Chapter 1

1 0 0
                                    

Pagkatapos noon ay kinuha ulit sa amin iyong answer sheet. Sinabihan din kami na bumalik ulit next week para mag-exam. May mga exam pa na para daw sa tatlong major subjects. Walang reviewer na binigay kaya nag-search na lang ako ng mga posibleng topic sa exam.

Lumipas ang ilang araw ay pare-pareho lang ang ginagawa ko. Gigising ng tanghali, kakain, mag-rereview, kakain, review tapos matutulog.

Noong una nga ay hindi tama ang timing ko pero nasanay na rin ako.

Hanggang sa dumating ang araw ng exam.

Pumunta ako sa Andromeda Building dahil iyon ang sinabi last week. Pagdating ko doon ay maraming tao at nakita ko ang ilang pamilyar na mukha kasama si Ynah.

May dala rin silang mga yellow pad at ballpen gaya ko. Kasama din kasi iyon sa bilin ng teacher last week. Naghintay pa kami ng ilang minuto dahil may limang minuto pa naman bago ang oras na sinabi nila.

“Nakadikit sa pinto ang listahan ng magkakasama sa bawat room. Hanapin niyo na lang ang pangalan niyo,” anunsiyo ng teacher.

Napatingin naman ako sa Andromeda building. Nakalimutan yata nilang tatlong palapag ang building na ito.

Nagsimula na silang maghanap kaya nakisali na rin ako. Hindi ko nahanap na pangalan ko sa ground floor kaya umakyat ako. Pagkadating sa second floor ay medyo binilisan ko ang paghahanap. Natapos ko na ang limang room sa pangalawa pero wala pa rin kaya umakyat ako sa pangatlo. Pagdating naman doon ay sarado ang mga pintuan ng ibang room maliban sa isa. Doon na siguro iyon.

Binilisan ko ang lakad papunta doon. Kahit na ito lang ang nag-iisang bukas na pinto ay binasa ko pa rin ang listahan. Mahirap na baka mapahiya pa ko.

“Bakit binabasa mo pa? Obvious naman na diyan ka kung hindi mo nakita sa baba iyong pangalan mo.”

Napatingin ako sa gilid ko. Isang babaeng mahaba ang buhok ang nasa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Naniniguro lang. Paki mo?” mataray na sabi ko sa kaniya.

“Naniniguro? Wala ka bang common sense? Duh?” maarteng sabi niya saka ako inirapan.

Hindi ko na lang siya pinansin. Tinignan ko lang iyong babae tapos hinanap ko na lang ulit iyong pangalan ko.

“Wala talagang common sense. Tinuloy mo pa talaga?” natatawang sabi niya.

Hindi ko pa rin siya tinignan. Pinagpatuloy ko lang ang paaghahanap sa pangalan ko. Medyo binilisan ko na dahil naiinis na ko sa babaeng ito. Hindi pa rin kasi siya umaalis sa tabi ko.

Nang nakita ko na ang pangalan ko ay tinignan ko siya. Papasok na sana ako sa loob pero bigla niyang hinila iyong braso ko.

“Kinakausap pa kita!” sigaw niya. Hindi ba siya aware na ang arte ng boses niya at nakakairita?

Nagtinginan tuloy bigla ang mga nasa floor na ‘to. Syempre, ikaw ba naman makarinig ng sumisigaw na ipis hindi ka mapapatingin?

“Ikaw, kulang ka ba sa pansin?” mahinang tanong ko.

Binasa ko lang ang listahan tapos wala na agad akong common sense? At wala talaga siyang balak na tigilan ako.

"W-what?! Ikaw-“

“Anong pangalan mo?” putol ko sa sasabihin niya.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

“Hindi-“

“Anong pangalan mo?” putol ko ulit sa kaniya.

Inirapan niya ko. “Leandra A. Moralez. Bakit mo ba tinatanong?” maarteng sabi niya at muling umirap. Hindi ba siya nahihilo? 

SSC Diaries: The Most Special of Them All Where stories live. Discover now