Chapter 6: Sungit >...<

155 6 3
                                    

Lena Frost

"Mark! May gagawin pa tayong project." Hila ko sa kaniya.

"Ano ba Shan, mas importante pa gagawin ko!" Sigaw niya.

"Anong mas inportante sa project ha Mark!?"

"Wala ka nang pake dun, diyan ka na nga!" Huling sabi niya at aba! Itinulak pa ako. Ano bang problem ng isang yan? Mas masungit pa sa'kin kapag meron ako, mas madilta pa kay Mags, at mas seryoso pa kay Pangs.

Siguro may date nanaman sila ni Shakira. Buti pa sila, may forever na. Eh ako? Meron syempre. Forever na UMAASA.

Naglakad ako sa hallway ng building ng school, malapit sa library ang storage room ng janitor. Narinig kong may kaluskos dun at napansin kong may naghahalikan. Nang makita ko kung sino, sina Mark at Shakira pala.

"Babe, ang sweet mo naman." Yuck! Tunog kuting!

"Oo naman Sha, babe kita eh, sayo lang ako mabait. True love kasi kita." Malanding sabi ni Mark.

Tss. True love my ass! DUH!!! ang corny nila pweh! (A/N: bitter ka naman xD)

Hinayaan ko nalang sila sa MOMOL session nila.

----------------

"Hello? Mags?"

"Shan!!! San ka na? Bibili pa tayo ng materials natin sa project niyo ni Mark diba?" Sigaw ni Mags sa kabilang linya.

"Oo na, ona! Katatapos ko lang sa research. Kita nalang tayo sa Stationary Supplies."

"Shhhhh, no mobile phones allowed" sabi ni Ms. Rivero.

Nginitian ko nalang siya at tumango. Nakaisip na ako ng project namin ni Mark.

----------

"Ano ba ung project niyo Shan?" Tanong ni Mags

"Its for me to know, and for you to find out" then I winked.

I know this project would be perfect!

Me:

Mark, papunta na ako sa bahay ninyo, dala ko yung materials natin. Naka formulate na ako ng scientific method etc para sa project :)

Click SEND✔

Naglakad ako mula sa bahay hanggang kina Mark.

"Hi Manang, si Mark po?"

"Ay ma'am wala pa po, paki antay nalang po"

"Sa kwarto nalang niya ako mag aantay, gagawin namin yung project namin eh" ngumiti ako at umakyat sa kwarto niya

----

"Ano'ng ginagawa mo dito, ha Shana!?" Nagising ako sa sigaw ni Mark, what the? It's already 9 in the evening!?

"Ay, sorry. Mark ito na pala yung gagawin sa pro---

Sinapak niya yung kamay kong nag-abot sa kaniya nung research paper.

"Shana umuwi ka na nga. Inaabala mo ako!" Sigaw niya.

"Pero Mark, 4 days nalang before nung presentation natin!"

"Shana! Ang epal mo talaga sa buhay ko kahit kailan, ano? Ito? Itong basura na 'to? Ito ang ideas mo?" Sigaw niya habang pinupunit punit ung mga pinaghirapan kong research, mga mamahaling materlias na inaapak apakan niya

"Mark ano ba, tama na! Pinaghirapan ko yan eh!" Awat ko sa kaniya

"Umuwi ka na! Pulutin mo lahat niyang basura mo!"

Ang Crush Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon