Chapter 5: Hassle

14 1 0
                                    

His side.

Siguro imposibleng maging mas mababa pa sa zero degrees ang temperatura rito sa opisina ni Captain Fernan Mondego, pero shuta pakiramdam ko'y nagyeyelo ang kalamnan ko ngayon.

Kaswal lamang siyang nakaupo sa mini sala set niya, kaswal na humihigop ng tsaa pero para siyang isang haring nagbibigay ng paratang sa aming mga hampas lupa.

Nanginginig ang mga tuhod ko samantalang nakaupo ulit na parang tuod ang ang babaeng pinanganak na maging tinik sa tagiliran ko.

"Naaprubahan na ng HR ang therapy niyong dalawa," anunsyo ng kapitan. "At sinabihan ko na rin ang internal affairs na gawing nullified ang mga kasong maisasara niyo na hindi kasama ang isa't isa."

Nagtinginan kami ng impakta.

"H'wag na kayong magsisihan pa. Alam niyong may kapangyarihan akong ikasal kayo," paalala ng kapitan, "Sa isa't isa," sabi niya bago humigop muli sa kanyang tsaa. Nagsitayuan ata ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Alam ng lahat sa presinto na bakla ako at tatandang laon ang isa diyan. Kaya sigurado akong sinasabi lang 'yun ng kapitan bilang panakot sa amin. At talagang effective ito.

Pero kahit na. Kailangan ba naming gawin 'to? Myghad ang hassle!

"Oo, detective, kailangan." Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

"Napalakas ang pagbulong mo sa sarili," aniya. Nakaramdam naman ako ng kahihiyan.

"Sorry po," sabi ko. Inilapag ng kapitan ang kanyang tsaa sa center table.

"Anyhow, mas malaking hassle pag sesesantehen ko kayo, eh pagiging immature lang naman ang problema niyo..." Napangiwi ako sa pagbato niya sa salitang ginamit ko. Tinignan ko ang reaksyon ni Sapa, halos 'di maiguhit ang mukha.

Buong lakas ko namang pinigilan ang pagngisi ko.

"...dami ring papeles na pagdadaanan kung ililipat ko kayo sa ibang units. Pero etong ipag-therapy kayo? Pirma ko lang ang kailangan. Walang hassle," paliwanag niya. Napangatngat ako sa aking labi. Shet. Sorry na kasi. Halos mapatalon ako sa gulat nang sa wakas ay nagsalita na ang bruha.

"Sorry, Cap," sabi niya.

"Pagkatapos ng tatlong buwan. Saka ko lang tatanggapin ang sorry na 'yan."

Sabay kaming napatango ng babaeng taong lupa.

"Nandun kay Sergeant Lara ang kasong tatrabahuin niyo. At alas syete ng gabi ang therapy niyo sa 4th floor. Makakaaalis na kayo."

Dumiretso kami sa desk ni inaHen. Tutok na tutok siya sa computer ngunit paminsan-minsa'y tumitingin sa isang folder na nakabukas sa kanyang mesa.

Bago pa man namin tuluyang marating ang desk niya, may pumasok na patrol officer dala-dala ang isang tambak ng panibagong folders at ibinagsak ito katabi ng lumang tambak ng folders na nasa desk ng sergeant.

Akala ng lahat puno ng aksyon ang buhay pulis. Ang 'di nila alam, mas nakakamatay ang dami papeles na aasikasuhin mo. May bagong kaso? Papeles. Tatrabahuin mo na ang kaso? Papeles. Naisara mo na ang kaso? Ano pa ba kundi papeles?

Kailangan mo ng sandamakmak na warrants. Search warrant, Warrant of arrest, custody warrant. Hassle!

Lalo na kung sergeant ka dahil trabaho mong i-classify ang mga papasok na mga kaso at ibahagi ito sa mga units kung saan sila nararapat. At yung mga papeles na nabanggit ko?

Ang sergeant rin ang responsible sa pag-ayos nun.

