"Mukhang sa simbahan sila kakasalin 'ltol ahh" rinig kong sabi ni Colt pero hindi ako umimik.

"Aayusan pa lang yata si Brielle" sabi naman ni Azeri. "Ang sexy pala ni Brielle kapag naka dress-"

"Yah!" Sigaw ko ng marinig 'yon kaya agad na sumama ang mukha ko.

"Hahahahaha biro lang" sabi ni Azeri

"Enough talking" seryosong sabi ni Richard at sunod kong narinig ay ang pagtunog ng fire alarm kaya nagulat ako.

"Ayy pucha! Ano 'yon!?" Gulat na sabi ni Colt.

"Sunog! Sunog! Sunog!" Natatarantang sabi naman ni Azeri kaya napalabas ako bigla sa kotse.

"Anong nangyare? Anong meron? May sunog ba? May sunog?" Natataranta kong tanong sakanila.

"Putek! Manahimik nga kayo! Pinindot ko 'yong fire alarm kalmahan niyo" naiinis na sabi ni Richard kaya napatingi naman ako sa labad ko ng sunod-sunod na magsilabasan ang mga tao mula doon sa loob. "Ayan na si Brielle, dalian niyo. Miguel, sa likod kami dadaan, dalhin mo doon ang sasakyan" sabi pa ni Richard na agad ko namang sinunod.

Pero habang nagmamaneho ako papunta doon sa isang daanan papunta sa likod naririnig ko ang sunod-sunod na mura nina Colt ng bigla kong marinig ang pagsigaw ni Brielle.

"Aray! Pucha! Nanlalaban tol!" Padaing na sabi ni Colt.

"Hayop! Aray ko! Ano ba, 'wag ka ngang magalaw! Chard, ano ba! Tumulong ka sa pagbitbit dito!" Sigaw naman ni Azeri.

"Who are you!? Ugh! The heck! Leave me alone!" Rinig ko na sigaw ni Brielle.

"Dahan-dahanin niyo naman" nakunot ang noo kong sabi sakanila dahil mukhang nasasaktan si Brielle.

"Pa'nong dahan-dahan ehh naninipa!" Reklamo ni Azeri.

"Ouch! What the- hey! Bitawan niyo ako! Sino ba kayo!?" Rinig kong sabi ni Brielle pero ang mga sumunod na narinig ko ay impit na sigaw na lang.

Huminto naman ako sa mismong harapan ng pintuan sa likod at agad ko na binuksan ang pintuan sa katabing upuan ko, sakto namang lumabas na sina Colt kaya agad nilang isinakay si Brielle sa katabing upuan ko.

"Nandito na siya, tapos na ang trabaho namin" hinihingal na sabi ni Colt pero nakapapakurap akong nakatingin sa nakaupong si Brielle na nagpupumiglas.

"Yah! I swear! Ipapakulong ko kayo!" Sigaw niya kaya agad kong tinignan sina Colt at tinanguan saka sumenyas na salamat dahil hindi ako p'wedeng magsalita at baka makilala bigla ni Brielle ang boses ko.

"Sibat na kami, dalhin mo na siya kung saan mo 'yan dadalhin. Ang sakit nung sinipa niya saakin" sabi ni Azeri kaya tumango naman ulit ako bago nila sinaraduhan ang pintuan sa tabi ni Brielle bago sila tumakbo papunta sa kotse nila.

"Hey" nagulat naman ako bigla ng marinig ko ang boses ni Gabriel mula sa earpiece habang mabilis ko ng pinapatakbo ang sasakyan ko. "Nadispatya na yung mga cctv sa paligid, wala ng makakahanap kay Brielle, sa ngayon. Have a safe trip" sabi niya at narinig ko na lang na parang nawala yung connection sa earpiece na suot ko.

"Hmp! Ouch! Yah saan niyo ako dadalhin?" Sabi ni Brielle habang nagpupumiglas na tanggalin ang tali sa paa at kamay niya kaya bahagya ko naitikom ang bibig ko para pigilan ang tumawa.

Nakasaklob sa mukha niya ang itim na tela na mukhang bag habang nasa likod niya ang dalawang kamay niya at nakatali. Para talaga siyang na kidnapped sa itsura niyang 'yan.

