Chapter 4

10 0 0
                                    

Medyo malakas ang ulan, kaya tumatalamsik ang patak ng tubig sa sapatos at medyas ko. Magkatabi kami ngayon, ang tahimik. Hindi kami pareho makapagsalita dahil sa nangyari kanina, pero hindi ata ako makapagsalita  dahil sa nakita ko. ''Shane'' rinig kong tawag niya sa akin. tulala lang ako, nakatingin deretso sa daan.


 ''Okay ka lang?'' saad niya, natango lang ako sa kanya. Hanggang sa tumigil siya sa harap ko. ''Ayos ka lang ba? May nasabi ba akong mali? May na---'' naputol ang kanyang sasabihin, dahil inunahan ko na siya. ''Sorry, pagod lang ako. Medyo masama rin ang pakiramdam ko'' saad ko sa kanya.

 Kapag ba nagseselos ka, hindi ka makapagsalita? Madami akong gustong itanong. Bakit  si Caryn? Close ba sila? Kailan pa sila naging close? Alam kong minsan sumasali si Caryn sa mga activities sa swimming team pero hindi ito ang inaasahan ko.


Bigla niyang hinawakan ang noo ko, nagkunwari akong hinaplos ang aking buhok ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad, hindi kinikibo ang isa't isa.


Nakita ko na ang bahay ni Zaijan, tatlong palapag ang bahay nila. May terrace pa sa taas, isang liko nalang bahay na namin.

Nakita ko na ang bahay namin, agad- agad kong binuksan ang gate ng bahay, napansin kong medyo  nangangalawang na ito.  Kumatok na ako sa pinto ng tatlong beses, ang nagbukas nito ay si Mama. Nakain na sila ng hapunan, anong oras na din kasi di na nila ako nahintay. ''Oh! Cyrus  hijo, andito ka pala kumain kana?'' saad ni Mama. ''A-Ah hindi pa po'' wika ni Cyrus, ''Pasok ka muna hijo, may nilaga akong niluto'' ani ni mama, at pinapasok kami sa loob.


Tumayo si Tatay, kumamay at binati si Cyrus. ''Good evening po Tito'' saad ni Cyrus, ''Magandang gabi din sa iyo hijo'' wika ni Tatay.  Ipinaghanda ni mama si Cyrus, di ko pa rin siya matingnan dahil sa nakita kong pagsasama nila ni Caryn. 

''Tita iba po talaga kayo magluto, ang sarap'' saad ni Cyrus. Di ko siya masisisi, masarap talaga magluto si mama. 

Nama-alam na sa amin si Cyrus, baka daw kasi hinahanap na siya ni Lola Amor. Napahinga nalang ako ng malalim, hindi mawala-wala sa isip ko, yung pangyayari sa kanila ni Caryn. ''Nak, ihatid  mo naman si Cyrus sa may gate'' saad ni mama, nagulat ako sa sinabi ni mama. Pero tumango na lang ako. ''Salamat po sa pakain Tita, Tito'' wika ni Cyrus,'' Mag-iingat ka hijo ani ni tatay.



Binuksan ko na ang gate, hindi na rin umuulan. Kaya hawak niya na lang ang tungkod ng payong, ''Salamat Shane, sa pakain'' saad niya. ''A-Ah wala yon'' ani ko, ''Hindi na ba masama pakiramdam mo?'' wika ni Cyrus. ''Hindi na, gutom lang ata ako kaya masama pakiramdam ko'' saad ko, '' Sabi ko sayo, wag kang magpapalipas ng gutom baka magka- ulcer ka'' wika habang ginugulo ang buhok ko. 

Nakasandal ako sa gate ng biglang... Bumagsak ito at nadala ako dahil nakasandal ako. Pero, biglang hinila ni Cyrus sa kanya.

Ang mga kamay niya ay nasa bewang ko, ang mga kamay ko naman ay nasa balikat niya. Parang biglang tumigil ang takbo ng paligid, nakatingin kami sa isa't isa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ayokong umasa. Ayokong masaktan. Ayoko maging isang tanga na asang-asa sa kanya.


Natauhan naman kami at parehong bumitaw sa isa't isa. Lumabas sina mama dahil sa lakas ng bagsak nung gate, ''Anong nangyari ba't bumagsak yung gate?'' saad ni mama. ''Tita, bigla lang pong bumagsak yung gate. Nangangalawang na rin po kasi'' wika ni Cyrus, tiningnan ni Tatay kung ano ang problema nung gate.''Nasaktan ba kayo?'' saad ni mama, ''Hindi po, una na po ako baka hinahanap na po ako'' wika niya.''Mag-iingat ka pag-uwi hijo'' ani ni mama,''Opo salamat po ulit'' saad niya. Tuluyan nang nagpaalam ni Cyrus sa amin. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling For HimWhere stories live. Discover now