Chapter 2

1 0 0
                                    

Pagkatapos tignan ang resulta ay umuwi na rin ako. Pagdating naman sa bahay ay nagpahinga muna ako saglit saka ko sinimulan ang pagbabasa ng topics ngayong grade 7. May mga libro kasi kami sa bahay kaya nasusulatan ko at hindi ko na kailangang magpaprint sa computer shop.

Tinapos ko ang dalawang module sa libro bago ako natulog. Lumipas ang natitirang araw ng bakasyon na paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Gigising sa umaga tapos gagawin iyong stretching routine na nasearch ko, kakain, mag-aaral, sasayaw saglit, maggmemeryenda, mag-aaral, kakain ng hapunan at magrereview ulit bago matulog.

May mga pagkakataon din na nagsesearch ko tungkol sa iba pang topic na nakikita ko sa facebook.  Paulit-ulit lang ang ginagawa ko pero nag-eenjoy naman ako kaya ayos lang.

May mga gamit na naman kami dito na natira pa last year kaya iyon na lang ang ginamit ko. Hindi iyon bago pero hindi pa naman nagagamit. Mga ballpen at art materials na lang ang binili namin dahil doon.

“Hoy, gising na daw!” sigaw ko sa kapatid ko habang pinapalo ang binti niya.

Ngayon na ang araw ng pasukan kaya nagsimula na rin ang kalbaryo ko sa paggising ng maaga.

“Ano ba! Natutulog pa ko.”

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang unan na malapit sa ‘kin. Hinampas ko siya ng malakas kaya napabangon siya bigla. Yan kasi! Ayaw pang gumising.

Hinagis ko iyong unan sa mukha niya bago tumakbo palabas ng kwarto namin. Sigurado akong gaganti iyon kaya hinila ko iyong tuwalya sa sabitan at dumiretso na sa cr para maligo. Pero joke lang. Sinabit ko lang iyong tuwalya tapos lumabas na rin ako.

Pagkalabas ko ng CR ay narinig ko ang sumbong ng kapatid ko. Noong nakita niya ko ay tumakbo siya papunta sa akin kaya tumakbo ako sa likod ni Mommy. Hindi tuloy niya ko mahampas.

“Hinampas ako ng unan!” sigaw niya nang tinanong siya kung bakit siya nagwawala.

“Kung gumising ka agad e di sana hindi ka nahampas,” katwiran ko.

“Edi sana-” hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita na ko. Ginaya ko iyong sinasabi niya tapos nilabas ko ang dila ko noong natahimik siya. Hindi ka mananalo sa ‘kin, kapatid.

Inirapan niya na lang ako tapos nagsimulang kumain. Kumain na lang din ako para matahimik na.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang uniform ng MHS na kulay black na palda na may cream linings, cream-colored blouse na may black linings, black necktie, white socks at black shoes. May bulsa ang blouse sa upper left kung saan may nakasulat na SSC. Kitang-kita iyon dahil black ang kulay ng letters no’n.

Malapit lang sa amin ang school kaya nilakad ko lang iyon. Elementary pa lang ang kapatid ko kaya ang kasabay niyang pumasok ay iyong isa pa naming kapatid.

Kung marami ang nakita ko noong enrollment ay na-triple iyon ngayon. Bawat sulok ay may mga estudyante. Narinig kong may nagsasalita sa court kaya doon ako pumunta. May mga pila doon na sa tingin ko ay by section kaya hinanap ko ang pila ng Polaris.

“Azeliah dito!”

Napalingon ako noong may tumawag sa ‘kin. Si Ynah pala. May kasama siyang dalawang babae na humila naman sa kaniya kaya hindi ko na rin sila nakita pero parang si Moralez iyong isa. Papunta na ko sa direksiyon nila Ynah kanina nang may humawak sa braso ko. Lumingon naman ako at nakita ko si Jasmine.

“Alam mo ba kung saan iyong pila?” tanong niya.

“Saang section ka ba?” tanong ko. Hindi ko naman kasi alam iyong section niya.

“Polaris din ako!”

Medyo nagulat ako sa sagot niya. Kaklase ko siya noong grade 6 pero hindi naman kami nag-uusap kaya hindi ko alam.

SSC Diaries: The Most Special of Them All Where stories live. Discover now