Ang mukha ko ay nanatiling blangko, walang reaksyon at gulat lang sa mga eksena. Expert ko ang mga emosyon ko, kaya kong mag-iba ng iba't ibang reaksyon sa loob lamang ng isang minuto.

Lumapit ako sa mga bata at niyakap ko nalamang si Taliyah at iba pang mga bata na kinakailangan ng malalim na atensyon at gabay.

Pinapunta ko ang mga bata sa loob ng kwarto at isa-isa silang pinatahan. Ilang oras kaming nanatiling walang imik doon at ng mga oras na lalabas na ako upang kumuha ng mga pagkain.

Napapigil ako bigla sa pintuan ng makita ko si Kuya, humahawak at naglalaro ng baraha kasama ang mga kumpare niya, tawang-tawa, aliw na aliw at puno ng sigla ang mga mata.

“Hahaha... O bro ikaw naman!” Masayang utos niya sa mga kalaban niya.

Napatingin ako sa kabilang banda ng bahay. Makikita ko si ate Linda na namahi habang kumakanta ng love song.

Sa dulo nito makikita ko si ate Becky at ate Clara na umaayos at nagpapaganda sa harapan ng salamin. Nguso ng nguso ang mga mukha at may pa-flirt pang nalalaman.

Wtf... May namatayan ba talaga ngayon sa bahay?

Napatungo akong tulala at nakasimangot papunta sa kusina. “Oy Giana ayos kalang?” nagtatakang tanong ni ate Becky sa akin.

Kaagad naman akong napatingin ng malumanay sa kaniya. “P-Po?” ikling tanong ko.

“Bakit ang lungkot ng mukha mo? Pare-pareho lang kayo nina mama. Tapusin niyo na ang mga drama niyo at maghugas kana ng pinggan!” Biglang binato niya sa mukha ko ang plastic na basong hawak niya at kaagad na napabalik tanaw sa ginagawa niya.

“O-Opo,” enosenteng sagot ko habang nakayuko at tuluyan ng tumungo ng kusina.

Mula sa kinatatayu-an ko sa kabilang parte ng kusina masisilayan ko si mama na nakaupo sa sahig habang dumuduyan na puno ng luha ang mga mata. Yakap-yakap ang litrato ni ate Jessrel.

“A-Anak ko?” Humahagolhol siya. “A-A-Anak ko! Huhuhu.” Sumikip bigla ang puso ko ng makita ang sitwasyon ni mama. Tanging siya lang ang dumama ng kay lalim sa naging kahinatnan ni ate.

Kahapon nagawa pa siyang itulak palayo ni ate. Lagi rin siyang sinisigawan at inuutosan ni ate na parang isang katulong ng bahay. Ngayon hindi na siya maitahan, at nag-iisang nalulumbay sa anak niyang pumanaw.

Walang pakialam ang paligid at tanging si mama lang ang nalulungkot.

Ipinikit ko nalamang ang mga mata ko at naghugas na ng mga plato.

Paumanhin... Ginagawa ko lang ang misyon ko sa buhay.

Ilang minuto na ang nakalipas.

“Ma?” Kaunting tawag ko sa pangalan niya habang sinusubukang lumapit upang mabigyan siya ng pagkain.

Mula kaninang alas sais hanggang alas dose ngayong hapon ay hindi parin siya kumakain at umaalis sa kinauupuan niya.

“Anong oras na po, kinakailangan niyo ng kumain.” Malumanay na umiling ang ulo niya habang tulalang nakatitig sa malayo.

Wala ng maibubuga, wala ng bosis, hinang-hina at namumutla ang mukha.

“Ma?”

“Iwan mo ako, Giana,” balewalang ani niya.

“Pero ma-”

“Sabing pabayaan mo ako! Hu! Huhuhu.” Biglang winasi niya ang inihanda kong pagkain kaya't tumama ito lahat sa mukha at damit ko.

Biglang nabitawan ko ang plato at kaagad itong nabasag sa lupa.

Mabilis akong lumuhod at kaagad na inisa-isa ang mga natapong pagkain. Hindi ko na nakita ang walis kung kaya't gamit ang mga kamay ko ay nilisan ko nalamang ang kalat sa sahig

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon