Prologue

0 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng school. Nandito ako ngayon sa Maharlica High School para mag-enroll. Gaya ng inaasahan ay maraming tao dito. Kahit naman ganon ay hindi masyadong siksikan dahil malawak naman ito.

Medyo kinakabahan ako dahil mag-isa lang akong mag-eenroll. Hindi naman sa kailangan ko pa ng kasama pero pakiramdam ko mukha kong ewan na naglalakad mag-isa.

Mabagal lang ang lakad ko papunta sa covered court dahil pinagmasdan ko pa ang mga nadadaanan ko. Masasabi ko na may kalumaan na ang mga building dito dahil may napansin akong mga kaunting crack doon sa mga pader ng nakita kong room. Pero presentable pa rin naman at hindi masyadong pansin.

Nang nakarating ako sa court ay mas nakita ko kung gaano karami ang mag-eenroll. Ang haba ng mga pila. Nakakatamad.

May mga apat na pila siguro. Hindi naman nalalayo ang haba ng unang tatlong pila kaya hindi na ko nag-abalang mamili. Pipila na sana ako sa pinakamalapit pero napatigil ako bigla dahil may napansin ako.
Kahit nasa pinakadulo na ako ay bumalik ulit ako sa harap dahil may nakita akong nakasulat doon.

‘General Average of 79 and below’ basa ko sa cardboard.

Napangiwi ako sa nabasa ko bago umalis doon. Muntik pang mapasama sa mga pasang awang mga estudyante.

91 ang general average ko kaya doon ako sa pila ng 90-95 pumila. Nasa pang-apat na pila iyon. May isa pang cardboard na nakalagay at ang average naman ay 96-99 pero wala pang nakapila doon.

“Hi!”

Napatingin ako sa kanan ko nang may biglang nagsalita doon. Isang babae naka-pony tail at mas matangkad ng kaunti sa ‘kin. Nakangiti din siya at nakaangat pa ang kamay.

Wala na siya sa pila pero nakakangiti pa rin. Sana all.

“Hi! Ako nga pala si Ynah Suarez” nakangiti pa ring sabi niya at nilahad ang kamay niya.

Medyo nailang ako sa ginawa at sinabi niya pero ngumiti rin ako at tinanggap ang kamay niya. Baka mas mailang ako kapag hindi ko tinanggap. Nakakahiya rin.

“Azeliah Vardimerio,” pagpapakilala ko sabay ngiti. Sana okay lang tignan iyong ngiti ko.

“Anong average mo? Mine’s 95” sabi niya.

Hindi ako humanga sa english niya. Ang arte kasi pakinggan. Halatang hindi natural at nag-iinarte lang. Pero dahil ayoko namang enrollment pa lang ay may kaaway na ay sumagot pa rin ako at hindi pinakita ang iritasyon ko.

“91 ‘yong sa ‘kin” sagot ko. Hindi ko nilagyan ng ‘lang’ dahil nahirapan akong kunin ang grade na iyon. Hindi naman kasi basta bastang makakakuha ng line of 9 na grade.

Napatango siya sa sinabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napatingin naman siya sa ‘kin pero hindi siya nagsalita. Tinanong niya rin kung bakit pero umiling lang ako. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko kung anong ibig sabihin ng tangong iyon. Bigla rin kasi siyang nag-iwas ng tingin at hindi na ngumiti. Masyado siyang halata.

“Bakit nga?” tanong niya pero umiling lang ulit ako at tumingin sa ibang direksiyon.

Patuloy lang siya sa pangungulit pero napatigil din siya nang makita ang tinitignan ko.

May grupo ng estudyante na naglalakad papunta sa tabi ng pila namin. Sila iyong mga may average na 96-99.

Sa tantiya ko ay nasa isang dosena sila. Maingay din ang grupo nila kaya agaw-pansin talaga.

Baka naman papansin talaga sila? Mas lalo kasi silang umingay no’ng nasa tabi na naming sila. Teka, nasa tabi namin?

Tumingin ako sa unahan. Malapit na pala kami. Mabilis naman pala gumalaw ang pila dito.

SSC Diaries: The Most Special of Them All Where stories live. Discover now