KABANATA XII

39 5 4
                                    


Ilang araw din kami dun sa Isla na binili ni sir Drain, nag kasakit ako ng isang araw gusto pa nga sana ni sir Drain mag padala ng Doctor dun sa tinutuluyan ko dahil baka daw mas lumala pa, pero pinigilan ko na siya, gawa nga ng satingin ko ay ayos naman ako.

Matagal-tagal na rin simula nang may mag alaga sa akin ng ganun, simula nung umalis ako sa bahay namin sa probinsya ay hindi na rin naman ako nakaka punta kay lola.

"Theodora" tawag sakin ng Mayordoma.

"Po?"

"Totoo ba na uuwi ka panandali sa inyo? Akala namin hindi ka muna uuwi hangga't dika na kakaisang taon dito?" Sabi niya sabay abot sakin ng papel na ipinasa ko sakanya dahil nag paalam ako na uuwi muna sa amin nila lola nang dalawang linggo.

"Ah opo, matanda na po kasi si lola, kaya gusto ko po sana na dalaw-dalawin na po siya ulit, nabalitaan ko din po kasi na lumalala na ang ubo niya, gusto ko naman po na kahit papaano ay matignan ko siya kahit sandali." Sabi ko sabay yuko dahil medyo nahihiya parin.

"O siya sige, napag paalam na rin naman kita kay sir Drain at pumayag naman agad, wala naman ako magagawa basta't pumayag na si sir, pero gawin mo muna yung mga naka atas sayo na gawain bago ka umalis bukas  ah, may mga paparating din kasi tayong mga bisita mamaya." Sabi ni Mayora at umalis na.

Simula din nang umuwi kami dito ay hindi na ulit kami nag kita pa ni sor Drain, at Oo medyo iniiwasan ko din siya dahil nga sa mga nangyari sa Isla. At saka nakapag tataka naman kung lapit ako nang lapit sakanya, wala naman na kaming kaylangan pang pag-usapan. Pag tumataas naman ako sa opisina niya ay gabi na kaya wala na rin siya dito nun. Sa umaga naman iba na ang nag lilinis.

Akmang babalik na ako sa taas dahil pinapalinis sakin ni Mayora ang Hallway sa ikalawang palapag ay may tumawag sakin.

"Theodora?" Si sir Drain.

"Sir! Bakit ho?" Tanong ko sakanya, mukhang kakagaling lang niya sa opisina at kitang-kita na antok na antok ang mga mata nito, hindi ko kasi alam kung nakauwi ba siya kahapon dahil hindi naman na ako muna pinaglinis nila Mayora sa opisina niya, hindi ko din siya nakita kahapon.

"Kumain kana?" Tanong niya at tila ba pinag mamasdan ang buo kong katawan kung namayat ba ako o hindi.

"Ah opo sir kumain na po kami nila Lara at Tess, may kaylangan pa po ba kayo?" Tingin ko ulit sakanya.

"Ahm, bukas... Sasama ako sayo sa pag-uwi mo sainyo." Napatunganga ako sa sinabi niya, narinig ko ba nang tama sasama daw siya sakin sa pag-uwi ko kayla lola bukas, at bakit naman.

"Ah sir bakit ho?"

"Gu-gusto kong makasama ulit ang lola mo! minsan na siyang nanilbihan dito sa Villa kaya gusto ko na makita siyang muli, tinapos ko na rin naman lahat ng trabaho ko sa mga susunod na linggo kaya I can go with you." Nakita ko ang bakas ng ngiti at tuwa sakanyang mga mata kaya kahit takang taka parin ako at nakukulangan parin sa sinabi niya ay tumango na lamang ako.

"Lets see in my office tomorrow 7 AM, sakin kana sumabay dahil mag sasasakayan nalang tayo." aangal pa sana ako pero nag lakad na siya paalis at sumakay na sa sasakyan niya.

Tulala man sa nangyari ay nagulat parin ako ng tumili si Lara, mula sa likod ko, siguro ay kanina pa siya dyan at narinig lahat ng sinabi ni sor Drain. Nako pang-asar pa naman to.

"Ikaw ah, alam mo pansin nanamin kayo ni Lara simula nung dumating kayo iba na tinginan niyong dalawa! Lalo na ni sir Drain, tapos ngayob maririnig ko sasama daw siya sayo sa pag-uwi!" tili niya.

"Ano kaba wag kang maingay masyadong kang chismosa at malisyosa, wala yun narinig mo naman diba kaya siya sasama para kay lola, minsan nang nanilbihan dito ang lola ko kaya siguro ay gusto niyang makasama."

"Asus, andami na kayang mga matatandang nanilbihan dito noon pero bakit ni isa sa kanila wala naman akong nabalitaan na binisita niyan ni sir Drain, wang sabihin mo gusto ka niya! Nag papalusot pa kayong dalawa eh halata naman na gusto niyo ang isat isa!"

Gu-Gusto namin ang isat-isa?

"Alam mo Lara mag trabaho nalang ulit tayo kalimutan mo na ang mga narinig mo at mga nakita mo huh dahil wala lang yun, ikaw lang ang nag bibigay ng mensahe sa nga nakita mo, issue ka!" Sabi ko sakanya sabay hampas.

"Ako issue? Hindi lang naman ako ang nakakapansin noh, halos lahat kaya ng mga nagtatrabaho dito pansin, siguro nga pati mga guests natin ay pansin din, doon palang sa event nung birthday ni sir Drain alam kona, kung ako issue kayo INDENIAL!" Sabi niya sabay hampas din sakin, aakmang hahampasin ko siya pabalik nang may nagsalita.

"Tama na ang daldalan ninyong dalawa, hindi maganda ang mga salitang lunalabas sa bibig ninyo, hindi papatol si sir Drain sa mga bagay na ibinibintang ninyo, kaya bumalik na lamang kayo sa trabaho, hindi maganda sa paningin ng ating guests ang ginagawa niyong dalawa." pag kasabi nun ni Mayora ay agad niya na kaming tinalikuran, parang may kumirot na kung ano sa puso ko.

"Sungit nanaman nun ni Mayora, nireregla nanaman kahit menopause na, yun nalang ikekwento ko mamaya kay Tess, na ang Ms. Sungay, ay bumalik na naman, sige na Theodora mamaya nalang ulit kita aasarin."

Marami mang bumabagabag sa aking usipan, ay isinantabi ko nalang yun at inisip nalang ang trabaho, at nag pakasaya dahil alam ko na bukas na bukas ay makikita ko na ulit si lola. Pero handa kaya akong muling makasama si sir Drain sa dalawang linggo at mahabang byahe.

MORNING

Umaga palang ay agad ko nang inayos ang aking dadamitin at dadalhin, nag handa din ako ng mga pasalubong kay lola dahil sigurado ako na namiss niya ako at ang mga pagkain dito sa Villa, hindi ko kasi naayos kahapon ang gamit ko dahil mas inuna ko ang trabaho dito sa Villa at sa sobrang pagod hindi pa ako nakakapag bihis ay nakatulog na ako.

Naghilamos na rin ako, nag suot lamang ako ng kulay lila na bestida, dahil bigay ito ni lola at siguradong matutuwa iyon pag nakita niya na suot suot ko ito.

Bumaba na ako at nag paalam na kayla Tesa at Lara, mamimiss ko silang dalawa, lalo na't kakaalis lang din namin nung nakaraan ni sir Drain, ay aalis nanaman ako ngayon, at sa muling pag kakataon kasama ko siyang muli. Pag baba ko sa villa ay dumiretso narin ako kay sir Drain, kumatok ako at sumigaw siya na pumasok na ako.

"Sir-"

Mag sasalita pa sana ako ngunit pinigilan ng sarili kong baga ang aking bibig na mag salita nang makita ng dalawa kong mata ang pinaka nakabibighaning lalaki sa balat ng lupa ang nakikita ng dalawa kong mata ngayon. Tila ba isang prinsepe ang nasa harapan ko ngayon at nakangiti saakin sa suot niyang kulay puting polo at itim na shorts, sino bang mag aakalang may lalaking ganto ka gwapo, mas nagningning pa ang kanyang kagwapuhan nang tumama mismo sakanya ang sinag ng araw.

Para bang alam din ng araw kung kaninong spotlight nararapat at walang iba kundi kay sir Drain.

"Theodora, are you okay? You look stunned." The way he look at me, huhu na papa-english ako sa sobrang makalaglag panga nang kagwapuhan niya.

"Dont worry you look stunning too, No. You look perfect, bagay tayo."

Ba-bagay tayo?

Shocks, okay pwede mo na akong kunin lord sige na.

"I'm the Prince, you're my Princess." Sabay kindat.

Siya ang prinsepe, ako ang prinsesa?

Ilabas niyo lahat ng pinggan, damit, kubyertos, kahit dipa gamit, lilinisin ko lahat.

Isang oras na ang lumipas ng pag byahe namin ni sir Drain, walang ni isa sa amin ang nag sasalita, tanging. mga buntong hininga lang namin ang naririnig, wala naman din kasi akong sasabihin sakanya. Hindi rin ako makatingin sakanya nang maayos dahil baka matitigan ko siya nang matagal sa sobrang gwapo niya ngayon, hindi tuloy ako makatingin dahil baka mamula lamang ako.

"Kelan ka po uuwi dito sa Maynila sir?" Tanong ko sakanya at tumingin din ako sakanya.

"Kelan ka ba uuwi?" Tanong niya sakin at tumingin siya, nagulat naman ako dahil napaka gwapo niya nga, kaya alam ko na namumula na naman ako, kaya agad akong umiwas ng tingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DRAIN'S OBSESSION (2)Where stories live. Discover now