CHAPTER 23

226 7 0
                                    

CHAPTER 23.

Third Person's POV.

Agad na umakyat si Martin patungo sa fourth floor pagkatapos marinig ang malakas na putok ng baril. Si Dominic naman ay pinapalabas na niya kasama ang bata upang maligtas na ito mula sa mga maiingay na mga putokan ng baril.

Nang narating na niya ang fourth floor ay dahan-dahan siyang nagtago sa likod ng pader at sumilip sa maalikabok na hallway. Wala siyang nakitang katao-tao sa hallway at akmang lalabas na sana siya mula sa kaniyang pinagtatagoan ay narinig niya ang sigaw na dumagundong sa buong fourth floor.

"SCAAAARLEEEET!!! Don't you dare to hide!!! You can't escape from me!!! M*m*m*tay rin si Martin ngayong araw at hindi ka niya mailigtas!!! So don't expect that he can save you from me!!!"

Napakuyom ang kamao ni Martin nang marinig ang malakas na boses ni Robert. Itinaas niya ang baril at dahan-dahan na kinasa ito. Muli siyang sumilip at nakita sa kalayuan si Robert na paika-ikang naglalakad. Wala itong pakealam kahit dumudugo na ang nasa braso nito at nanatili pa rin ang malaking bubog sa binti niya.

"Stop hiding!! I know you were there!! Kahit anong pilit mo sa pagtakas hindi ka pa rin makakatakas Ashburn!! Your kid will d*e if you're not going to show yourself!!"

Umigting ang panga ni Martin sa galit at akmang lalabas na sana mula sa kaniyang pinagtatagoan nang marinig niya ang mahinang kaluskos na nagmula sa loob ng silid na kaharap niya lang din. Tinitigan niya ang nakaawang na pintuan at nakita si Scarlet na nagtataago sa madilim na sulok.

Narinig niya ang papalapit na yabag ni Robert kaya hindi muna siya lumabas sa kaniyang pinagtatagoan. Sinilip niya si Robert at nakita itong binubuksan ang bawat silid na kaniyang nadadaanan. Tinignan naman niya ang silid na pinagtatagoan ni Scarlet at muling sinulyapan si Robert na nakangisi na parang baliw.

"Scarlet.", Pabulong niyang tawag dito.

Sinulyapan niya muli si Robert at tinawag ulit si Scarlet.

"Scarlet."

Tila ay nakarinig si Scarlet na boses na parang may tumatawag sa kaniya. Kinabahan naman siya at naisip na baka multo ang tumatawag sa kaniya. At dahil diyan ay mas lalo pa siyang sumiksik sa madilim na sulok.

"D*mn Scarlet!", Inis nitong mura.

Natauhan naman si Scarlet at sumilip din sa labas. Nakita niya si Martin na nakatayo sa likod ng dingding habang nakatingin sa kaniya at hawak naman nito ang baril.

Nabuhayan naman si Scarlet ng loob nang makita siya. Pero agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig pagkatapos seninyasan siya ni Martin na huwag mag-ingay. Sinenyasan siya nito na magtago muna habang sinusulyapan si Robert.

"Don't make any noise.", Bulong niya na agad naman tinanguan ni Scarlet.
"Wait for my signal."

Tumango ulit si Scarlet. Sinilip niya si Robert na patuloy pa rin na tinitingnan ang bawat silid. Hinintay niya itong pumasok sa silid bago sesinyasan si Scarlet lumabas at lumapit sa kaniya.

Nang makita niyang pumasok na si Robert sa silid ay agad niyang seninyasan si Scarlet na lumabas. Agad naman lumabas si Scarlet at lumapit sa kaniya at agad yumakap.

"It's okay. It's okay. I'm here. Sshhhh..."

Tila ay narinig ni Robert ang tunog ng mga paa sa pagtakbo kaya nagmamadali siyang lumabas  at nagpalinga-linga.

"Scarlet!!", Sigaw niya.

Agad naghiwalay mula sa pagyakapan ang dalawa at hinawakan ang kamay ni Scarlet. Agad niya itong hinila at nagsimula na silang tumakbo patungo sa hagdanan.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now