindi ba Apo?"

Napayuko ako at Nahihiyang napapatingin Kay Lolo Ng marinig Ang sinabi niya.

Araw araw Kasi akong naninigarilyo tuwing Umaga at hapon lang kapag may pasok, kapag Wala naman buong araw.

Bawal akong manigarilyo sa loob Ng Campus dahil bawal iyon lalo na sa classroom baka mabugbog Ako ni Boss Ng Wala sa oras, Hospital Ang bagsak ko, ayaw Niya Kasi Ng amoy Ng sigarilyo kaya iniiwasan ko talaga yon.

"Hayaan mo na Ang apo natin tutal alam naman Niya Ang ginagawa, Wag ka Ng magalit mahal ko at baka tumanda ka bukas"

Napangiti nalang ako Ng makitang nilalambing Niya si Lola na nakasimangot sa kaniya.

"Tigilan mo Ako Nardo! Inaamin ko namang matanda na Ako kaya wag mo akong pinagloloko riyan at baka Ikaw ay sa sahig ko pa patulugin mamayang Gabi! Tigilan niyo akong mag-lolo!"

"Umagang-umaga nakasimangot na naman Ang labi mong kasing bango Ng Rosas, Pahalik nga!"

"Pffftt...Hahahahahaha"

Apple's in Boys Section-Part IWhere stories live. Discover now