Kaya ayokong ma-promote. 'Di bale nang maging detective hanggang magretire basta wag lang madikit ang pwet ko sa upuan buong maghapon.

Isa pa'y kakaiba ang saya pag na-solve mo na ang kaso. Yung moment kung saan lahat ng piraso ng puzzle ay nagtatagpi-tagpi. Yun ang pinakamasaya.

"Anong sabi ng kapitan?" tanong ni inaHen na hindi man lang tumitingin sa gawi namin. Tuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Na immature kami," busangot na sagot ni Sapa. Natawa ang sergeant at di sinasadyang napangiti kami sa reaksyon niya.

"Hindi siya nagkakamali," sabi niya saka kumuha ng folder mula sa isang drawer. Inabot niya ito kay Sapa saka nagsalita.

"Kahapon ay inaresto si Angelito Parasan. Illegal possession of drugs." Lumapit ako sa babaeng sumpa para tignan ang mga nilalaman ng folder. Nandoon ang mga screenshots mula sa siguro'y cellphone nito. Screenshots ng mga usapan tungkol sa mga delivery at 'goodshit.'

"Tingin niyo'y nagtutulak siya," sabi ko.

"Mismo," sabi ng Sergeant. "Problema ngayon, nagpadalos-dalos ang officer na humuli sa kanya at ini-file na ang kasong Drug Distribution kahit hindi pa sapat ang ebidensya."

"Feeling ko may isa pang problema," excited kong sabi. Umasim ang mukha ng babaeng lamang lupa. Inirapan ko siya.

"Unfortunately, detective, tama ka," sabi ni Sergeant Hen. "Hindi mahanap-hanap ang stock ng cocaine ni Angelito Paarasan."

"Tsk," asik ng Sapa.

"Madali lang yan, mameh," kompyansa kong sabi. "Hahanapin ko lang ang stock niya, 'di ba?"

"Kasama si Aguas," paalala ng Sergeant. Oo nga pala! Ang hassle!

"Kung nai-file na ang kaso na hindi sapat ang ebidensya," biglang singit ng Sapang lubog, "Nanganganib ito sa overcharging, di ba?"

"Hala!" sigaw ko.

"So meron lang akong 24 hours bago ma-dismiss ang kaso ni Angelito Parasan—"

"Girl, kasama ako," paalala ko. Mukha namang nanlumo ang bruha sa naalala.

"Yes, detectives," pagkumpirma ni Sergeant Hen. "Kaya sana'y wag na kayong mag-aksaya pa ng oras."

Agad kaming umalis at napatakbo sa parking lot. Pagkapasok ay papunta ako sa kanan samantalang papunta naman sa kabila ang babaita.

"Kotse ko na ang dalhin natin," wika ko.

"Hindi, yung motor ko na lang," sagot niya.

"Kumportable tayo sa kotse ko, hindi masisira ang skin natin saka may aircon pa," paliwanag ko. Tinignan niya lang ako na para bang wala siyang naiintindihan sa sinabi ko.

"Mas mabilis tayong makakarating sa apartment ng perp kung magmo-motor tayo at madali lang itong makakapasok sa makikitid na eskinita. Isa pa'y hindi ito gaanong magastos sa gasolina," paliwanag niya.

"Gaga ka ba?"

"Pwede bang 'wag mo kong tawaging gaga?" Tinitigan ko siya. Tinitigan niya rin ako. Nakakagigil! Gusto ko siyang—sabay kaming napasinghap. Naalala ko ang sinabi ni Sarge at Cap. Na isa lang kaming malaking abala.

Okay.

Kung talagang pagiging immature lang ang problema namin at nagiging hassle kami sa lahat ng tao sa Presinto, pwede namang pakisamahan ko na lang siya, 'di ba?

"Okay!" sigaw ko. "Kanya-kanya na lang tayo." Tapos ay naglakad na kami sa magkaibang landas namin.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DazedWhere stories live. Discover now