Chapter 6: Mall

514 11 0
                                    

"Thank you po, doc" napangiti na lang ako sa pasyente ko, lumabas na ako sa room na iyon at naglakad na papuntang ER.

"You pervert!" Sigaw ni calex sa gitna ng hallway.

"Calex, stop!" Pigil ni angel ng akma na namang susuntukin ni calex ang lalaking nakahandalusay sa sahig.

"Sinadya niyang hawakan ang hita mo! At hindi ko hahayaan na may bumastos sayo! Ako ngang boyfriend mo, hindi ko magaya yun kasi nirerespeto kita. Tapos siya gaganun-ganunin ka niya lang?!" Galit na sabi ni calex dahilan upang sumakit ang dibdib ko. So, he's disrespecting me? Sabagay, bakit naman niya ako iingatan, diba? Una pa lang naman, ang hilig na niya akong saktan. Bakit ba ako nagpapakatanga sa lalaking ito? He will never love me, and I need to accept that.

"Lou" bulong ni kyrex. "Why are you crying?"

"I'm not, naisip ko lang yung pasyente ko" umupo ako sa bench kaya umupo siya sa tabi ko. "What if, hindi tayo pinadala dito? Magiging maayos pa din ba ang lahat?"

"Of course, maayos naman tayo ngayon, ah?" Napa-ayos ako ng upo at pinunasan ang luha ko.

"I need to go, may next operation pa ako"

"Mm, see you around" tumango na lang ako att umalis na.

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap ni calex, balita ko binabantayan niya si angel dahil natatakot daw si calex na baka maulit daw ang pag-harass kay angel. Unti-unti na din kaming bumabalik ni kyrex sa dati, sa tuwing out na namin inaaya niya akong magdate bago ako ihatid sa condo ko.

Bumaba ako sa kotse ni kyrex at agad din siyang bumaba, nagulat ako ng isandal ako ni kyrex sa kotse niya.

"Maaari ko na bang marinig ang matamis mong oo?" Napangiti ako kay kyrex at pinatong ang braso ko sa balikat niya.

"Kyrex, ang gwapo-gwapo mo talaga, hehe" yes, I'm drunk. "Ano ulit yung tanong mo? Mm?"

"Lou, kailan mo ba ako sasagutin?"

"Sasagutin? Wala namang tumatawag, ah?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at wala naman talagang tumatawag.

"Ash! You're really drunk!"

Inalalayan ako ni kyrex papasok sa loob ng condo ko at pina-upo niya agad ako sa sofa.

"Ang cute talaga ng ky-ky ko" sabay pisil ko sa pisngi niya.

"I need to go home, take some rest"

"Hmp! Don't leave me!" Sabay yakap ko sa kaniya. Don't leave me, calex.

"Sshh, don't cry. Yes, I won't leave you" sumandal ako sa sofa at napahawak sa ulo.

"Argh! I hate this!" Umiyak na ako ng umiyak habang sinasabi kong 'i won't cry anymore!'

"Sleep now, lou " sumandal ako sa balikat niya habang patuloy akong umiiyak, inakbayan niya ako at pinakalma ako.

"Argh" napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit nito, lumabas ako sa kwarto ko at agad kong nakita si kyrex na mahimbing na natutulog sa sofa. Lumapit ako sa kaniya para kumutan siya at pumunta na ako sa kusina upang uminom ng tubig.

Habang umiinom ako, may biglang nagdoorbell kaya lumapit agad ako sa pinto. 1:23AM na pero bakit may nagdodoorbell pa din? Agad kong binuksan ang pinto at agad kong nakita si calex, seryoso ang mukha niya lalo na ng makita niya si kyrex na mahimbing na natutulog sa sofa.

"Anong ginagawa niya dito? Gabi-gabi na ba siyang natutulog dito? Don't tell me may nangyayari din sa inyo? Hindi ka na ba makatiis kaya naghanap ka ng bagong magpapaligaya sayo?" Parang tumagos lahat ng sinabi niya sa puso ko, ang sakit ng mga sinabi niya.

Rewrite The Star. Book 2Where stories live. Discover now