Chapter 5: Date?

194 11 0
                                    

Shan Elena

Apat na oras kong inisip yung nangyari. Wala ngang pumapasok sa kokote ko. Puro nalang yung kaartehan ng ST ang naririnig ko.
Naisip ko lang.
Paano kaya kung hindi bakla yang si Mark?
Ano kaya itsura niya pag kaharap ko siya? Paano kaya yung aura niya? Magkaka girlfriend ba siya?
Ano kaya feeling na mahalikan uli ung labi ni Mark? Masarap ba?
Ano ba yan Elena! Kung ano ano iniisip mo! Bakla yang John Mark na yan!

Gwapo at hot naman. Sarap na sarap ka nga jan na iniimagine yung labi niya

Sabi ng konsensya ko. Naawa ako sa sarili ko. Feeling ko, nababalewala ko ang feelings ko kay Josef. Feeling ko, kahit walang anuman samin trinatraydor ko siya kasi heto ako. Pinagpapantasyahan ang bakla kong bespren habang may nagyaya sakin ng date.

Asan kaya yung baklang yun? May gagawin pa kami. Gagawin namin ung partner task na project namin eh.

1 message recieved

HOT:
Shan, di ako makakapunta, may gagawin pa akong importante eh.

Me:
Mark sa Tuesday na deadline nun.

HOT:
Sorry talaga. Hindi ako makakapunta. Mas importante pa gagawin ko.

"Hoy Shan! Lika na ! May meeting daw ang board of directors mamaya ka na jan magday dream at sino ba kasi katext mo?." Sigaw ni Pangs. Haynako, kahit kailan talaga seryoso nitong pangit na 'to. Kung di lang siya torpe kay Mags eh.

Josef

HAY!! May pov na rin sa wakas.

Hey, Josef Kang here. Half korean-half Filipino.

I am so happy that the love of my life, well corny pakinggan na si Shan Elena, inaccept ang date na hinihingi ko.

Ang ganda niya, matalino, sweet, mabait at loka loka. Madaldal pa. Matagal na akong may gusto sa kaniya. Simula bata pa. Antagal ko na siyang tinitignan sa malayo. Yung blue niyang mata pag kumukurap nakakainlove.

Ang saya niya. Pag kasama niya si Mark. Yung bespren niya. Halata naman eh. Halatang may gusto siya sa kanya. Pero ako? Kontento na ako napasulyap sulyap sa kaniya mula sa malayo. Naalala ko pa nung elementary kami.

"Aray! Huhuhu!" Napaiyak ako sa sakit. Pinatid kasi ako nung bully.

"Hahahahhhahahahaa! Yan kasi! Buksan mo mata mo para makita mo yang dinadaanan mo!"

Grabe lang. Masakit yun ah. Hinayaan ko nalang sila at umalis.

"Hoy singkit!" Napalingon ako sa tumawag ay ang cute niya!

"Ayos ka lang? Do you need help?" Tanong niya.

Ngumit nalang ako.

"Hoy mga baboy! Wag nga kayong mambully! Sige kayo! Ipapabugbog ko kayo kay kuya guard!" Nagsialisan sila at mukhang natakot kay cute.

"Yaan mo na sila. Inggit lang sila kasi cute mata mo. Tara ice cream tayo sa park!" Aya niya.

Sumama nalang ako. I enjoyed her company. And for the first time. Nagkaroon ako ng crush. Lagi ko nalang siyang hinahanap. Pinapanood mula sa malayo.

Crush kita Shan Elena.

Napangiti ako sa munting alaala na ito. Grabe lang. May nakita ang cute na snowman stufftoy sa blue magic. Naalala ko lang si Shan. Kamukha niya si Elsa eh. Ito nalang ibigay ko sa kaniya. Si olaf ^_^.

Shan Elena

"Let it go let it go!
I can't hold it back anymore
Let it go, let it go!
Turn away and slammed that doo-aray!" Walang hiyang Mags to sapakin ba naman ako! Moment ko yun eh :(

"Wala akong payong Shan kaya pwede ba wag kang kumanta!" Hay kahit kailan talaga ang sungit ng batang ito.

"Meron ka ba? Bakit ang sungit mo!"

"Wala ka ng pake don jan ka na nga!" Hay buhay.

Hinahanap ko kasi si Mark eh i-kwe kwento ko sana na may date kami ni Josef.

Si Mark ba yun?

May kasamang babae? Parang ang sakit. Bakit? Crush ko lang siya ah. Bakit natamaan ako. Akala ko tuloy may gusto siya sakin ansakit talaga mag-assume.
Holding hands pa sila. Ang saya saya nila. At nagulat ako ng. Hinalikan niya yung babae. At yung babaeng yun? Yung impokritang feelingera sa school. Si Shakira Legaspi.

"Babe! I'm so happy talaga! This is the best date ever!"

Date. So nagdadate pala sila. Kaya ba hindi makapunta tong si Mark? Hindi ko mapansin umiiyak na pala ako.

"I love you babe."

"I love you to babe. Forever Mark."

Tngene! Walang forever!

Sigaw ng utak ko. Hay. Bahala ka na dyan. May date pa kami ni Josef. Mas masaya pa jan sa inyo.
----------*

8:00pm

"Anak andito na yung pogi mong ka-date!"

Eeeeh mama naman nakakahiya.

"You look beautiful and stunning as always Shan" sabi ni Josef.

Kahit naman wala akong feelings sa lalaking ito nagblush ako. Syempre nagcompliment ung gwapo.

"So san mo ako dadalhin at simple lang pinadamit mo?"

"Streetfoods at perya" nalaglag ang panga ko. What the! First time ko ito! Waaaa!

Ayun. Hinila ako ni Josef papunta sa isang streetfood vendor.

"Bakit andami mong inorder?" Tanong ko

"Para matikman mo lahat nyan at sigurado ako, kulang pa yan dahil amba----"

"Ambaboy ko? Ganun ba?" Nakakakunot noo kong saad.

"Ano ba yan! Sabi ko, dahil ang sarap niyan! Imagination mo Lena!"

Wow ang sarap pala! Tokneneng, fishball, chicken ball, one-day old, kikam, nuggets! Wooh!

"Tara na sa perya!" Aya niya.

Simple man to pero masaya ako. Eto ying gusto kong feeling eh. Yung totoong kasiyahan.

Andaming acrade games! Linaro namin lahat at nag enjoy ako. Nakita ko ang ferris wheel. Yinaya uli ako ni Josef at sumakay kami don.

"Shan, nagtataka ka siguro bat sa ganito kita dinala. Mas masaya kasi sa ganito kesa sa mamahaling restaurant. Special ka sa'kin. Eto nga pala Olaf na stufftoy!"

"Thank you Josef!!!!"

Ang saya ng gabing eto. Hay. Tapos na uwi na kami. :(

Inaantok na ako.

"Shan, gising na... andito na tayo.
Hay, tulog ka na. (He kissed my forehead) Shan, mahal kit. Sobra. Yaan mo na si Mark. Andito ako para sa'yo."

----------

Yes! Nakapag update din

Thanks sa mga nagbabasa nito!

Vote.
Comment. Para sa suggestions or anything
Recommend. Para syempre mag mga magbabasa rin

------Channel

Ang Crush Kong BaklaWhere stories live. Discover now