Chapter Nine: One Sided Love

Start from the beginning
                                    

"Damon—" Huminto ito sa paglalakad saka muling humarap sa kanya.

"Sa tingin ko ay tama ka, Shaine," pagputol nito sa sasabihin niya. "Mas mabuti pa nga siguro kung kalimutan na lang natin ang isa't isa. Mas maigi na ang ganoon para maka-limutan natin iyong mga sakit na nangyari sa pagitan nating tatlo ni Mei-Mei."

"Damon... Ang sabi ko kagabi, just leave me for a while but it doesn't mean na gusto na kitang lumayo sa akin ng permanente. Kung nasaktan kita, I'm sorry. But you're my best friend. I don't know what to do without you. I don't wan-na lose you..."

"Kung alam mo rin, Shaine na hindi ko rin gustong layuan ka. But I love you and I have to move on. I can't do that if we're still together. Hindi ko kayang maging kaibigan mo ngayon, Shaine. Magiging katulad lang ako ng dati kapag ipinilit ko pa. Mamahalin na lang kita ng palihim," mapait na sabi nito saka na umalis sa harapan niya. Pinigilan niya ang sarili na mapaiyak kahit halos nangingilid na naman ang luha sa paligid ng mga mata niya. Ayaw niyang mawala si Damon. Mahal niya ito pero hindi nga lang sa paraan sa gusto nito.

Huminga siya ng malalim para mawala ang sakit sa dibdib niya. Sa isipan niya, siguro nga ay tamang pakawalan na lang niya ito. Gusto niyang maging masaya ang kaibigan niya sa piling ng iba. Doon sa tunay na babae. Hindi sa katu-lad niya na hindi sigurado sa sarili kung babae ba talaga siya o isang lalaki na nakulong sa katawan ng isang babae.

Nakakalungkot lang isipin na sa ganito lang magtat-apos ang pagkakaibigan nila na matagal na panahon din ni-yang iningatan. Kung maaari lang sanang maturuan ang puso na si Damon na lang ang mahalin niya ay ginawa na niya para maging masaya na lang silang lahat. Hindi katulad ngayon na ang pagpasok sa eskwela ay tila pagpasok na rin sa isang hawla, na kahit na gustuhing makalabas ng isang ibon ay hin-di nito magagawa hanggang walang tao na magbubukas ng pinto para rito. Parang siya, hindi siya makalabas sa pagiging miserable niya...

Ang dating masayang lugar para sa kanya, sa isang iglap, nawalan ng kulay dahil sa bigat ng pinagdadaanan nila ngayong tatlo...

Pagpasok niya sa classroom ay nagtama agad ang mga mata nila ni Mei-Mei. Para itong biglang nataranta at nagbaba ng tingin saka nagpanggap pa na may ginagawa.

Wala na siyang nagawa kundi ang umupo na lang sa seat niya sa unahan.

Habang nakaupo ay hindi siya mapakali. Hindi naman kasi basta-basta na lang nawawala ang feelings ng isang tao purkit na tinanggihan lang ang pagmamahal nito. Siguro nga ay tama rin ang kasabihan na, 'You always want what you do not have.' Para sa kanya, si Mei-Mei ang isang bagay na kahit kailan ay hindi niya makukuha kahit na kailan pero patuloy niyang inaasam. Para itong isang artista na kung fangirl ka, hanggang tingin ka na lang.

Nang sumapit ang lunch break ay nagpasya siyang lapitan si Mei-Mei pero bigla itong umalis sa kinauupuan nito sa canteen at lumabas. Hindi naman siya nagpatalo at sinun-dan naman niya ito hanggang sa makarating na sila sa lugar kung saan maraming puno at walang ibang tao kung hindi sila lang.

"Mei, puwede bang mag-usap naman tayo?" sabi niya sa pagitan ng paghabol dito.

"May pupuntahan pa ako eh," pag-iwas nito.

"Please naman, Mei, kahit saglit lang," pangungulit pa rin niya.

Huminto naman ito pero masama naman ang tingin sa kanya.

"Puwede ba, Shaine, tigilan mo na ako! Hindi kita gusto. Kahit kailan ay hindi ako makikipagrelasyon sa isang tao na mas mahinhin pang kumilos kaysa sa akin! Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Walang-wala sa itsura mo ang pagig-ing tomboy. Mukha ka ngang prinsesa e, at mas lalong hindi naman ako mukhang lalaki kaya kung puwede lang ay itigil mo na 'yang kalokohan mo!" sigaw nito na nagpatigil sa kan-ya.

17. Strange Love (Published By Viva Books)Where stories live. Discover now