Chapter One-Mr.Williams

Start from the beginning
                                    

Seryoso na si Ash na nakatingin kay Josephine kaya nakampante narin siya.

"Ano kaya magandang pangalan?" tanong ni Josephine habang hinahawakan ang pisngi ng bata at tila nilalaro pa nito ang mga kamay niya gamit ang hintuturong daliri. Napangiti naman siya nang makita humikab ang bata.

"Jasper, Jasper Carter.." mabilis na sagot ni Ash habang sinusulyapan ang kanilang anak.

"At saan mo naman nakuha ang pangalan na 'yan?" pangaasar ni Josephine saka tumawa, sinamaan naman siya ng tingin ni Ash kaya tumahimik ito.

"Masyado kasing maarte eh, gusto ko sana John, John Carter! cute 'diba?" nakangiting sinabi ni Josephine.

"F*ck, Where did you get that name? It's too common and simple" iritang sabi ni Ash kaya ngumiti naman si Josephine ng nakakaloko.

Sanay na siya sa pagmumura ng asawa at kahit anumang pagsuway niya, hindi ito nakikinig at tila kinalakihan na talaga ng kanyang asawa ang magmura.

"Diba dapat ako magtanong sa'yo niyan?" pangaasar ni Josephine at tumawa.

Ash(-_-)
Josephine(^_^)

"Tss," sabi ni Ash at tsaka aakmang kukunin ang bata. "Hep hep!" sigaw ni Josephine.

"What the hell?" iritang sabi ni Ash.

"Hehe, baka kasi hindi ka naghugas ng kamay-"

"What the?! Kelan ko ba dinumihan ang sarili ko? Gusto ko lang naman kargahin ang bata" arte ni Ash na mukhang napipikon na.

"Hehe, oh heto na po Mr.Carter" sabi ni Josephine at dahan-dahang iniabot ang bata.

"Jasper Carter is--"

"Correction, John Carter" sabi ni Josephine sabay humalukipkip.

"The Hell!"

Napatayo si Ash buhat buhat ang bata. Mabilis naman itong umiyak kaya kinuha kaagad nito ni Josephine.

"Ayan tuloy, kawawa naman ang John namin..." wika ni Josephine at pilit na pinatatahan ang bata matapos itong kunin sa asawa.

"Andito na ko" sagot ni Robert na may dala dalang pagkain. Inilapag niya ang supot sa nakalaan na lamesa.

"Anong pangalan ng bata?" tanong ni Robert.

"Jasper Carter"
"John Carter"

"Huh?" nagsamaan ng tingin ang dalawa kaya natawa si Robert, napatingin naman silang dalawa kay Robert kaya napatahimik siya at naging seryoso.

"Mukhang may problema agad kayo sa bata, Bakit hindi niyo nalang pagsamahin?" napatingin naman silang dalawa sa isa't-isa at muling tumingin kay Robert ng seryoso na ang mga mukha.

"I mean, Jasper John Carter? What a nice name 'diba?" sabi niya at nagsmirk.

Ngumiti naman si Josephine at si Ash naman ay medyo napaisip.

"Fine,"
"Sige"

"Yown!!! Nagkaayos narin kayo! Ako ninong ah? Gawan niyo narin ako ng pangalawang inaanak, san kayo maghohoneymoo-"

Bago pa matuloy ang sasabihin ni Robert ay pinagbabato na nila ito ng mga kagamitan kaya apurado siyang lumabas ng kwarto.

Tatlong araw ang nakalipas bago tuluyang lumabas si Josephine sa hospital.

Habang nasa biyahe hindi maiiwasan ang pagpa-plano ng mag-asawa sa paglista ng mga magiging ninong at ninang ng anak sa nalalapit nitong binyag.

"How about my friends in America?"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now