CHAPTER 10

271 7 0
                                    

CHAPTER 10.

Third Person's POV.

Malalim ang iniisip ni Scarlet at hindi man lang napapansin ang anak niya na nakatingin sa kaniya habang ngumunguya ng pagkain.

"Mommy?", Pagkuha ni Hanzo sa atensiyon ng kaniyang Ina.

Agad naman natauhan si Scarlet sa tinig ng kaniyang anak. Mabilis niyang pinaskil ang ngiti sa kaniyang labi upang ipakita sa anak niya na ayos lang siya.

"Are you okay Mommy?", Taka at nag-aalala nitong tanong sa kaniya.

Tumawa ng mahina si Scarlet at tumango bilang sagot sa tanong ng kaniyang anak.

"Yes anak. I'm fine.", Nakangiti niyang sagot.

"You look out of nowhere Mommy. Looks like you have a problem.", Sabi nito na ikinagulat naman niya pero hindi niya pinahalata.

"No anak. Mommy is fine. It was just, I'm tired.", Sabi niya at ngumiti.

"You're tired? We can go home now Mommy. Looks like you need a rest.", Sabi nito na ikinalambot ng puso niya.

Umiling siya at kumuha ng tissue upang punasan ang kunting dumi na nasa gilid ng labi ng bata.

"It's okay anak. It's Saturday and I want you to enjoy this day with me. Saturday and Sunday are the days that we only have a bonding together.", Sabi niya matapos linisin ang bibig ng bata.

"But you're already tired na po Mommy.", Sabi nito.

Scarlet just chuckles and can't stop to pinch his cheeks.

"Mommy is fine anak. No need to worry, okay? Finish your food and we stil need to roam in here."

Tumango na lamang ang bata at tinapos na lamang ang kaniyang kinakain. Habang hinihintay niyang maubos ang pagkain nito ay hindi niya maiwasan na makaramdam na parang may dalawang pares ng matang nakatingin sa kanilang gawi. Ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo at baka guni-guni lamang niya iyon.

Kanina pa niya hinihintay si Dominic dahil hindi pa ito bumabalik. Nag-punta lang naman ito ng restroom at bakit sobrang tagal naman yata nito bumalik. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at akmang mag-tetext na sana kay Dominic nang maalala niyang wala pala siyang numero nito.

Isang buntong hininga na lamang ang kaniyang ginawa at hindi mapigilan na mainis sa sobrang tagal nito. Kanina pa niya sinusulyapan ang entrance at baka makita si Dominic doon pero isang oras na ang nakakalipas at wala pa rin ito.

Tinignan na lamang niya ang kaniyang anak at nagliligpit na ito dahil natapos na itong kumain. Napangiti siya habang pinagmamasdan nito kung gaano siya kalinis sa sarili.

Tumayo na siya kasama ang kaniyang anak at nagtungo sa counter upang mag-bayad.

"Ikaw po ba si Ms. Ashburn?", Agad na tanong ng cashier kahit kakalapit palang niya.

"Uhm....Yes.", sagot niya.

Ngumiti sa kaniya ang Cashier.

"No need to pay na Ma'am. The foods that has been reserved has already paid.", Sabi nito na ikinakunot ng noo ni Scarlet.

"A-already paid?", Paninigurado niya.

Isang tango lamang ang sinagot nito.

"How?", Kunot-noo niyang sabi.

Nag-kibit balikat na lamang ang Cashier at walang balak na sabihin nito. Magsasalita pa sana si Scarlet nang sumingit si Hanzo.

"Tell to that person that I thank him/her very much! I enjoyed the foods! And I'm already full!", Masigla niyang sabi.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now