CHAPTER 35: 🔞 Sensitive Content!

97 3 1
                                    

Sensitive Content Alert:
Read at Your Own Risk!

CHARLES'S POV

Ang dilim at wala masyadong tao ang lugar na ito. Matataas ang kapunu-an at napapalibutan ng mga matataas na damo ang gilid at gilid ng kalsada. Sa ganitong lugar maaaring hindi ka makakasigaw ng tulong.

Bawat bahay medyo malayo ang distansiya. Pati ang mga street lights ay hindi rin gumagana. Kahit ang daanan ay hindi rin maganda. Ano ba ginagawa ng barangay capitan nila dito? Tinatago at kinokopkop lang ang pera?

Binuksan ko na lamang ang radio ng sasakyan ko at nakinig sa kantang lalabas dito.

"You can be king again!" Biglang pagkanta ko habang pinipikit ang mata at niraramdam ang kanta.

Magmula ng mga araw na naiwan muli ako ay kalungkutan na ang siyang tumitira sa puso't isipan ko.

Medyo nakakahiya lang isipin na si Princess Dynna pa ang nag lakas loob na mag propose sa akin. Ano ba naman kasi ang iniisip ni mama. She was still expecting na papakasalan ko ang prinsesa ng Spain.

I already have my son Lucky and I know Princess Dynna is still on her younger age. Masyado pa siyang bata upang maging asawa ko. I am twenty nine years old now and she is still minor.

*Beeepppp*

"Woahhh!!!" Biglang tinadyakan ko ang break ng kotse ko ng mayroong dalawang babae ang biglang sumalubong sa dinadaanan ko.

What the fuck!

Mabilis akong lumabas ng sasakyan at kaagad na pumunta sa babaing biglang nabangga ng sasakyan ko.

Ang isang babae ay mabilis na nagpatuloy sa pagtakbo palayo habang nakahawak ng mahigpit sa ulo niya at sa gilid ng tiyan niya papunta sa mga matataas na damo.

Hindi sa kalayu-an nakita ko kung paano na ito natumba sa lupa ng walang tama sa katawan.

Hindi ko nalamang ito pinansin at mas tinuon ng pansin ko ang isang babae nanatiling nakaupo habang hinahawakan ng mahigpit ang mga paa niyang nakabaluktot.

Tangina. I hit her!

"Gosh... M-Miss I-I'm so sorry." Biglang lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harapan nito upang tulungan siya.

"Tanginang dragon!!!... Ano ba!? Huh!"

"G-Giana!? (Charles!?)" Gulat na pagsigaw namin pareho. Sa tingin ko biglang tumaas lahat ng temperatura ko sa katawan.

Oh my gosh. A-Am I dreaming!? Anong mundo ang napuntahan ko at muli kaming nagkita?

"Ayos kalang!?" Napahawak ako sa mga braso niya at kaagad niya naman akong hinawakan sa kwelyo ng damit ko.

"'Y-Yong babae... Ugh!... Charles y-yong babae." Utol-utol na saad niya habang pinipilit ang sariling makatayo.

Mabilis naman akong napalingon sa likuran at tinitigan ang babaing nawalan ng malay. Aanhin ko ba iyon?

Muling nabaling ako ng tingin kay Giana na sa ngayon ay napapangiwi parin sa sakit ng tuhod niya.

"Giana, sorry. Tika lang... W-What is that?" Mahinang saad ko habang hinahawi ang buhok na nakatabon sa mukha niya.

Bakit maraming dugo ang mga mukha nito? Pati ang mga kamay niya, nababalot rin ng dugo!?

"Giana, okay kalang ba?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ko sa buhok nito.

Bigla siyang napatingin deritso sa mga mata ko. Ilang minuto niyang tinitigan ang paggalaw ng mga mata ko habang halo-halong emosyon ang masisilayan dito. Para bang kinikilala niya pa ako?

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Onde histórias criam vida. Descubra agora