"I can't breathe. Please, get rid of this thing" paki-usap niya kaya mabilis ko siyang tinignan bago ako lumiko sa isang iskinita na kasya lang ang sasakyan ko saka ako huminto. "D*rn! Ayoko sumama sainyo, please. I'll give whatever you want, promise! Just let me go" sabi niya pa kaya ngumiti ako.

Mapag tripan nga.

"Whatever I want?" Nakangising tanong ko habang pinalaki ko ang boses ko para hindi niya ako makilala.

"Yes! Everything! Just please... Please let me go" nagmamakaawa niyang sabi.

"Ayaw mo ba sumama saakin?" Tanong ko ulit.

"Why would I? I don't know you" sabi niya kaya dahan-dahan ko namang tinanggal ang saklob niya sa mukha.

"Akala ko ba, willing ka sumama saakin?" Sabi ko sa totoong tono ng boses ko bago ko inilapit ang mukha ko sakanya habang tinatanggal ko pa rin ang saklob niya.

Nang tuluyan ko maalis 'yong saklob niya sa mukha, parang dahan-dahan pa na nagmulat ang mga mata niya bago niya nakita ng tuluyan ang mukha ko.

"M-miguel?" Nagtataka niyang tanong kaya ngumiti naman ako.

"The one and only" nakangiti kong sabi sakanya.

"How did you? What are you doing here!?" Gulat niyang sabi bago siya napalayo saakin. "You kidnapped me!?" Sabi niya pa habang hindi makapaniwalang nakatingin saakin kaya sumeryoso naman ang mukha ko.

"Bakit? Ipakukulong mo ako?" Seryoso kong tanong.

"Why would I!?" Pasigaw niyang sabi kaya nagitla ako. "I-i-i mean w-why-"

"Buti naman" putol ko sa sasabihin niya bago ako lumapit sakanya pero umiwas siya kaya tinignan ko siya ng diretso sa mata. "Ayaw mo tanggalin ko 'yan na mga tali mo sa kamay at paa mo?" Seryoso ko na tanong sakanya.

Agad naman siyang lumapit ulit bago tumalikod saakin para matanggal ko ang tali niya sa kamay.

"I! I can do this hehehe" sabi niya ng akmang yuyuko ako para tanggalin 'yong tali sa paa niya.

Umupo naman ulit ako ng maayos at hinintay siyang matapos. Umupo na din siya ng maayos ng matanggal niya na 'yong tali sa paa niya bago siya nag-aalangan tumingin saakin.

"W-what are you doing here?" Tanong niya kaya tinignan ko ulit siya pero bigla siyang umiwas ng tingin saakin na parang nahihiya siyang tignan ako kaya patago akong ngumiti.

"Naaalala mo ba kung saan ka pumunta kagabi?" Kunwareng walang reakyon kong tanong sakanya kaya mas umiwas siya sa titig ko.

"W-what? S-saan ba ako pumunta?" Maang maangan niyang tanong kaya ngumisi ako.

"Pumunta ka lang naman sa bahay para sabihing–"

"I know! Please don't mention it! It's embarrassing" Mariing nakapikit niyang sabi bago siya yumuko kaya natawa na ako. "Aray!" Biglang daing niya kaya agad kong hinawakan ang baba niya.

"Alin ang masakit?" Nag-aalala kong tanong sakanya kaya dahan-dahan niya naman akong tinignan.

"I bit my lip" sabi niya kaya tinignan ko ang ibabang labi niya na bahagyang dumugo.

Napalunok naman ako bago ko siya tinignan ng diretso sa mga mata niya. "Let me suck that blood for you" sabi ko bago ko dahan-dahang inilapit sakanya ang mukha ko.

Habang ginagawa ko 'yon, pinagmasdan ko ang mukha niya kaya nung ipikit niya ang mga mata niya, saka ko idinampi ang labi ko sa labi niya. And as I said I did suck her lower lip, and instead of just sucking her lower lip because of the blood. I literally kissed her lips as if I was eager to taste it.

๋࣭ ⭑🏍️ ๋࣭ ⭑

Race Of LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя