Chapter 1: Back

1.7K 23 0
                                    

Scarlet POV

It's been five years, Philippines! Welcome back, Scarlet Louisiana Hernandez!

"Scarlet, faster!" Natawa ako sa tatlo kong kaibigan, si matteo, megan at kyrex. Yeah, magkambal si matteo at megan pero hindi naman sila gaanong magka-vibes. Ewan ko ba sa magkambal na ito. Hinila ko ang maleta ko at sumunod sa dalawa.

"Ang bagal mo talaga" pinisil ni kyrex ang ilong ko kaya namula ako. Isang taon na akong nililigawan ni kyrex at nakakatuwa lang dahil hindi naman nagmamadali si kyrex na sagutin ko siya.

"Hay, naku! Mamaya na kayo maglandian" natawa na lang kami kay megan.

"Halika na nga bitter" mas lalo kaming natawa sa sinabi ni matteo.

"Yah! May nililigawan ka lang! Teka! Where is she na ba?" Sabay linga niya sa waiting area.

"Guys!" Sigaw ng babae kaya napalingon kami doon at nakita namin si leana, kumaway ito at lumapit sa amin.

"Okay, OP na naman ako dito" natawa na lang kami sa biro ni megan.

"Tara na, guys! May bagong resto malapit sa mall!" Tumango kami kay leana at sumakay na kami sa van niya.

"Are you tired?" Umiling ako at sumandal sa kaniya.

"How about you? Nabitin kanina ang tulog mo, masakit ba ang ulo mo?"

"Nope, I'm just tired" tumango ako at niyakap siya. "Hmm, it's so relaxing" napangiti na lang ako at pinikit ang mata. How are you now, calex? Iniling ko ang ulo ko. I must not think about him anymore. I already moved on.

"Guys, we're here na!" Bumaba na si leana at matteo kaya bumaba na din kami.

Bagong bukas nga ang resto dahil dinudumog agad ito ng mga tao. Papasok na sana ako ng biglang hawakan ni kyrex ang kamay ko. Ngumiti na lang ako at pumasok na kami sa loob habang magkahawak ang aming kamay.

May lumapit na waitress sa amin at sinundan namin siya sa table na available sa aming lima. Binigyan niya din kami ng menu ng maka-upo kami.

"One macaroni salad, one steak and one mango shake. For me, please" sinulat niya iyon sa note kaya tumingin ako kay kyrex ng sabihin niyang ganun din ang order. "Yah, nagsisimula ka na naman, ah! Mag-order ka ng kung anong gusto mo" tumaas ang kilay niya at tumango-tango sa akin.

"Ikaw ang gusto ko, eh. Paano ba yan? Wala ka sa menu?" Hinampas ko na lang siya sa braso, nakakahiya dahil nakatingin sa amin yung waitress. Ngumiti ang waitress at tumango-tango.

"That's all, ma'am, sir?" Tumango na lang kami kaya umalis na siya.

"Kakaiba yung waitress na yun, noh?" Biglang sabi ni megan.

"Why?"

"Anak mayaman yung kutis niya at kakaiba ang ganda niya" napatingin na lang ako sa waitress na winewelcome pa ang ibang customer.

"Wow, this is so delicious!" Sambit ko ng tikman ko ang steak, ganito ang gusto kong pagkakaluto. Medyo toasted!

"Yeah" sang-ayon nila.

Pagkatapos naming kumain, nakaramdam ako ng jingle kaya tumayo ako at nagpaalam akong magre-restroom lang. Nang matapos kong magrestroom, naglakad na ako papunta sa table namin. Pero, bago ako makarating nakita ko ang waitress na may kausap na lalaki. Aalis na sana ako ng marinig ko ang boses ng lalaki.

"Are you okay? Sabi ko naman sayo na huwag kang magpapagod, eh" xander? Humarap ako sa lalaki at tama ako, kaano-ano niya ang waitress?

"Lou, tara na" napatingin ako kay kyrex at tumango ako.

Rewrite The Star. Book 2Where stories live. Discover now