"Mam Kaella..." napalingon sila sa tumawag. "Mam Kaella, excuse lang po, pinapatawag po kayo ni Sir sa office nya, kasama daw po yung bisita nyo"

Bumaling naman.sya sa boyfriend ng marinig iyon "Tara na?" bago bumaling sa katulong "Susunod na kami.."

Naglalakad na sila papasok ng bahay. "Mikay naranasan mo na ba mapatawag sa Principal's office?" nagtaka naman si MIkay sa biglaang tanong ni Gino.

"Oo naman, not just once. Sa lahat ata ng school na pinasukan napatawag ako sa Office, why?"

Napahawak si Gino sa dibdib, "Parang ganun kasi yung kaba na nararamdaman ko. KInakabahan ako." Hindi alam ni Mikay kung tatawa ba sya ng malakas o mag-aalala. Bakas kasi talaga sa mukha nito ang kaba.

"Honestly hindi ko talaga alam ang feeling kasi whenever they called me to present myself to Principal, parang normal nalang lahat." Kwento pa ni Mikay. "Anyway, Angelo you have nothing to worry, first kasi Papa is not a Principal," napailing nalang si Gino. "and secondly, you're not alone, andito ako sa tabi mo. I won't leave you."

Napangiti ulit si Gino; he holds her hand and his ready to go. "Halika na,"

Dahil galling pa sila sa garden, may kalaRyan ang office ng Papa ni Kaella. "Mikay, ganun k aba talaga kapasaway dati?" biglang sabi nanaman ni Gino.

"Nakakahiya mang aminin but yes, that's the worst version of myself." Sagot ni Kaella. "I'm not fond of rules, I love hanging out with random friends, I do illegal things, and as far as I remember, nakulong din ako."

"Wag ka mag-alala Mikay, hindi na kita hahayaang maging worst."

"Why? You want to change me?" tanong ni Kaella ng may paghahamon. Ayaw kasi nya na dumating sila sa point na mare-realize ni Gino na ayaw nya pala talaga si Kaella, yung Mikay pala talaga ang minahal nya.

Malapit na sila sa office ng Papa ni Kaella ng biglang huminto sila; hinarap sya ni Gino at hinawakan sa magkabilang balikat. "Hindi kita babaguhin Mikay.." he said. "Gusto ko lang na ilabas mo yung totoong ikaw- yung kabutihan na meron ka sa puso mo na matagal mo ng tinatago"

She smiled at what he says, "I love you."

"I love you too."

Hawak kamay silang pumasok matapos buksan ang pinto. Bakante ang table ng Papa nya kaya automatic na napatingin sila sa kaliwang bahagi ng office at nagulat sila sa nakita.

"Pa, anung meron?" tanong ni Mikay. Lumapit naman ang Papa nya. Hindi pa pala tapos ang meeting ng Papa nya, nagtataka naman sila bakit sila pinatawag.

Sa isang long business table ng Papa nya ay andoon ang mga kapartido ng Papa nya kasama si Henry Alvarez, and vice ni Alberto, at iba pang kasaping Senador, at isang babae na di nya kilala.

"Kaella, they wanted to discuss something with you." Her faither said in a low voice "Im sorry for dragging you into this,."

"Is it about the campaign?" nagaalangang tumango ang Papa nya. Alam nyang wala talagang interest ang anak sa ganito?

Tumango naman ang Papa nya, "Pa sabi ko naman sayo I'll support you, kayalang you're suppose to meet my boyfriend,"

Lumampas ang tingin ng Papa ny sa likod nya at doon si Gino, he's standing uncomfortably. Anyone would be uncomfortable sa situation na ganito, him a simple crew sa isang fastfood chain nasa isang kwarto kasama ang kilalang mga tao sa Politics.

Numiti ang Papa nya, "Yes, I know that Princess, we just have to talk the both of you for awhile." Narinig yun ni Gino kaya napakunot noo sya, bakit kailangan pa syang isama sa kakausapin? Di naman sya involve dito.

MY SLUM-GIRL PRINCESS [Published under Life Is Beautiful]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant