KABANATA X

56 6 11
                                    

(Typo's and grammatical errors will be under editing.)

Matapos ang usapan namin ni sir Drain sama'y Cottage nag-yaya siyang panoorin namin sama'y dagat ang sunset. Ngayon saba'y naming pinag mamasdan ang ganda nito habang ang paa ko ay nag papabasa sa alon ng tubig ng karagatan, mukhang ito ang pag kakatulad namin ni sir Drain mahilig kami sa mga gantong klaseng bagay, at gustong- gusto ko naman ito.

"What do you think about love?" Kung may iniinom lang ako ngayon baka na ibuga ko na kay sir Drain yun ngayon. Bakit naman kasi ganun ang tanong niya saakin. Ayoko pa naman na sanang mag salita muna.

"Wala po sa isip ko yan sir Drain, ang mahalaga po saaking ngayon ay ang mag trabaho para po may maipadala kay lola, saka para din po kahit pa-paano makabalik ako sa pag aaral ko" sambi't ko sakanya napatingin nanaman ako sa Araw na papalubog na ngayon. Kitang kita ko din ang pag titig niya saakin.

"I love someone right now." Nang bitawan ni sir Drain ang salitang yun napatitig ako sakanya habang siya din ay nakatingin saakin, ngumiti ako sakanya, mabait naman si sir Drain, gwapo, mayaman at matalino pa ito kung sino man ang babaeng mahal niya ngayon apaka swerte.

Apaka swerte.

"Nako sir Drain hindi naman na po kayo bata, may mga sarili na kayong desisyon dapat po kung sino man babae ang nagugustuhan niyo ay sabihin niyo sakanya ang nararamdaman mo"

"Saka dapat din sir Drain maipag tapat mo ito habang maaga pa, malay mo maunahan ka ng iba" napatawa ako, pero siya ay nananatili pa rin na nakatingin saakin. Kung kilala ko lamang ang babaeng gusto niya paniguradong mukha itong santa o ano man dahil ganung klase ang mga karapatdapat para kay sir Drain.

"Pero hindi naman niya ako mahal Theodora. She didn't even want me. She didn't even notice me." Nalukot ang mukha ko, nako diko pa nakikita ang babaeng yun naiinis na ako bakit naman ganun ang ipinararamdam niya kay sir Drain. Sir Drain deserve someone who will notice how worth it he is.

"Ganun po talaga sir Drain hindi lahat ng bagay na gusto natin makukuha natin, may mga bagay po na ipag kakait talaga satin" napatingin ulit ako sa Araw na papalubog na ngayon. Ang ganda talaga.

"Bakit Theodora wala ba akong pag-asa sayo?" Maikling tanong. Maikling salita. Pero tila maraming bagay ang namutawi sa aking puso't isipan nang marinig ko ang salitang iyon, napatingin ako kay sir at ganun din siya puno ng pag mamahal at lungko't ang kanyang mata. Tila ang akin naman ay mata na puno ng katanungan. Anong ibig niyang sabihin?

"I know, I know masyadong mabilis Theodora pero, pwede mo ba akong papasukin sa buhay mo. Pwede mo ba akong papasukin sa mapag laro mong puso?" Punyeta. Tagalog na. Naiintindihan ko na. Minsan ang saya maging tanga na lang din pala.

"Ba-bakit ako?" Yun na lamang ang salitang tanging kinakaya ng boses ko gusto ko pang mag salita pero wala nang lumalabas pa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa pag kakataong ito. Tangina mahal ba ko ni sir?

"Why not? Hindi ka naman mahirap mahalin? At kung papapiliin ako sa A, B, C, AT D bakit pako pipili ng isa dun kung T lang naman ang aking nais?" Dun na. Doon na tila nag init ang aking mga pisnge. Wag ka mag tagalog sir Drain jusko! Na papako ako sa mga salitang binibitawan mo.

"Sir, hindi po ako kamahal- mahal. Iniwan lang po ako ng tatay ko ang lola ko na lang po ang nag palaki saakin. Opo maganda po ako pero sa pamamaraan po ng pamumuhay ko sainyo tila masyado po atang malayo iyon. Masyado po ata kayong malayo saakin."

Nagulat ako sa mga sinabi ko, bakit ako nag eexplain? Pero mas nagulat ako nang hawakan ni sir Drain ang kamay ko at hinimas yun.

"Ikaw ang malayo saakin Theodora. Ikaw ang tila malayong maabot. Mahirap abutin? Ikaw lang din naman ang lumalayo saakin. Saating dalawa ikaw ang mas kilala ang sarili. Ikaw ang mas bukas sa mundong ito. Kaya nga kita mahal kasi ikaw ay ikaw. Gusto kong hanapin ang sarili ko kasama ka. Wala nang iba. Kung hindi ikaw ang makakasama ko, mas pipiliin ko nalangna hindi makilala ang tunay na ako."

Ito nanaman tayo, sumasakit nanaman tyan ko eh.

"Sir Drain. Hindi mo kaylangan nang kahit sino para hanapin ang sarili mo. Salamat po sa pag mamahal niyo, pero kayo din naman po. Kamahal- mahal ka ding tao kung para sayo hindi pwes para sakin po Oo, kung sa ngayon po hindi ko mapapantayan pa ang pag mamahal niyo lagi niyo lang po tatandaan na nandito ako lagi para sainyo"

"I love you" yung salitang yan. Tatlong salita, walong letra, tila may ibang ala-ala ang bumabalik saakin.

"Hindi po kita iiwan sir Drain" sabi ko sakanya sabay tingin.

"Sana nga Theodora. Sana nga hindi mo ako iwan, sana hindi mo na ako iwan katulad ng ginawa mo noon."

DRAIN'S OBSESSION (2)Where stories live. Discover now